Pagsasaya•••Simula na ang prelim week at bilang fourth year I.T student, hindi uso sa amin ang mga written exams, one seat apart at individual exams dahil more on system kami at by group 'yon palagi, tulad na lang ng exam namin ngayon sa robotics."Ang unang makatapos ng arduino obstacle avoiding car ang grade ay 100, ang mga susunod ay pabawas ng pabawas ng lima..." sabi ni sir contis sa harapan. "Magpasa kayo ng one-fourth tapos isulat niyo 'yong pangalan ng grupo ninyo at 'yong mga members." dagdag pa nito."Ako na gagawa nong sa one-fourth." sabi ni Niccolo dahil siya lang naman ang may yellow pad sa room namin. Siya ang naging source of yellow pad ng buong klase."Kami na bahala sa robot, ikaw na bahala sa codes, boss Lucas." sambit ko na sinang ayunan naman ni Lucas.Ilang minuto rin bago namin matapos i-assemble 'yong obstacle robot pero hindi pa tapos si Lucas sa codes kaya hindi pa namin nate-test kung working na nga, kumbaga sa trial and error puro error pa nga."Hindi pa
Last Updated : 2025-11-20 Read more