Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumiti ang matandang si Edwin, kalmado at may kasamang malamig na tingin. “Misunderstanding lang ‘to, Mr. Revamonte. Anak iyon ni Yvee sa isang pipitsuging lalaki. Dinidisiplina lang namin ang anak at ang apo ko, kaya hindi ko maintindihan ang binibintang ninyo sa amin. Wala itong kinalaman sa paghahamak sa Revamonte Group. Hindi rin kami sira-ulo para labanan kayo,” paliwanag niya, tila tinitiyak na hindi sila mapapahamak. Hindi nagpatalo si Ereena. Tumayo siya at buong tapang na iginiit, “My dad is right. This is just a misunderstanding! Anak ni Yvee ang batang iyon – ng kapatid ko. Siya ang sumira sa reputasyon namin nang magpabuntis siya sa isang lalaki na hindi niya kilala. Pinatawag sila
Read more