Pagod kong kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. I was expecting it to be Zio, pero nagulat ako nang makita kong si Maxwell ang tumatawag.Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba pero naisip ko na wala naman talagang kasalanan si Maxwell. Okay naman kami. At isa pa, alam niya na na nag-set ako ng boundaries. Kung hindi ko siya sasagutin, baka isipin niya na umiiwas ako.“Maxwell,” bati ko.“Ella,” he greeted too. “What are you doing?” diretso niyang tanong.“Wala naman. Napatawag ka?” curious kong tanong.Rinig kong bahagya siyang tumawa sa kabilang linya. “Remember what I told you before, that I will meet you one day? Can we meet tonight?”Nanlaki ang mata ko at saka napaupo bigla. Naalala ko nga na gusto niyang mag-meet kami dahil may importante siyang sasabihin.“I have important things to discuss with you,” dagdag niya.“Hindi talaga puwedeng sa tawag pag-usapan?”He chuckled. “Nope. If you're not available, kahit ako na lang ang pumunta sa'yo,” aniya.S
آخر تحديث : 2026-08-22 اقرأ المزيد