แชร์

Chasing my True Love: Betrayed by My Love
Chasing my True Love: Betrayed by My Love
ผู้แต่ง: Sapphire Dyace

CHAPTER 1

ผู้เขียน: Sapphire Dyace
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-25 22:01:15

"BILISAN  niyo! bago pa magising ang lalaking yan!" utos ni Lucy sa mga tauhan ng kanyang asawa.

"Saan po namin ilalagay si sir, ma'am?" tanong ng isa.

"Ipasok sa silid na tinutuluyan ni Samantha! gawing malinis ang lahat, para walang bulilyaso!" mariing utos ni Virgilio.

********************

Ngayong gabi, sa seaside na malapit sa isang Bar sa isang kilalang Mall.. ang MOA, naroon ang pares ng tao na mukhang magkasintahan.. Si Edward ay nakaupo na tila ba ninanamnam ang lamig ng hangin, habang ang babaeng kasama niya, ay nakahilig sa kanyang kanang balikat.

Tila ba, inaalo niya ito sa isang napaka romantikong posisyon..

Hindi nila alam, na sa hindi kalayuan, naroon ang isang pares ng mata, na matigas, may galit at puno ng poot na nakatitig sa kanila, si Samantha. Tahimik siyang lumapit sa mga ito, walang ingay, walang bakas.

Napansin na siya ni Billy, subalit tila ba wala lamang siya sa buhay nito, na parang isa lamang siyang ordinaryong tao na dumaan. Malalig ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Yumuko ito ng bahagya, na parang kinukuha ang atensiyon ng babaeng kasama na nakahilig sa balikat nito. Napakasakit niyon para kay Samantha. Walang kasing sakit!

Walang patid ang pagluha ni Hera, na tila ba batang nagsusumbong, na hindi man lang namamalayan ang presensiya ng kapatid sa kanilang likuran. Patuloy pa rin ito sa pagsasabi ng mga bagay na nagbibigay lungkot sa puso ni Billy.

"Masaya sana tayo ngayon, kung hindi ka lang inagaw sa akin ng aking kapatid," humahagulhol na wika ni Hera, "tayo sanang dalawa ang nagkatuluyan.. Wala sanang nangyaring pangit sa buhay ko.. Kasalanan lahat ng kapatid ko ang nangyari. Siya ang may kagagawan ng aking kamalasan!"

Masyadong obvious ang ginagawa ni Hera. Ang siraan siya sa harapan ng kanyang asawa, at palabasing siya ang masamang tao, na kung tutuusin, siya naman talaga ang biktima dito! Ang kahuli hulihang pisi ng kanyang pagtitimpi ay biglang naputol.

Bigla niyang kinuha ang isang bote ng redhorse na nakita niya sa gilid ng mesa. Halos kalahati pa iyon, mukhang hindi naubos ng umiinom kanina, at lumapit siya sa bandang seaside kung saan nakatambay ang dalawang taksil na iyon. Ibinuhos niya iyon sa ulo ng kanyang kapatid.

“Samantha! Ano’ng ginagawa mo?!” sigaw ni Billy. "Nababaliw ka na ba? bakit mo siya binuhusan ng alak?!"

Nabasa ng husto ang ulo ni Hera, pati na rin ang damit ni Billy. Nagmamadali silang tumayo, at puno ng galit ang mga mukha. Agad na kinuha ni Billy ang panyo sa kanyang bulsa, saka marahang pinunasan ang mukha ng kasamang babae. Matapos iyon, marahas na kumuyom ang kanyang mga kamao, at puno ng galit ang mga mata habang nakatingin sa kanyang asawa. Subalit agad siyang pinigilan ni Hera sa kung anuman ang nais niyang gawin.

"Wag mo na siyang patulan, Billy.. Likas na sa kanya ang pagiging arogante. Kahit noong mga bata pa lang kami, ganyan na siya sa akin. Madalas niya akong sinasaktan at binubully. Saka--"

"Hera!" untag ni Samantha sa babaeng nagsusumbong, "bakit? anong naging kasalanan ko sayo, at pati asawa ko, na bayaw mo ay nakuha mo pang landiin? nauubusan ka na ba ng lalaki?"

Lumingon si Hera sa kanya, subalit ang tinging iyon ay may bahid ng pang uuyam at pagmamataas. Saka muling lumingon kay Billy, suot ang mapagkunwaring maskara ng isang api. "Nagmamahalan na kami ni Billy noon pa. Ikaw ang sumingit sa aming eksena. Inagaw mo siya sa akin!"

Parang walang pakialam si Billy, habang hinahamak ni Hera ang kanyang asawa. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang nararamdaman ni Samantha. Para sa kanya, isa lang itong palamuti sa bahay, at aso na sunod ng sunod sa kanya.

Maganda ang tanawin sa harapan ni Samantha. Isang babaeng maganda, at isang guwapong lalaki. Perfect match! Parang pinilas ang kanyang puso, subalit hindi siya nagpahalata. Lumapit siya kay Hera, saka marahas na nag akusa.

Nagpadala ka sa akin ng larawan niyong dalawa, bakit? para saan? para galitin ako at ipakita sa akin na ikaw ang pinili niya? Huh! nananaginip ka ata? Hindi dahil nasa iyo siya, ay bibitawan ko na siya! Akin ang asawa ko. Akin si Billy! at ikaw? mananatili ka lang kabit niya habang buhay!"

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo, Samantha! matagal ng gustong makipaghiwalay ni Billy sayo dahil sukang suka na siya sa pagmumukha mo!" parang nawawala na ng tuluyan sa sarili si Hera, "Wag mo ng ipilit ang sarili mo, sa taong ayaw naman sayo!"

Napangisi na lang si Samantha ng marinig ang sinabi ng kanyang kapatid. Dahan dahan siyang tumalikod, pinipigilan ang galit at ang kanyang luha, saka muling humarap.

"Kung ganoon, managinip ka na lang! dahil ang panaginip mo, na maging asawa ng asawa ko, ay mananatili na lang pangarap! Mas nanaisin ko pang mamatay, kaysa hiwalayan siya!"

Aalis na sana siya, ng biglang maramdaman ang mabigat na kamay ni Billy na nakahawak sa kanyang pulso. May gigil sa mukha nito, at mababakas ang labis na galit, "Anong sinabi mo? mas gugustuhin mo pang mamatay, kaysa hiwalayan ako?"

"Oo, mabuti pang mamatay na lang ako, kaysa maagaw ka ng kapatid ko!" gigil na wika ni Samantha.

"Talagang baliw ka!" bulyaw ni Billy, saka pibilipit ang kamay niya patalikod, "humingi ka ng tawad sa ginawa mo kay Hera!"

"Hihingi ako ng tawad sa taong umaagaw sa asawa ko? ang galing mo naman!" galit na sagot ni Samantha. Hinding hindi siya hihingi ng tawad sa huwad na babaeng ito! Wala siyang planong maging isang martir!

"Humingi ka ng tawad!" muling sigaw ni Billy. Marami ng nakakapansin sa kumosyong nagaganap sa pagitan nilang tatlo.

Parang tinusok ang dibdib ni Samantha sa pamimilit ng kanyang asawa.

"Hinding hindi!"

Lumapit si Hera kay Billy, saka niyakap ang lalaki, at pinipigilan ito sa ginagawa kay Samantha, kahit ang totoo, masayang masaya siya. Nais niyang mapanatili ang mahinang image na ipinapakita niya kay Billy.

"Okay lang ako, Billy. Wag mo na lang siyang piliting humingi ng tawad, wala ito sa akin.."

"Kaya ka inaabuso ng babaeng ito, masyado kang mabait. Kailangan, maturuan siya ng leksiyon!" gigil na sagot ni Billy.

"Hindi ako hihingi ng tawad sa kanya, kahit kailan!" bulyaw ni Samantha.

"Ah, ganoon ba?" bigla na lang kinarga ni Billy ang asawa sa kanyang balikat.

"Ibaba mo ako! hayup ka!" sinusuntok ni Samantha ang likod ng lalaki. "Taksil ka! taksil!"

"Di ba, sabi mo, mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa hiwalayan ako? pwes, pagbibigyan kita. Humanda ka!" nakakakilabot ang galit na maririnig sa tinig ni Billy.

Naiwan si Hera sa gitna ng kahihiyan. May mga kumukuha ng video, at may mga naririnig pa siyang mga tawanan.

"Maganda sana, kaso, sa dami ng lalaki, asawa pa talaga ng kapatid niya ang ginusto niya? nakakahiya."

"All is fair ba talaga sa love and war?pero ito, napaka unfair!"

"Mas maganda yung kapatid, kaso nag downgrade yung lalaki."

Halos lahat iyon, sumiksik sa isipan ni Hera.

Nais na lang niyang maglaho sa labis na kahihiyan. Tumakbo siya papalayo.

*****************

Mabilis ang takbo ng sasakyan. Kalmado na rin si Samantha. Marahas namang nakatingin sa daan si Billy. Pakiramdam niya, masyado na atang naging kumportable si Samantha sa kanya, kaya ganito na ito umasta.

Babasagin sana niya ang katahimikan sa loob ng sasakyan, ng biglang tumunog ang kanyang phone.

"Sir, si Miss Hera, tumalon sa dagat!" tinig mula sa kabilang linya.

"Ano?!" bigla niyang tinapakan ang preno, saka lumabas ang kanyang mga ugat sa noo, "anong sinabi mo?"

"Opo, tumalon po siya. Kasalukuyan namin siyang hinahanap ngayon!"

Matapos iyon, galit na galit siyang bumaba ng sasakyan, saka nagtungo sa passengers seat. Binuksan iyon, at marahas na hinila si Samantha palabas ng sasakyan. Isinalya niya ito sa kalsada.

"Kapag may nangyaring masama kay Hera, ako mismo ang papatay sayo!" Saka siya nagmamadaling bumalik sa sasakyan at pinaharurot iyon sa napakabilis na speed. Iniwan si Samantha na nakadapa sa gitna ng kalsada.

"Billy!" sigaw ni Samantha, kasabay ang pagbagsak ng malalaking butil ng ulan. "Billy wag mo kong iwan!"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 68

    Pinakawalan lang siya ni Billy matapos masigurong wala siyang bakas ng halik o kagat sa kanyang mga labi at leeg. Dahan-dahang ngumiti ang lalaki.“Sabi niyo ni Anton, pupunta kayo doon para sa trabaho, pero nag-date talaga kayo, ’di ba? Mukhang nag-enjoy ka sa dalawang araw at isang gabing iyon.”Naramdaman ni Samantha na may kakaiba. Bakit parang bakas ang pagseselos sa mga salita nito?“Bakit hindi ka makapagsalita? Natamaan ka ba sa sinabi ko? may katotohanan ba?”Lalong nagalit si Billy. Galit na galit ang kanyang mga mata nang bigla niyang itulak si Samantha sa kama.Simpleng nighties ang suot ni Samantha, kaya pagkabuwal niya sa kama, halos makita na ang kanyang kabuuan. Nagmamadali siyang bumangon.Pero bago pa siya makagalaw, hinawakan ni Billy ang kanyang mga pulso. Kinuha nito ang shawl na nasa tabi at mabilis na itinali ang kanyang mga kamay sa headboard ng kama.Namula si Samantha sa kaba at inis.“Billy, anong ginagawa mo? Mawawala ka na ba sa sarili mo?”Ngumiti si Bill

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 67

    “Pumunta ka talaga ng Pampanga? Sabi ko sa’yo, delikadong magmaneho nang mag-isa. Kung kailangan mo talagang pumunta, dapat isinama mo man lang si Luis.”Hindi na sumagot si Billy. Ibinaba niya ang telepono, inapakan ang silinyador, at mabilis na nag- overtake ang sunod-sunod na truck. Para siyang aninong humaharurot sa highway.Mahigit 100 kilometro ang layo ng Manila sa Pampanga. Mahigit apat na oras nagmaneho si Billy at nakarating siya doon saktong bago pa man mag umaga.Hindi siya nakatulog kahit saglit nang gabing iyon. Ang galit sa kanyang puso ay unti-unting nawala kasabay ng bilis ng takbo ng kotse, hanggang sa kumalma na siya.Nakakatawa.Ngayon lang siya nawalan ng kontrol nang dahil sa isang babae.Napangiti na lang siya nang mapait sa sarili.“Samantha, matindi ka talaga.”Mula nang umalis si Samantha, parang nahati sa dalawang magkaibang mundo ang buhay niya.Dati, parang yelo si Billy at apoy naman si Samantha.Pero ngayon, unti-unti na siyang nagiging apoy, habang si

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 66

    Nauutal na sumagot si Luis, “Um... tungkol po sa kanya, balita ko ay tumanggap siya ng proyekto sa Pampanga at kailangan niyang pumunta roon para sa isang inspeksyon.”Nanatiling kalmado ang mukha ni Billy, pero sa loob-loob niya ay gulung-gulo ang kanyang nararamdaman.Tumanggap ng proyekto?Isang linggo na siyang walang balita mula sa babae. Tapos ngayon, nalaman na lang niya na tahimik itong tumanggap ng trabaho at nag-out-of-town pa?Bahagyang ngumiti si Billy, pero puno ito ng pait. “Lintik! ang galing niya talaga. Masyado ko siyang minaliit. HIndi ko akalaing kaya niyang gumalaw ng gaito.”Akala ni Billy, dahil ibinuhos ni Samantha ang lahat sa disenyo ng kanilang collaboration project, at dahil napakalaking kumpanya ng Legazpi Group, kailangan lang niyang maghintay at kusa itong lalapit sa kanya para magmakaawa.Nagpunta pa nga siya sa bahay nito para maghapunan at tumulong pa sa paghuhugas ng pinggan. Binigyan niya si Samantha ng lahat ng pagkakataon para makabawi sa kanya. Hi

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 65

    Isinama na ni Billy ang kanyang lola pag uwi.Subalit habang nasa biyahe, puro panunumbat at panenermon ang natanggap niya buhat sa matanda. Kulang na lang, ipako siya nito sa krus.Dahil sa inis, tinapakan niya ng madiin ang silinyador, at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Subalit ang matandang kasama niya, hindi man lang natinag. HUmigpit lang ang kapit nito sa handle ng pinto, at patuloy pa rin ang pag rarap na parang si Gloc 9. Lahat na yata ng klase ng mura ay natanggap niya.Wala na siyang nagawa, kundi pakinggan ang matanda, ang taong hindi man siya iniluwal, subalit siyang naging magulang niya habang siya ay lumalaki. Pinagtiisan niya ang lahat, hanggang makarating sila sa umang bahay.Subait pagbaba ng matanda sa sasakyan, nakangiti pa ito at maaliwalas ang mukha. Agad na lumapit si Hilda sa matanda.“Ma! Saan ba kayo nagpunta buong araw? Nag aalala kami sa inyo! Hindi man lang kayo nagpaalam o nagsama ng isang katulong!”Umirap ang matanda, saka masungit na nagsalita, “nam

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 64

    Dahil hindi inaasahan ang pagkadulas, napasigaw si Samantha sa gulat.Sa isang iglap, mabilis na inabot ni Billy ang kamay niya at hinila siya pabalik nang malakas.Pakiramdam ni Samantha ay parang may magnet na humihila sa kanya, at bago pa niya namalayan, nasa mga bisig na siya ni Billy.Dahil sa biglang paghila, napaatras si Billy at malakas na tumama ang likod niya sa doorknob ng pinto. Napasinghap siya sa sakit.Awtomatikong tumingala si Samantha, puno ng pag-aalala ang boses.“Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?”Nang marinig ni Billy ang pag-aalala sa boses niya, sinadya niyang magmukhang sobrang nasasaktan. Ginawa niyang kawawa ang kanyang boses.“Masakit… ang likod ko… parang nabali—”“Ano?!”Hindi na nag-isip pa si Samantha. Agad niyang tinaas ang laylayan ng damit ni Billy para tingnan kung saan ito tumama.May pulang marka sa maputi nitong balat dahil sa stainless steel na doorknob.Parang tumigil sandali ang tibok ng puso niya. Mabilis niyang kinuha ang first-aid kit mula sa

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 63

    Nagtaas ng kilay si Billy sa gulat at napabulalas,“Lola, parang sobra naman po iyon!”Pero si Lola ay nagsimula nang mag-isip kung sinu-sino ang puwedeng maging nobyo ni Samantha.“Halos kaedad ni Billy ang anak ng pamilya Abraham, pero narinig ko na babaero daw siya at hindi rin masyadong maayos tingnan… Maayos naman ang anak ng pamilya Rivera, pero nagpunta siya sa ibang bansa ilang taon na ang nakaraan at hindi pa bumabalik… Pwede naman ang anak ng pamilya Felipe, pero medyo pangit siya…”Parang sanay na mag match making si Lola habang binibilang ang mga posibilidad sa kanyang mga daliri. Bigla niyang tinapik ang noo niya.“Tama! Paano ko nakalimutan ang binata ng pamilya Manalo? Perpekto siya—gwapo, tamang edad, at maayos ang ugali. Para sa akin, bagay sila! Isa pa, nasa tamang inlaws ka sa kanila ANo sa palagay mo?”“Lola!”Sabay na napasigaw sina Billy at Samantha, parehong may pilit na ngiti sa kanilang mga labi.Ang bigla-biglang paghahanap ni Lola ng kapareha ay halos muling

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status