Pagbaba ko ng kotse, pakiramdam ko may humila sa sikmura ko pababa. Para akong isdang itinapon sa gitna ng crowd— buhay, pero clueless kung paano mabubuhay. Kahit ang lamig ng hangin sa paligid, parang ang init ng mukha ko. Hindi ko alam kung adrenaline, kaba, o pregnancy hormones lang itong nararamdaman ko— pero alam kong hindi ito excitement.Gusto ko talagang tumakbo pabalik sa loob ng kotse. Pero bago pa ako makaisip mag-back out, biglang may mainit na palad na kumapit sa kamay ko.Napalingon ako.Si Sir Javier. Calm. Controlled. Na para bang hindi siya haharap sa lahat mamaya at panigurado akong gagawa siya ng kasinungalingan para sa sinabi niyang 'I will clear everything.'“Relax,” he said in a low voice, almost bored.Napakunot ako ng noo.“Hindi ako kinakabahan,” depensa ko agad. Reflex kumbaga. Pero mukhang hindi siya kumbinsido dahil sumilay ang mapang-asar niyang ngisi.Pinagmasdan niya ako sandali, saka tumaas ang isang kilay— ‘yung tipong expression na hindi nagsasalita p
Last Updated : 2025-12-09 Read more