ELENA POV Sa wakas, nakatapak din kami sa tuyong lupa. Pero hindi ito sa magarbo at sementadong pantalan ng Maynila. Dinala kami ng Coast Guard sa isang tago na cove sa Batangas para safe kami habang ginagawa ang initial report. Pagbaba namin sa maliit na lantsa, sinalubong kami ng amoy ng tuyong damo at alat ng dagat. Wala munang media. Walang mga pulis na nagtatanong. Kami lang nina Dante, Maria, at ilang tauhan na nakaligtas. Inalalayan ako ni Dante papunta sa isang maliit na cottage sa pampang. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Ngayon lang humabol yung pagod sa katawan ko matapos ang lahat. "Dahan-dahan lang, Elena. I got you," bulong ni Dante. Paos na ang boses niya at halatang pagod din, pero mahigpit pa rin ang kapit niya sa bewang ko. Pagpasok sa cottage, naupo agad ako sa lumang silya. Kumuha si Dante ng tubig, binuksan ito, at inabot sa akin. Pagkatapos, lumuhod siya sa harap ko para tanggalin ang sapatos kong puno ng buhangin at tubig. "Dante, stop. Kaya ko naman
Last Updated : 2026-01-06 Read more