Dalawang araw bago ang operasyon. Ang hangin sa loob ng kwarto ni Javi ay mabigat, puno ng kaba at hindi kimkim na mga salita.Nakaupo si Ria sa gilid ng kama, hawak ang isang libro. Binabasahan niya si Javi. Ito ang bagong routine nila. Dahil "pipi" si Nurse Rona, hindi siya pwedeng magsalita, kaya nagpe-play siya ng audiobook sa cellphone niya, o di kaya ay kumakatok sa mesa para mag-communicate. Pero ngayong gabi, gusto ni Javi na hawakan lang ni Ria ang libro habang nakikinig ito sa huni ng hangin sa labas."Nurse Rona," basag ni Javi sa katahimikan.Tinapik ni Ria ang braso nito. Andito ako."Alam mo ba kung bakit takot akong magpa-opera?" tanong ni Javi, nakatitig sa kisame na hindi niya makita. "Hindi dahil sa sakit. Takot ako sa... makikita ko."Kumunot ang noo ni Ria. Kumuha siya ng notebook at nagsulat, tapos kinalabit si Javi para "isulat" sa palad nito ang tanong: B-A-K-I-T?Hinuli ni Javi ang kamay niya at hindi na binitawan."Kasi masaya ako sa dilim na 'to," pag-amin ni
Last Updated : 2025-12-26 Read more