Kunot ang noo ni Arison pagbukas niya ng pinto ng bahay. Patay ang lahat ng ilaw habang nasa sofa si Serene at tulala. Agad niyang pinindot ang switch hanggang sa magliwanag ang buong paligid.“Darling, I’m home,” malambing ngunit may pag-iingat niyang sabi habang marahang naglalakad palapit kung nasaan si Sirene. Naupo siya sa tabi nito at nag-aalalang tiningnan ang malungkot at problemadong mukha ng kaniyang asawa. “Serene, may problema ba? Anong ginagawa mo rito at bakit patay pa ang lahat ng ilaw?” nag-aalala niyang tanong.Bumuntong-hininga si Serene at naupo ng maayos. Diretso niyang tiningnan si Arison sa mga mata nito. “Arison, gusto kong malaman ang totoo,” malamig ang boses niyang panimula. “Pinakasalan mo ba ako dahil lang may triplets akong dinadala at anak mo sila at napipilitan ka lang dahil responsibilidad mo sila?”Nanlalaki ang mata Arison. Napabuga siya ng hangin. “A-Ano ba ang sinasabi mo, Serene. Anong klaseng tanong ‘yan?” Kinuha niya ang kamay ni Serene at hinawa
Read more