“S-Sandali, Arison!” pigil ni Serene sa binata nang makarating sila sa harap ng building ng registrar. “S-Sigurado ka ba sa balak mo? Pinag-isipan mo ba nang maayos ‘to o baka naman nabibigla ka lang,” sunod-sunod na tanong niya rito. Ayaw niyang… baka nabibigla lang si Arison sa mga bagay na nangyayari at bigla itong magsisi sa bandang huli.“Gusto kitang pakasalan, Serene. Seryoso ako,” diretsong sagot ni Arison habang nakatingin sa mga mata nito.“I’m a divorced woman. Mas matanda rin ako sa’yo ng sampong taon, Arison. Bata ka pa. Mayaman, matalino at nagmula sa mayayaman at respetadong mga angkan. You deserve someone better than me,” ani Serene ngunit ngumiti lang si Arison.“Still, I want to marry you,” seryosong sambit ni Arison nang walang pagkabahala.“I’m your tutor when you’re still a student—”“So? I want to marry you, Serene.” Puno pa rin ng paninindigan ang boses ni Arison. Hindi nawawala ang ngiti sa labi at mata niya.Ngunit naroon pa rin ang pangamba ni Serene. Hindi n
Last Updated : 2026-03-09 Read more