Hindi ko inaasahan na magtatagal pala ako sa Batangas. Iyong akala ko na ilang araw lang, hindi pala.Sa unang araw ng orientation ko, ipinakita sa akin ang buong mapa ng properties para maging familiar ako. Tapos ay ang scope ng business. Ang mga commercial buildings, industrial zone, residential villas, at ang resort.Binigyan ako ng tour ng isa sa mga tauhan para libutin ko ang mga properties namin at para na rin mag-observe.“These commercial buildings are leased to different companies. The rental payments are one of the estate's main sources of income,” paliwanag ni Gia sa akin.“The resort generates revenue from room bookings, events, restaurants, and other services.”Ipinaliwanag sa akin kung paano nagge-generate ng revenue ang bawat business sa loob ng property namin.Matapos kong maintindihan kung paano kumikita ang bawat business, ipinakilala na ako sa mga importanteng empleyado.Tinuruan ako kung paano bumasa ng financial reports. Ipinaaral din sa akin ang mga existing cont
آخر تحديث : 2026-08-29 اقرأ المزيد