เข้าสู่ระบบPangatlong araw na po kanina na pabalik-balik ako sa mga hospital para maghanap ng booster kasi hindi ko po alam kung nakagat ba ako ng aso, o hindi. Need kong magpa-booster para sa anti-rabies po kasi. Hindi ako mapakali. Every time na nagsusulat ako, papasok sa isip ko 'yon na baka mamaya ay naghahanap na ako ng diaper. Joke lang! Pero opo, legit po talaga 'yong naghahanap ako ng anti-rabies treatment sa hospitals. Ang problema ay walang stock. Kaya mag-ingat po tayong lahat lalo na't mahirap po ngayon ang ganoon. Babawi po ako kapag nakapagpa-booster na ako. Salamat po!
Solana Estrella Villanueva’s Point of View Pinaglaruan ko ang straw, habang nakatingin kay Demetrius na ngayon ay pumipirma na ng mga document.Ilang beses siyang napatitingin sa aking gawi, at hindi ko alam kung dapat ba akong masiyahan lalo na’t parang nauubusan na ng pasensya ang lalaking ‘to.“Pumirma ka na,” paalala ko sa kaniya, dahil nagtagal na naman ang titig niya sa akin.Halatang hindi na nagugustuhan na magtrabaho. Eh, kung tutuusin naman ay siya ang may gusto nito.Kaya tinaasan ko lamang siya ng kilay, hanggang sa napailing na lang ‘to, at itinuon ulit ang kaniyang atensyon sa kaniyang pinipirmahan.Ilang oras na rin ang lumipas. Nagawa ko na ring i-review ang mga report nila sa susunod na meeting next week. Kaya naman kaagad ko ‘tong ibinigay kay Demetrius.Nilingon lamang niya ako nang ilapag ko ang document sa kaniyang table.“Report nila ‘yan. Try mong i-review if okay na since idi-discuss nila ‘yan next week.”Demetrius tapped his right leg. Kaya napagawi ang aking
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewHindi ko alam kung paano ako nakatulog nang maayos no’n. Talagang bumagabag sa akin ang naging usapan namin ni Demetrius.Ngayon, nakatulala pa rin ako. Malalim ang iniisip. Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan.Sa totoo lang, alam ko naman na mayaman si Demetrius, at kilalang businessman. Halata rin naman na malawak ang kaniyang koneksyon, pero hindi ko inaasahan na dadating sa puntong gusto siyang pabagsakin ng kung sino.Napalingon ako kay Demetrius na ngayon ay natutulog pa rin. Maaga kasi akong nagising, which is unusual, dahil sa aming dalawa ni Demetrius, siya ang madalas na gumigising sa akin.Nagigising kasi ako na nakatitig siya sa akin. Ngayong ako naman ang naunang nagising, hindi ko maiwasang haplusin ang kaniyang pisngi lalo na’t hindi ako makapaniwala na ako ang gusto niyang pakasalan.“You’re awake,” he groaned.Napangiti na lamang ako, dahil namamaos pa ang kaniyang boses. Nakaramdam din ako nang kiliti sa aking puso
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewSa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi na sumabay na sa aming mag-dinner si Kieran. Knowing na pinagselosan ‘to ni Demetrius, bigla ko na lamang ‘tong napapayag kaagad. Kaya nakapagtataka rin, dahil hindi man lang nagalit si Demetrius sa naging suggestion ko.Nang makaupo si Kieran para saluhan kami, hindi ako lumingon sa kaniya, o hindi ko man lang sinulyapan ‘to.Tahimik lang akong kumakain, habang si Demetrius naman ay lagay nang lagay sa plato ko ng nabalatan niyang shrimp. Ni hindi ko nga alam kung sumubo na ba siya, o hindi, eh.“What is it?” basag ni Demetrius sa katahimikan.Hindi ako natakot sa boses ni Demetrius kahit malamig ‘yon. Nasanay na rin kasi ako lalo na’t madalas ko naman siyang kasama.Sinubukan ko ring huwag intindihin ang sasabihin nila kung sakali, at umaasang makalilimutan din kaagad. Na sana ay makisabay naman ang utak ko.“Boss, it’s about our business.”Naramdaman ko ang mga mata sa akin ni Kieran, p
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewHinampas ko ang dibdib niya para tumigil siya, pero tawa lang ang kaniyang naisagot. Mabuti na lamang, dahil unti-unti rin siyang lumayo, at umalis sa aking ibabaw. Kaya kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko. Ang problema ko na lang sa ngayon ay nawala na ang antok nararamdaman ko. Kung kanina ay halos bumagsak na ang mga talukap ng aking mga mata, pero ngayon ay mulat na mulat.“What?” tanong niya sa akin, pero sinamaan ko lamang siya ng tingin.Ngumisi lamang siya bilang sagot, habang nagtatanggal ng kaniyang damit. Hindi niya inililihis ang kaniyang mga mata. Kaya dahan-dahan akong napaupo sa aming kama, at tinaasan siya ng kilay.“Tumigil ka nga!”Naiirita ako sa pagmumukha niya kung ngumingisi kasi siya, eh. Parang nang-aasar. Ayaw ko pa man din ‘yong inaasar niya ako.“I told you, you can ask me, baby. Hindi ‘yong nagagalit ka.”Umirap lang ako sa kaniya, at hindi na siya pinansin pa. Ano ba ang itatanong ko? Na kung gumaga
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewPara namang nawala ‘yong inis na nararamdaman ko, dahil sa sinabi ni Demetrius. Biglang umakyat lahat ng aking dugo sa aking pisngi na naging dahilan kung bakit inilihis ko ang aking mga mata.Though, hindi ko naman maiwasang makaramdam ng sayaa, dahil sa naging sagot niya. Kaya para hindi nito mahalata pamumula ng aking pisngi, tumikhim na lamang ako, at piniling kumain ng ice cream.Actually, hindi ko alam kung bakit kami nandito ni Demetrius ngayon. Naaalala ko kasi talaga ang lahat ng ‘yon, eh. Aminado akong hindi ko ‘yon makalilimutan, dahil ‘yon ang unang beses naming ginawa ‘yon, at ang malala pa ay nasa public place kami.“Hindi kaya magalit ‘yong mga nagkakagusto sa ‘yo? Ikakasal ka na,” pagbibiro ko, dahil sobrang tahimik talaga.Matapos kasi ang naging sagot niya sa tanong ko, natahimik kaming pareho, at ‘yon ang nakaiilang.“As if I care.”Natawa naman ako sa pagiging suplado niya. Alam ko naman na wala ‘tong pakialam sa nararamdam
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewSa huli, umuwi rin lang kami ni Demetrius. Nakasimangot nga lang ako buong biyahe, at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi kanina.Bakit naman kasi ako nito bubuhatin? Kaya kong maglakad, pero masakit lang ang katawan ko Alam ko rin na hindi niya gustong maglakad-lakad ako lalo na’t masakit nga ang katawan ko, at saka nag-aalala lang din naman siya.Pero gusto ko nga kasi talagang bumili ng stocks niya. Wala naman sigurong masama roon?Ramdam ko ang pagsulyap ni Demetrius sa aking gawi, pero hindi ko siya pinansin. Kulang na nga lang ay irapan ko na siya lalo na’t humahaplos na naman sa hita ko.Nang tumigil ang sasakyan sa isang convenience store, nagsalubong naman ang aking kilay.Parang nakagugulat naman na bigla kaming tumigil dito knowing na hindi maganda ang naging usapan namin kanina.Bumaba si Demetrius ng sasakyan. Akala ko pa nga ay pagbubuksan niya ako ng pinto, pero nagkamali ako. Iniwan niya lamang ako, at dumiretso papasok ng
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewI took a deep breath, trying to finish what I’ve started. Sa totoo lang kasi ay nahihirapan na ako. Kung hindi kasi nakipagsabayan si Demetrius ngayon, hindi sana ganito.Whenever I move my head, he’s also catching my pace. Mas lalo lang tuloy akong nahihi
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewAko na lang ang natitira ngayon sa table namin. ‘Yong mga pinsan ko, umalis na, dahil may mga kailangan pa silang asikasuhin na meeting, o hindi kaya ay document na kailangang pirmahan kaagad.Kaya nga naisipan ko na lang na tawagan si Demetrius, at magpas
Solana Estrella Villanueva’s Point of View“Pasensya ka na sa nangyari kanina,” paumanhin ko nang tumigil ang sasakyan ni Demetrius, dahil kulay red ang traffic light. “Nakita mo tuloy kung paano sila mag-away.”“That’s fine. I understand,” aniya na siya namang nagpahugot nang malalim na hininga sa
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewBuong biyahe akong nagtataka, dahil sa naging inasal ni Demetrius kanina. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyari, pero magmula nang lumabas siya sa kaniyang kuwarto ay naging mabigat na talaga ang kaniyang awra.Dati namang mabigat ang kaniyang awra, eh







