Nagpatuloy ang tahimik na sandali sa ilalim ng puno. Pareho silang hindi nagmamadali. Parang sapat na ang presensya ng isa’t isa sa oras na iyon.Ilang sandali pa, bahagyang tumawa si Mika.“Ang weird no?” sabi niya. “Dati, simpleng usap lang tayo dito. Ngayon… parang iba na.”Ngumiti si Aaron. “Oo. Pero mas okay na ‘to.”Napangiti si Mika at tumango. “Mas okay nga.”Mula noon, unti unting nagbago ang mga araw nila. Hindi biglaan, hindi rin madali, pero totoo.Sa umaga, sabay na silang pumapasok. Minsan nagkikita sa gate, minsan naman sa hallway. Simpleng “good morning” lang, pero may kasamang ngiti na mas espesyal kaysa dati.Sa loob ng classroom, ganun pa rin si Mika masipag, responsable, at seryoso sa pag aaral. Pero paminsan minsan, napapansin ng mga kaklase niya na napapangiti siya mag isa.“Uy, bakit ka nakangiti diyan?” tanong ng isa niyang kaklase.Agad siyang iiling. “Wala.”Pero sa totoo lang, iniisip niya si Aaron.Si Aaron naman, ganun din. Mas lalo siyang naging ganado sa
Read more