Michael’s POVUmupo ako sa sun lounger sa poolside at, bago pa ako makapagsalita, kumandong si Cassandra sa ’kin—paharap. Napasinghap ako. Tangina… alam niya talaga kung paano ako aakitin.“Babeeee, tsk… may problema ba tayo? Because you're ignoring me na!” Maarte, ngunit halata sa tinig niya na nagtatampo.“Wala. Sorry, busy lang.” Tipid kong sagot, pero ramdam ko ang tension sa pagitan namin.“But babe! Mas important pa ba ‘yun sa wedding preparations natin?!” Napakagat siya sa pang-ibabang labi. Seryoso, pero halatang nagtatampo.“About that…” mahinang sabi ko. Tumitig siya sa akin, na para bang nangungusap ang mga mata niya.“Pwede bang huwag tayong magmadaling magpakasal?” Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero bahala na. “We’re still young, Cassandra… I’m thirty-one, and you’re twenty-eight. Marami pa tayong pwedeng i-explore, right?”“Pero… gusto na ni Dad magkaapo,” sambit niya, sabay sandal sa dibdib ko. Marahan ko siyang niyakap. K
최신 업데이트 : 2025-12-06 더 보기