LOGIN“Hello…” sagot ng isang kasambahay na kagagaling lang sa palengke, hinihingal pa habang inilalapag ang mga pinamili sa mesa. Pawisan ang noo niya, at bahagyang nanginginig ang kamay habang hawak ang telepono. Sa kabilang linya. “Si Thearonna? Nasaan siya?!” halos mapunit ang boses ni Zamarha, punong-puno ng kaba at takot. Napahinto ang kasambahay. “Madam…? Kayo po ba ’yan?” tanong niya, biglang bumaba ang boses, tila may kinatatakutan. Saglit siyang napalingon sa paligid, parang may nagmamasid. “Bakit po kayo tumawag?” halos pabulong niyang dugtong. “Diba kabilin-bilinan ni Attorney na huwag po kayong tatawag hangga’t hindi siya ang tumatawag sa inyo… baka po mapahamak kayo sa ginagawa niyo…” Mas lalo pang bumigat ang hangin. Sa kabilang linya, ilang segundo ring natahimik si Zamarha—ngunit ang mabilis niyang paghinga ay rinig na rinig. “Wala akong pakialam sa bilin niya!” mariin niyang sagot, nanginginig ang boses. “Sabihin mo sa akin—nasaan ang anak ko?!” Hindi a
“Kung ginawa mo lang akong CEO… hindi mangyayari sa’yo ito, Mrs. Montale!” Mariing saad ni Althea, ang kanyang boses ay malamig ngunit may bahid ng pinipigilang galit. Saglit siyang tumitig sa nakahandusay na katawan ng babae—walang malay, maputla, at halos hindi na gumagalaw. Sa isang iglap, tumalikod siya. KRRRK! Mariin niyang isinara ang pinto, halos umalingawngaw ang tunog nito sa buong hallway. Napasandal siya saglit sa pinto, ipinikit ang mga mata habang pinapakalma ang sarili. Ang mabilis niyang paghinga ay unti-unting bumagal, ngunit ang kabog ng dibdib niya ay tila ayaw pa ring tumigil. Lumipas ang ilang segundo. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumuwid. Wala na ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. Pinalitan ito ng takot. Ng pag-aalala. Ng pagiging isang inosenteng anak. Makalipas ang trenta minuto, muling bumalik si Althea sa harap ng silid. Nanginginig ang kanyang kamay habang hinahawakan ang doorknob—parang ngayon lang niya napagtanto ang sitwa
Mabilis ang naging hakbang ni Theariza palabas ng gusali. Hindi na siya lumingon pa—kahit pa ramdam niya ang bigat ng bawat salitang narinig niya. “Hindi ako papayag…” mariin niyang bulong sa sarili habang mahigpit na hawak ang kanyang bag. Pagkasakay niya sa sasakyan, agad niyang iniutos sa driver— “Sa Montale Mansion. Bilisan mo.” Tahimik ang biyahe, ngunit sa loob ng isip ni Theariza ay parang may bagyong sumasabog. Alam na nila… May detective… may imbestigasyon… At bukas—DNA test… Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. “Kung hindi ko ito aayusin ngayon… tapos na ako.” Pagdating sa Montale Mansion, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Diretso siyang pumasok—elegante pa rin ang lakad, kalmado ang mukha… ngunit ang mga mata niya ay malamig at puno ng determinasyon. “Saan si Elina?” agad niyang tanong sa isang kasambahay. “Nasa kwarto po, Ma’am,” sagot
Tahimik lang si Mrs. Montale. Ilang segundo siyang nakatingin kay Theariza—diretso, tila sinusuri ang bawat galaw, bawat ekspresyon. “Sigurado ka?” malamig niyang tanong. Bahagyang kumunot ang noo ni Theariza, ngunit agad din niyang pinakalma ang sarili. “Opo…” sagot niya, mahina ngunit kontrolado. “Matagal na po kasi iyon, hindi ko na talaga matandaan kung nasaan—” “Hindi mo matandaan…” ulit ni Mrs. Montale, bahagyang pinuputol ang kanyang sinasabi. Diba dapat mahalaga ang iniwan ng magulang nila sa kanilang anak?! Isang mabigat na katahimikan ang sumunod. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ni Theariza. Bakit parang hindi siya naniniwala…? May alam ba siya…tungkol sa pagkatao ko,kaya iyon din ang naging dahilan ng pagbagsak ko,kaya hindi niya tinuloy ang halalan?” Dahan-dahan siyang napalunok, pero pinilit niyang panatilihin ang maayos na postura. “May problema po ba sa kwintas na iyon Mama?” tanong niya, maingat ang tono. Saglit na tumingin sa gilid si Mrs.
“Sa wakas… nakapagdesisyon na si Mama…” Mahinang bulong ni Theariza sa sarili habang nakaupo sa loob ng boardroom ng Motellana Group. Kita sa kanyang mukha ang excitement, kahit pilit niya itong itinatago sa isang maayos na ngiti. Sa wakas—ito na ang araw na matagal ko ng hinihintay. Sa unahan, tahimik na naupo si Mrs. Montale at binasa ang mga papeles. Ang bawat paglipat ng pahina ay tila nagpapabigat sa pakiramdam ni Theariza. Hindi na siya nakatiis. “Mama, naghihintay ang Board of Directors sa pasya niyo,” saad niya, may halong pananabik ang boses. Hindi agad sumagot si Mrs. Montale. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na papeles at tumingin sa buong silid bago nagsalita. “Alam kong hindi madali ang ginagawa nating ito,” kalmado ngunit mabigat niyang panimula. Napatahimik ang lahat. “Lalo na ngayong araw… inaasahan ang pagdating ng tita ni Madam CEO. Pero hanggang ngayon, wala pa rin siya.” Nagkatinginan ang ilang board members. “Mama…” muling singit ni Theariza, bahagya
Parang gumuho ang mundo ni Mrs. Montale. Napaatras siya ng bahagya, halos mawalan ng balanse habang napakapit sa malamig na pader sa gilid ng hallway. Nanlalamig ang kanyang mga kamay, at ang dibdib niya ay mabilis ang pag-angat-baba. Hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan—o kung ano ang susunod niyang gagawin. “Bakit ngayon mo lang sinabi?!” nanginginig ang boses niya, pilit pinipigilan ang pagkaputol nito. “Nasaan na ngayon ang babaeng ‘yon?!” “Mama?!” Biglang naputol ang sandali. Napalingon si Mrs. Montale—at doon niya nakita si Theariza sa kanyang likuran… nakangisi. Isang ngiting pilit na maamo, ngunit may kakaibang lamig na hindi niya maipaliwanag. “Mama, may problema ba?” tanong nito, kunwaring nag-aalala. “Kailangan na kayo sa Board…” “Ano…?” halos hindi makapagsalita si Mrs. Montale, litong-lito. “Anong problema, mama?!” bahagyang tumaas ang boses ni Theariza, ngunit may halong kaba sa loob. Sht… sino kaya kausap niya? Hindi pwede… hindi pwedeng si Detective Alvin
Pagkapasok kay Theariza sa bartulina, agad na nagsalita si Althea. Bahagyang nakakunot ang noo nito, tila may bumabagabag sa isipan. “Totoo ba ang narinig ko… na papunta ngayon dito si Darryl at kasama ang batang ’yon?” tanong niya, may halong kaba at pagtataka. Sandaling natahimik si Alexander b
“Anong nakuha ko?!” galit na sigaw ni Althea. “Akala mo ba madali ang lahat ng ‘to?!” Mahigpit niyang hinawakan ang baba ni Theariza at pilit itong pinatingala. “Sabihin mo na ang binabalak mo! Bakit ka bumalik?! Bakit kailangan mo pang bumalikkkk?!Para sirain ang buhay ko?!” Tahimik si Theariza
“Hintayin niyo ako rito, kukunin ko lang ang sasakyan,” masayang sabi ni Darryl habang mabilis na naglakad papunta sa parking area. “Okay, daddy…” agad na sagot ni Thearonna, may ngiti sa labi. Pagkaalis ni Darryl, bahagyang yumuko si Theariza at hinarap ang anak. “Anak, huwag mo munang tawag
“Mama, kanina pa po ba kayo diyan? N-narinig niyo po ba ang mga sinabi ko?” gulat at bahagyang nanginginig na tanong ni Althea habang dahan-dahan siyang lumingon. Napakunot ang noo ni Mrs. Montale, halatang nagtataka sa reaksyon ng anak. “Anong sinasabi mo, anak? Hinanap kita dahil bigla ka na la







