Tatlong buwan ang lumipas mula noong araw na nakita ko si Javier sa mall. Tatlong buwan ng tahimik na paghinga, pero bawat gabi ay parang may nakadagan sa dibdib ko. Kahit hindi ko sinabi agad kina Tita Sylvia at Tito Rafael, hindi ko rin kayang ikubli habambuhay.Nang gabing iyon mismo, habang si Janine ay nakatulog na may yakap sa plush toy na binili namin, nakaupo ako sa gilid ng kama, hawak ang telepono, nanginginig. Tinipa ko ang mensahe kay Eli, burado ulit. Type ulit, burado ulit. Hanggang sa wala nang natira kundi ang boses sa isip ko — kahit hindi ko sabihin, darating ang araw na malalaman nila.At nang sinabi ko sa kanila kinabukasan, hindi pagsisigaw ang nakuha ko — kundi mas malalim na katahimikan. Mas mabigat pa sa sermon. Si Tita Sylvia ay niyakap ako nang mahigpit, si Tito Rafael ay seryosong tumungo at agad nag-monitor ng CCTV report sa araw na iyon, habang si Eli ay tiningnan lang ako. Walang salita. Pero ramdam ko ang bigat ng titig niya — hindi galit, kundi takot pa
Last Updated : 2025-12-27 Read more