Mula nang matapos ang tawag namin ni Atlas ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Alam kong puwede kong ipagpabukas ang desisyong iyon. Puwede kong sabihin sa sarili ko na kailangan ko munang mag-isip, kailangan kong mag-research pa, kailangan kong maghintay ng mas malinaw na ebidensya.Pero hindi ko ginawa.Dahil alam kong kung maghihintay pa ako ng isa pang araw… baka lalo lang lumala ang mga tanong sa isip ko. At ngayon pa lang ay halos hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko na isipin ang lahat ng posibilidad.Kaya pagkatapos ng tawag ay agad akong umalis ng apartment. Hindi na ako nagpalit ng damit. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para kumain o uminom man lang ng tubig.Kinuha ko lang ang coat ko, ang phone ko, at ang susi ng sasakyan. Oo, may sasakyan naman talaga ako pero hindi ko iyon ginagamit kapag papasok sa office.Paglabas ko ng building ay sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Tahimik ang kalsada pero maliwanag pa rin ang lungsod. Ang mga ilaw mula sa mga gusali ay
Baca selengkapnya