Makalipas ang ilang buwan mula nang mahuli si Eduardo, unti-unting bumalik ang katahimikan sa lahat. Ang magulong mga araw ay napalitan ng tahimik at maayos na takbo ng buhay.Tuluyan nang naisampa sa korte ang lahat ng kaso laban kay Eduardo. Isa-isang lumitaw ang mga ebidensya ng kanyang mga krimen—mula sa ilegal na negosyo, pananakot sa mga kalaban, hanggang sa malalim na pakikipagsabwatan sa mga tiwaling pulitiko. Wala na siyang natakbuhan pa.Sa bawat pagdinig ng korte, lalo pang nabunyag ang kanyang mga kasalanan, dahilan upang tuluyang mawala ang natitira niyang impluwensya at kapangyarihan. Ang dating kinatatakutang pangalan sa Makati ay naging simbolo na lamang ng pagbagsak at kahihiyan.Sa huli, hinatulan si Eduardo ng habambuhay na pagkakakulong. Kasabay ng kanyang pagkakapiit ay ang tuluyang pagkaw
더 보기