Share

KABANATA 3

Author: Nightshade
last update Last Updated: 2025-12-19 01:05:11

ELENA POV

Huminto ang elevator sa 50th floor. Bawat floor ng Valderama Empire ay simbolo ng power, testamento sa yaman ng pamilyang minsang umalipin sa pagkatao ko. Pero ang floor na 'to, ang kuta ni Dante, ay may ibang klase ng pressure na nagpapasikip sa dibdib ko. Lumabas ako nang taas-noo. Ang tunog ng stilettos ko sa marble floor ay parang ritmo ng isang digmaan na ako mismo ang nagpasimula.

"Good morning, I'm Alana V. I have a 10:00 AM briefing with Mr. Valderama," sabi ko sa secretary niyang si Sarah.

Tiningnan ko si Sarah nang diretso. Naalala ko siya. Siya yung boses sa kabilang linya na laging sumasagot sa mga tawag ko noon mula sa mansyon, yung mga tawag na puno ng pagmamakaawa para lang makausap ang sarili kong asawa. Ang mga tawag na laging nauuwi sa malamig na, "He's busy, Mrs. Valderama." Ngayon, ang tingin niya sa akin ay puno ng paghanga at konting kaba. Hindi niya nakilala ang babaeng dati ay binalewala lang niya.

"This way, Ms. Alana. Inaasahan ka niya," sabi niya habang inaalalayan ako papunta sa malaking pinto na gawa sa mahogany.

Nang bumukas ang pinto, sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy ng sandalwood at expensive leather. At nandoon siya, nakatayo sa harap ng malalaking glass windows, nakatalikod habang nakatingin sa view ng Makati. Ang lapad ng balikat niya, parang pasan niya ang buong mundo, at yung black suit niya ay perpektong nakalapat sa matikas niyang tindig.

"The board says you're the best, Ms. V," malamig niyang sabi nang hindi man lang lumilingon. "I don't like wasting time. Tell me why I shouldn't fire you in the next five minutes."

Huminga ako nang malalim, hinahayaang punuin ng hangin ang lungs ko bago ako sumagot. Hindi ito ang oras para manginig ang mga tuhod ko. Hindi ito ang Elena na biktima.

"Sa loob ng limang minuto, Mr. Valderama, kaya kong ipaliwanag kung bakit bumagsak ng 10% ang stocks mo matapos ang hotel scandal noong nakaraang linggo," panimula ko, ang boses ko ay matatag at puno ng authority. "At ako lang ang tanging marketing consultant na may kakayahang linisin ang pangalan mo nang hindi gumagamit ng mga basyong PR stunts."

Dahan-dahan siyang lumingon. Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon, nagtagpo ang mga mata namin sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng opisina. Parang malalim na tubig ang mga mata niya, madilim, mapanganib, at tila may hinihigop sa loob ko.

Napansin ko yung bahagyang pagtigil ng paghinga niya. Nanliit ang mga mata niya habang sinusuri ang mukha ko, mula sa ash gray kong buhok hanggang sa matapang na pula ng lipstick ko. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko bago mabilis na bumalik sa mga mata ko. Tila may hinahanap siya, isang pamilyar na anino na pilit niyang inaalala.

"Have we met before, Ms. V?" tanong niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin.

"I don't think so," sagot ko nang walang kurap, pinapanatili ang baluti ko ng pagkakalmado. "I just arrived from Singapore. Unless madalas ka sa mga high-stakes business summits doon, I doubt nag-cross na ang paths natin."

Tumigil siya sa harap ko. Sobrang lapit na ramdam ko na yung init na nanggagaling sa katawan niya. Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng panga niya. Pagkatapos, napansin ko yung bahagyang paggalaw ng ilong niya, tila nilalanghap niya ang hangin sa pagitan naming dalawa.

"You smell familiar," diretso niyang sabi. Ang boses niya ay naging paos, katulad na katulad noong gabing 'yon sa hotel suite.

Bahagya akong ngumiti, isang ngiting mapang-asar. "Maraming gumagamit ng perfume ko, Mr. Valderama. It's a classic choice for women who know what they want. Now, do you want to talk about your reputation or my choice of scent?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Tila lalong naguguluhan ang isip niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Naupo siya sa swivel chair niya pero ang mga mata niya ay nanatiling nakapako sa akin habang inilalabas ko ang tablet ko para sa presentation.

Habang nag-e-explain ako tungkol sa "rebranding strategy" ko, ramdam ko ang bawat titig niya. Tila hinuhubaran niya ang pagkatao ko gamit ang mga mata niya. Nakita ko kung paano niya pinaglalaruan ang gintong fountain pen niya, isang sign na hindi siya mapakali. Hindi siya nakikinig sa mga numbers; nakatingin siya sa paraan ng paggalaw ng mga labi ko, sa bawat kumpas ng mga kamay ko.

"So, Mr. Valderama, do we have a deal?" tanong ko pagkatapos ng presentation. Inilahad ko ang kamay ko, isang hamon na nakatago sa likod ng professionalism.

Tumayo siya at lumapit ulit. Sa pagkakataong 'to, hindi lang siya nakatayo sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Hinigpitan niya ang pagkakahawak, tila sinusubukan niyang damhin ang pulso ko, o baka yung panginginig na pilit kong itinatago. Ang init ng palad niya ay nagpadala ng kuryente sa buong katawan ko, binubuhay ang memories ng mga kamay niya sa balat ko.

"One month," sabi niya, ang boses ay mababa at puno ng babala na may halong pagnanasa. "I'll give you one month to prove yourself. You'll work here, sa office na katabi ng akin. Gusto kong nakikita ang bawat galaw mo, Ms. V."

"Isang buwan ay sapat na, Mr. Valderama," sagot ko habang dahan-dahang binabawi ang kamay ko sa kanya. "And please, call me Alana. We're going to be very... close partners, after all."

Tumalikod na ako para lumabas, dinadala ang tagumpay ko sa bawat hakbang. Pero bago ko mahawakan ang doorknob, narinig ko ang huling hirit niya.

"Alana," tawag niya. Huminto ako pero hindi ako lumingon. "Do you happen to lose a cufflink recently? A gold one with initials?"

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ramdam ko ang pamamasa ng mga palad ko. Pero huminga ako nang malalim, ipinikit ang mga mata ko sandali para bawiin ang lakas ko, at lumingon nang may inosenteng mukha.

"Cufflink? I don't wear cufflinks, Mr. Valderama. I prefer diamonds on my neck. Baka nakita mo 'yan sa isa sa mga... panandaliang bisita mo?"

Nakita ko ang pagtigas ng anyo niya sa sagot ko. May pagdududa pa rin sa mga mata niya, pero wala siyang ebidensya. Naiwan siyang tulala habang dahan-dahan kong isinasara ang pinto ng opisina niya.

Nang makalabas ako, doon ko lang naramdaman ang panginginig ng mga tuhod ko. Sumandal ako sa pader sa labas at hinawakan ang dibdib ko. Sobrang mapanganib ang larong 'to. Isang maling galaw, isang maling tingin, at malalaman niya ang totoo.

Pero habang iniisip ko ang mukha ni Dante na tila unti-unting nababaliw sa kalituhan, sumilay sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti. Ang unang round ay para sa akin.

"Game on, Dante. Hindi mo alam kung anong pinasok mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 10

    ELENA POV Buong umaga ay hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi lang ito yung ordinaryong hilo o pagsusuka. May kakaibang kurot sa puson ko na parang pinipiga ang loob ko. Sinubukan kong balewalain, inisip ko baka dahil lang ito sa stress o dahil hindi ako masyadong nakakain kanina. "Ma'am Elena, heto po ang tanghalian niyo," sabi ni Manang bago niya ilapag ang tray sa lamesa. "Salamat, Manang. Pakisabi kay Dante na huwag muna akong istorbohin. Gusto ko lang matulog," sagot ko habang nakahawak sa gilid ng kama. Pagkaalis ni Manang, dahan-dahan akong humiga. Pero habang tumatagal, lalong tumitindi ang sakit. Parang may humihila sa ibaba ng tiyan ko. Pinagpawisan ako nang malapot kahit naka-aircon ang kwarto. "Huwag naman sana... Please, baby, wag ngayon..." bulong ko sa sarili ko. Tumayo ako para pumunta sa banyo, pero paghakbang ko pa lang, parang may mainit na likido na dumaloy sa hita ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan kong tiningnan ang sahig. Pula. May mga pat

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 9

    ELENA POV Alas-kwatro pa lang ng madaling araw pero gising na gising na ang sikmura ko. Ramdam ko yung pait na umaakyat sa lalamunan ko, sobrang uncomfortable. Pilit kong nilalabanan, pilit kong ipinipikit ang mga mata ko para makatulog ulit, pero hindi ko na talaga kaya. Mabilis akong bumangon at halos madapa-dapa na akong tumakbo papuntang banyo. "Bleeaaarrgh!" Napasandal ako sa malamig na tile ng banyo, nanginginig ang mga kamay ko habang pilit na inilalabas ang lahat. Ang sakit sa lalamunan, ang sakit sa dibdib. Sa bawat pag-ubo ko, parang pati bituka ko ay gustong lumabas. Ito na yata ang pinakamalalang morning sickness na naramdaman ko simula nang mabuntis ako. "Elena?" Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses ni Dante sa labas ng pinto. Ilang sandali pa, pumasok siya. Wala siyang suot na shirt, gulo-gulo ang buhok, at ang mga mata niya ay punong-puno ng taranta. "Umalis ka..." sabi ko pagkatapos kong sumuka ulit. "Huwag kang titingin." "Anong umalis? Masama ang pak

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 8

    ELENA POV Nagising ako sa loob ng isang pamilyar na kwarto. Ang amoy ng lavender at fresh linen, itong kwartong 'to sa mansyon ng mga Valderama na saksi sa mga iyak ko gabi-gabi noon. Pero ngayon, hindi na ako yung mahinang babaeng nakasubsob sa gilid ng kama. Dahan-dahan akong bumangon. Wala na yung swero sa kamay ko, pero naroon pa rin yung bigat sa katawan ko. Nang lumingon ako sa tabi, nakita ko si Dante. Nakaupo siya sa couch malapit sa bed, nakasandal at pikit ang mga mata. May hawak siyang maliit na rosaryo, bagay na hindi ko akalaing alam niyang gamitin. "Nasaan ako?" malamig kong tanong. Agad siyang nagmulat ng mata. Sa bilis ng pagtayo niya, kitang-kita kung gaano siya ka-alerto pagdating sa akin. "Elena... nasa mansyon ka na. Sabi ng doctor, kailangan mo ng matinding pahinga. Mas safe ka rito, mas mababantayan kita... kayo ng anak natin." Ngumiti ako nang mapait habang pilit na tumatayo kahit medyo hilo pa. "Safe? Dito sa lugar na 'to? Dante, ang mansyong ito ang

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 7

    ELENA POV Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa banyo ng office ko. Ang "Alana" na nakikita ko ngayon, sobrang layo na sa Elenang dating nagmamakaawa para lang mapansin ng asawa. Nakasuot ako ng emerald green silk slip dress na hapit sa katawan ko, at pinatungan ko ng black blazer para magmukhang professional pero palaban. Yung stilettos ko? Matulis at kumikinang, handang tapakan ang kahit anong pride na natitira kay Dante. Kinuha ko ang lipstick ko at muling kinulayan ang mga labi ko. Medyo maputla ako dahil sa sobrang hilo kaninang umaga, pero hinding-hindi ko hahayaang makita 'yon ni Dante. Kailangan manatiling perfect ang facade ko. Eksaktong 5:00 PM nang lumabas ako ng opisina. Gaya ng inaasahan, bumukas din ang pinto ni Dante. Nakatayo siya doon, wala na ang blazer niya at nakatiklop na hanggang siko ang sleeves ng white polo niya. Halatang pagod ang mga mata niya, kitang-kita na wala siyang tulog. "Saan ka pupunta?" tanong niya, gamit ang boses na puno ng author

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 6

    DANTE POV Nanatili akong nakatayo sa gitna ng sala ng maliit na apartment ni Elena, no, ni Alana. Bawat salitang binitawan niya ay parang mga balang bumaon sa dibdib ko. At ang tunog ng pagsara ng pinto matapos niya akong itaboy? Para iyong hudyat na gumuho na ang buong mundo ko. "I am Alana na ngayon. At sisiguraduhin kong hinding-hindi mo mahahawakan ang anak ko." Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang mga salitang iyon. Anak. May anak kami. Napatingin ako sa mga palad ko na nanginginig pa rin. Ang mga kamay na ito... ito rin ang mga kamay na humawak sa kanya noong gabing iyon sa hotel nang may pagnanasa. All this time, hindi ko alam na ang babaeng inaangkin ko sa gabing 'yon ay ang asawang tatlong taon kong binalewala at hinayaang mabulok sa isang mansyong kailanman ay hindi ko tinapakan. "Tang-ina, Dante! Ang tanga mo!" Isang malakas na mura ang kumawala sa bibig ko sabay suntok sa pader. Pero ang sakit sa kamao ko, wala pang isang porsyento ng sakit na nakita ko sa mg

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 5

    ELENA POVAng bigat ng bawat hininga ko habang pinapanood ko ang unti-unting pagsasara ng pinto ng elevator. Naiwan si Dante sa loob, pero tila dala-dala ko pa rin ang bigat ng presensya niya. Ramdam ko pa rin sa mga labi ko yung init ng mapusok niyang halik, isang halik na tila gustong pilitin na ilabas ang lahat ng katotohanang itinatago ko. Ang mga kamay ko, nanginginig pa rin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa baywang ko kanina.“Sino ka ba talaga?” Parang naririnig ko pa ring bulong niya sa tenga ko, puno ng desperasyon at pagnanasa.Naglakad ako palabas ng hotel lobby nang mabilis, hindi pinapansin ang malamig na hangin sa labas. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong makahinga. Sa bawat hakbang ko, ang tunog ng stilettos ko sa semento ay tila nagpapaalala sa akin na bawat galaw ko, binabantayan na niya. Alam kong nagdududa na siya. Ang gintong cufflink na nasa bag ko, tila nagiging mas mabigat, isang ebidensya ng nakaraan ko at ng kasalanang ginawa ko.Pagdating ko sa apart

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status