Share

Chapter 20

Author: Bluish Blue
last update Last Updated: 2025-12-12 23:23:11

Hindi pa man tuluyang sumasara ang pinto ng mansyon ay ramdam ko na agad ang pagbabago sa hangin. Para bang may dumating na bagyong hindi umaalingawngaw, pero sapat para magdulot ng kilabot sa mga ugat ko. Tahimik ang lahat— sobrang tahimik. Yung tahimik na nakakatakot.

Nakatayo ang lolo ni Javier sa gitna ng receiving area, diretso ang likod, mabigat ang tingin, at parang kaya niyang ibagsak ang bahay kung tatapakan niya ito nang mas malakas.

Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit o manatili sa kinatatayuan ko. Pero bago pa ako makapag-decide, bahagyang sumenyas si Javier para lumapit ako sa tabi niya. Hindi ko naman alam kung bakit pero ginawa ko. Lumapit ako.

Huminga si Javier nang malalim at bahagyang yumuko bilang paggalang. “Magandang gabi, lolo.”

Tahimik lang ang matanda habang inaayos ang hawak niyang baston. Tapos isinara niya ang pinto gamit ang paa— hindi naman malakas, pero sapat para magbigay ng signal na walang tatakas.

Napalunok ako.

“Umupo kayo,” mahinahong sabi ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 43

    Tahimik ang biyahe pabalik sa mansyon ni Javier.Hindi iyong uri ng katahimikang komportable, kundi katahimikang puno ng bigat—parang bawat segundo ay may pasan na lungkot na walang gustong magsalita. Ang tunog lang ng gulong sa kalsada at ang mahinang ugong ng makina ang pumupuno sa pagitan namin.Nakatanaw lang ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw na dumaraan, mabilis na nawawala, parang mga alaala na ayaw kong iwan pero wala rin akong magawa.Hindi ako umiyak sa biyahe.Siguro dahil ubos na ang luha ko. O baka dahil pagod na pagod na ang puso kong masaktan.Pagdating namin sa mansyon, sinalubong kami ng liwanag—malinis, maliwanag, tahimik. Lahat ay maayos. Lahat ay kontrolado. Parang walang nangyaring trahedya sa mundo. Parang walang pamilyang nasunog. Parang walang isang babaeng nawalan ng lahat sa isang iglap.At doon ko lalo naramdaman ang pagkakaiba.Ang layo ng mundong ito sa mundong kinalakihan ko.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, agad akong bumaba. Hindi ako naghintay. H

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 42

    Hindi ko na alam kung gaano na katagal akong nakaluhod sa harap ng mga puntod habang hawak ang payong na iniwan ni Javier, may kakausapin lang daw siya.Basa na ang damit ko. Mabigat na ang bawat hibla ng tela na kumakapit sa balat ko. Ang ulan ay patuloy sa pagbuhos, tila walang balak tumigil, tila may sarili rin itong dalamhati na nais ilabas.Ang putik ay kumakapit sa mga palad ko habang nakaluhod ako sa lupa, parang ayaw din akong pakawalan—parang gusto nitong ipaalala sa akin na narito ako, sa mismong lugar kung saan tuluyan kong iniwan ang kalahati ng sarili ko.Humahagulgol ako. Hindi na pigil. Hindi na tahimik. Isang iyak na nagmumula sa kailaliman ng dibdib ko, parang hinuhugot ang lahat ng natitirang lakas ko sa bawat paghikbi.Hindi ko na iniisip kung may makakita. Hindi ko na iniisip kung may makarinig. Wala na akong pakialam.Kung may natitira man sa akin, iyon ay ang sakit.“Sobrang sakit,” bulong ko sa hangin, sa ulan, sa lupa. “Hindi ko yata kakayanin...”Parang may su

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 41

    Tahimik ang paligid sa loob ng isang linggo.Hindi iyong uri ng katahimikan na payapa—kundi iyong katahimikang may bigat, may laman, may kirot. Ang bawat sulok ay puno ng alaala, ng mga bulaklak na unti-unting nalalanta, ng amoy ng kandila at insenso na kumakapit sa balat ko kahit ilang beses na akong maligo.Isang linggong lamay sa isang funeral home.Isang linggong parang huminto ang oras, pero ako lang ang naiwan sa gitna ng paggalaw ng mundo.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanong kung kumusta ako. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses akong tumango, ngumiti nang pilit, at nagsabing “okay lang ako” kahit alam kong kasinungalingan iyon.Parang may script na kailangang sundin, at pagod na pagod na akong gumanap.Sa gitna ng funeral home, magkakatabi ang mga kabaong.Mama.Papa.Ang mga kapatid ko.Magkakatabi sila—parang natutulog lang. Parang anumang oras ay maaari silang bumangon at tawagin ako. Parang sasabihin lang ni Mama na, “Sol, halika na, kumain ka muna.”Para

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 40

    Nagising ako sa tunog ng mga alon.Iyon ang una kong narinig—ang banayad na hampas ng tubig sa pampang, ang huni ng mga ibon sa labas ng bintana ng resort, at ang mahinang paghinga ni Javier sa tabi ko. Ito na ang araw. Araw na dapat sana’y pinakamaligaya sa buhay ko.Araw ng kasal namin.Bahagya akong ngumiti habang nakatitig sa kisame. Walang kaba. Walang takot. May kakaibang katahimikan sa dibdib ko, parang sa wakas ay may lugar na akong uuwian—hindi lang pisikal, kundi emosyonal.Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Lumapit ako sa bintana at hinayaan kong dumampi sa balat ko ang sikat ng araw. Kulay ginto ang langit. Tahimik ang paligid. Parang walang masamang maaaring mangyari sa mundong iyon.Napahawak ako sa dibdib ko, saka sa tiyan ko—isang reflex na naging natural na sa akin nitong mga huling linggo. May ngiti sa labi ko.“Magiging maayos ang lahat,” bulong ko sa sarili ko.At doon tumunog ang phone ko.Isang beses.Hindi ko agad sinagot. Inisip ko munang baka

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 39

    Magaan ang sikat ng araw nang magising ako kinabukasan.Hindi iyon ‘yong uri ng liwanag na nagmamadali, hindi rin ‘yong pilit na sumisilip sa pagitan ng kurtina. Ito ay banayad—parang may sariling paalala na huminahon, na namnamin ang sandali.Isang araw na lang.Bukas, ikakasal na ako.Huminga ako nang malalim habang nakahiga pa rin sa kama, nakatingin sa kisame na ilang linggo ko nang tinititigan pero ngayon lang parang may ibang kahulugan. Hindi na ito kisame ng isang babaeng nalilito, o babaeng nadala lang ng mga pangyayari. Ito na ang kisame ng babaeng handa—kahit may kaunting kaba, kahit may bahagyang takot.Pero higit sa lahat, may pananabik.Tumayo ako at dahan-dahang inayos ang kama. Hindi ko minadali ang kilos ko. Parang gusto kong pahabain ang araw na ito, iunat ang bawat minuto bago ito tuluyang lumipas.Sa labas ng kwarto, abala na ang bahay. May mga kahon sa gilid ng sala—mga damit, sapatos, ilang personal na gamit na dadalhin namin sa resort. May mga garment bag na main

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 38

    Tatlong araw na lang.Tatlong umaga na lang ang gigisingin ko bilang si Sol na hindi pa kasal. Tatlong gabi na lang ang paghahati ko sa pagitan ng kaba at pananabik, ng mga tanong at sagot na hindi ko pa rin kayang bigkasin nang malakas.At ngayong araw, narito kami ni Javier sa isang tahimik ngunit eleganteng atelier sa gilid ng lungsod—ang huling yugto bago tuluyang maging totoo ang lahat.Final fitting.Hindi ito engrandeng eksena. Walang camera. Walang press. Walang mga taong nagtataas ng kilay para husgahan kung tama ba ang desisyon ko. Kami lang. Ang mga mananahi. Ang mga salamin. At ang katotohanang tatlong araw na lang ang pagitan ko sa salitang “asawa.”Huminga ako nang malalim habang inaayos ni Madam Ros ang laylayan ng gown. Tahimik ang buong silid maliban sa marahang tugtog ng klasikal na musika at ang maingat na paggalaw ng mga kamay na sanay humawak ng pangarap ng ibang tao.“Relax, hija,” sabi niya nang mahina. “Perfect na ang fit mo.”Ngumiti ako, kahit ramdam kong mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status