“Ano?!” gulat na reaksyon ni Arya at napatayo pa mula sa kaniyang pagkakaupo. Napaupo naman si Arison sa sahig dahil sa biglaang pagtayo niya. “Anong sinasabi mo, Arison? Magiging lola na ako?”Muling pinasadahan ni Arison ang labi niya ng dila at napalunok, bago siya paulit-ulit na tumango. “Opo, mommy. Magkakaapo ka na,” nakangiti niyang muling sabi.“You!” Dinuro ni Arya si Arison. “Sinong kawawang babae ang pinilit mo, ha?” bintang niya sa panganay niya. Hindi siya makapaniwalang may magseseryoso sa anak niya dahil sa ugaling mayroon ito.Nanlaki ang mga mata ni Arison at mabilis siyang napatayo ng tuwid. Masama ang loob niyang tiningnan ang kaniyang ina na parang pinagbibintangan pa siya sa isang bagay na hindi niya ginawa. “Mommy, ang sama mo naman sa akin. Hindi ko siya pinilit o pinagsamantalahan, ano! Bakit ko naman gagawin sa kaniya ‘yon? Nirerespeto ko siya. Isa pa, kasal naman kaming dalawa…”Mas nagulat ang mukha ni Arya niyang tumingin sa kaniya. “Kasal ka na?!” tanong n
Read more