Kinabukasan ay tila mas magaan ang pakiramdam ko pagbangon. Siguro dahil mas malinaw na ang direksyon ng buhay ko at hindi na ako naliligaw sa dilim. May plano na kami.May oras pa bago ang tunay na laban. At ngayon, ang kailangan ko muna ay maging normal na ina, kahit isang araw lang—bago muli akong sumabak sa mundong puno ng lihim at panganib.“Mommy, pupunta tayo ng mall? Buy ice cream, please?” halos hindi mapakali si Janine habang nakaupo sa kama, hawak ang paborito niyang stuffed unicorn.Napangiti ako at hinagod ang buhok niya. “Oo, pupunta tayo. Pero after kumain ng breakfast, okay?”“Yes!” Tumalon-talon pa siya sa kama na parang may spring sa paa.Napailing ako at natatawa. Sa gitna ng mga plano ng paghaharap, pag-imbestiga, at posibleng gulo, siya ang nagbibigay ng liwanag sa umaga ko. Minsan naiisip ko, kung wala siya ay baka hindi ako lumaban noon. Baka sumuko na ako sa ospital. Baka hindi ko nakayanan ang sakit ng sugat sa buo kong katawan, ang pagkawala ng pamilya ko, at
Last Updated : 2025-12-26 Read more