CalessiaMatapos magsalita ni Ate Cara Rose, ikinumpas ni Marc ang kamay niya, parang langaw si Ate kung paalisin at papuntahin sa workspace ng mga clerk.Hindi na umimik si Ate, pero bago siya tuluyang lumabas, nag-iwan muna siya ng matalim na tingin sa akin at saglit na sumulyap kay Marc.Ewan… pero tingin ko, parang may halong banta ‘yong sulyap niya.Pagkasara ng pinto, agad akong hinapit ni Marc sa baywang na parang walang nangyaring gulo.“Bakit ka pala nagpunta rito, my wife?” malambing niyang tanong.Iniharap niya ako sa katawan niya, hinapit ang batok ko, saka ako hinalikan.Saglit akong nag-alinlangan, pero kalaunan ay napangiti rin ako at tinugon ko ang halik niya. Malalim at matagal, na parang miss na miss namin ang isa’t isa.Kapos sa hininga, idinikit niya ang noo niya sa akin.“You still haven’t answered my question.”Napatingala ako sa kanya at mahina siyang sinuntok sa dibdib.“Paano kita masasagot? Hinalikan mo agad ako.”Natawa siyang hinawakan ang kamay ko at mas hi
آخر تحديث : 2026-05-28 اقرأ المزيد