Sariah’s POV Tatlong araw. Tatlong araw na akong nakakulong sa loob ng mansyong ito dahil sa lagnat at dahil na rin sa utos ng hari ng Montenegro Empire. Ngayong umaga, maayos na ang pakiramdam ko. Wala na ang bigat sa aking bungo, at ang dating nag-aapoy kong balat ay bumalik na sa normal na temperatura. Pero ang mas malaking problema ko ay kung paano lalabas dito nang hindi nagpapaalam sa lalaking tila balak na akong gawing permanenteng display sa bahay na ito. Naglakad ako pababa ng hagdan, suot ang isa sa mga damit na ipinadala ni Hades mula sa Manila—isang silk na emerald green dress na hapit sa aking katawan. Masyadong mahal ang tela, masyadong maganda para sa isang "renovation site," pero wala akong ibang pagpipilian. Nahanap ko si Hades sa library. Ang library ng mga Montenegro ay hindi basta-basta silid ng mga libro. Isa itong dambuhalang space na may dalawang palapag, amoy lumang papel, leather, at ang pamilyar na sandalwood scent ni Hades. Nakita ko siya sa dulo, n
Última atualização : 2026-02-24 Ler mais