Napatigil si Athena. Sinubukan niyang itago ang kaba, pero ang kaniyang boses ay nanginginig na sa inis. "Anong ibig mong sabihin?"This bitch, isip ni Athena. Kung may alam man siya, hindi pwedeng malaman ng iba.Naalala niya ang buhay niya noon—high school dropout, walang direksyon, at laging kasama ang mga tambay. Minsan may pagkain, madalas wala. Hanggang sa makita siya ni Elijah. O mas tamang sabihin, hanggang sa makita ni Elijah ang jade pendant na suot niya.Simula noon, naging prinsesa siya. Lahat ng gusto niya, binibigay ni Elijah. Isang paiyak na tingin lang niya, gagawin ng tagapagmana ng mga Alcantara ang lahat para lang mapasaya siya.Alam ni Athena na kahit anong gawin niya, tatanggapin siya ni Elijah nang walang tanong-tanong. Kaya nga mas pinili niyang pakasalan ang kuya nito, si Miguel, dahil doon niya makukuha ang lahat ng yaman ng pamilya. Pero nang mamatay si Miguel, kailangan niyang baguhin ang plano.Paano kung alam ni Zoe ang totoo?Nanliit ang mga mata ni Athen
Baca selengkapnya