เข้าสู่ระบบAriana Wayne POV
Ang Manila skyline sa gabi ay parang isang dagat ng mga bituin na nakalubog sa dilim. Habang dahan-dahang lumalapag ang aking private jet sa isang eksklusibong hangar, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng vanity. Wala na ang mumurahing cotton dress na binili ko sa sale para lang magmukhang "simple" sa paningin ni Marcus. Ngayon, suot ko na ang isang pasadyang silk suit mula sa isang sikat na designer sa Paris. Itim ito, kasing-itim ng galit na unti-unting nanunuot sa sistema ko.
"Welcome back, Young Mistress Ariana," bungad ni Jayson pagkababa ko ng hagdan ng eroplano. Nakayuko siya nang bahagya, isang tanda ng respeto na matagal ko ring hindi naramdaman. Sa likod niya ay anim na naglalakihang bodyguards na pawang naka-tuxedo rin.
"The cars are ready. Deretso na po ba tayo sa mansion?" tanong ni Jayson habang kinukuha ang maliit kong hand-carried bag.
"No," tipid kong sagot habang isinusuot ang aking oversized sunglasses kahit gabi na. "Gusto kong uminom. Saan ba ang pinaka-eksklusibong bar sa Makati ngayon?"
"Sa The Void, Young Mistress. It’s owned by the Reyes Group. Doon nagtitipon ang mga elite ng bansa," sagot ni Jayson.
Napangisi ako. Reyes Group. Ang tanging pamilyang kayang makipagsabayan sa yaman ng mga Wayne. "Perfect. Doon tayo pupunta."
Pagpasok pa lang namin sa The Void, agad na naramdaman ang bigat ng awtoridad na dala ko. Hindi dahil sa ganda ko—na alam kong taglay ko naman—kundi dahil sa paraan ng paglakad ko. Isang lakad na nagsasabing hindi ako nandito para makipaglaro.
"I want a private booth. High-end bourbon, neat," utos ko sa manager na agad namang napa-bow nang makita ang VIP card na inabot ni Jayson.
Habang hinihintay ko ang aking inumin, nilibot ko ang paningin sa paligid. Ang usok ng sigarilyo, ang amoy ng mamahaling pabango, at ang tunog ng mahinang jazz music ay tila musika sa aking pandinig. Tatlong taon akong nagtiis sa mga mumurahing karinderya at sinehan kasama si Marcus dahil akala ko iyon ang tunay na kaligayahan.
How pathetic was I?
Isang baso, dalawa, tatlo. Ramdam ko na ang init na gumagapang sa aking lalamunan hanggang sa aking dibdib. Pero hindi sapat ang alak para lunurin ang imahe ni Marcus na nagyayabang sa harap ko kasama ang babaeng iyon.
"Mistress, may table sa dulo na kanina pa nakatingin sa inyo," bulong ni Jayson sa tabi ko.
Tumingin ako sa direksyong tinuro niya. Sa pinakamadilim at pinaka-pribadong sulok ng bar, may isang lalaking mag-isang nakaupo. Hindi ko maaninag ang buong mukha niya dahil sa anino, pero ang presensya niya ay parang isang magnet na humihila sa buong silid. Hawak niya ang isang baso ng whiskey, at ang kanyang mga mata—malamig, matalim, at tila nakatitig direkta sa aking kaluluwa.
"Sino siya?" tanong ko.
"That is Lucas Reyes, Young Mistress. Ang tagapagmana ng Reyes Empire. Sinasabing siya ang pinakamalupit at pinaka-supladong bilyonaryo sa bansa. No woman has ever lasted a night with him without getting rejected," paliwanag ni Jayson.
Lucas Reyes. Ang pangalang kinatatakutan sa boardroom.
Tumayo ako. Medyo gumewang ako dahil sa tama ng alak, pero agad din akong nakabawi. "Stay here, Jayson. I need a little distraction."
"But Mistress—"
Hindi ko na siya pinatapos, at naglakad ako palapit sa table ni Lucas. Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang titig ng mga tao. Sino ba ang babaeng ito na may lakas ng loob na lapitan ang 'Ice King' ng Manila?
Nang makarating ako sa harap niya, hindi man lang siya kumurap. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa, na parang sinusuri kung karapat-dapat ba akong tumayo sa harap niya.
"You're blocking my view," malamig na sabi niya. Ang boses niya ay malalim, baritono, at may awtoridad na nakakapanghina ng tuhod.
Natawa ako at kinuha ang baso ng whiskey niya mula sa mesa. Bago pa siya makapagsalita, ininom ko ang natitirang laman nito. "Masarap pala ang taste mo sa alak, Mr. Reyes."
Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang interes sa kanyang mga mata. "Do I know you?"
"Hindi pa. Pero baka gusto mong makilala ako," hamon ko. Humilig ako sa kanyang mesa, sapat na para maamoy niya ang bango ng aking pabango na humahalo sa amoy ng bourbon. "I heard you’re looking for a business partner. O baka naman... kailangan mo lang ng makakasama ngayong gabi?"
Tumayo si Lucas. Mas matangkad siya sa inaasahan ko. Kailangan kong tumingala para makita ang kanyang mukha. Gwapo siya—yung tipong gwapo na nakakasira ng buhay. Matangos ang ilong, manipis ang labi, at ang mga panga niya ay may hugis na Kapansin-pansin.
"You're drunk, Miss..." bitin niyang sabi.
"Ariana," pagpapatuloy ko. "And I'm not just drunk. I'm bored. At pag bored ang isang gaya ko, gumagawa ako ng mga bagay na pagsisihan ko man bukas, ay siguradong mae-enjoy ko naman ngayong gabi."
Hinawakan ni Lucas ang braso ko. Hindi mahigpit, pero sapat para maramdaman ko ang init ng kanyang palad. "You have no idea who you're talking to, Ariana. Hindi ako laro na basta-basta mo lang lalapitan."
"Oh, I know exactly who you are, Lucas," sabi ko habang ang aking daliri ay dumaan sa kwelyo ng kanyang suit. "You're the man who has everything, but looks like he has nothing to lose. Pareho lang tayo."
Nagkatitigan kami ng matagal. Ang tensyon sa pagitan namin ay tila kuryenteng lumiliyab. Sa likod ng aking isipan, naaalala ko ang pangmamaliit ni Marcus. Hindi tayo magkalevel, sabi niya.
Pwes, Marcus, panoorin mo kung paano ko aabutin ang langit na hindi mo man lang masilip.
"Gusto mo bang umalis dito?" tanong ni Lucas, ang boses niya ay mas naging paos at malambing.
"I thought you'd never ask," sagot ko na may mapang-akit na ngiti.
Lumingon ako kay Jayson at binigyan siya ng senyas na huwag sumunod. Hinayaan kong akayin ako ni Lucas palabas ng bar habang ang lahat ng tao ay nakanganga. Sa loob ng sasakyan niya—isang itim na Rolls Royce—nanatili ang katahimikan hanggang sa makarating kami sa kanyang penthouse.
Pagpasok pa lang sa loob ng kanyang silid, hindi ko na hinayaang magsalita pa siya. Hinalikan ko siya nang may halong galit, pagnanasa, at pangungulila sa atensyong ipinagkait sa akin ni Marcus. Nagulat siya sa bilis ng kilos ko, pero agad din siyang tumugon. Ang kanyang mga halik ay mapang-angkin, puno ng diin na tila ba ayaw na akong pakawalan.
Sa gitna ng aming paglalapit, isang plano ang nabuo sa utak ko. Isang plano na hindi lang magpapabagsak kay Marcus, kundi maglalagay sa akin sa tuktok ng mundo.
You want a woman with status, Marcus? Just wait until you see who my new husband is.
Ariana Wayne POV Ang hotel ballroom ay punong-puno ng mga kumikislap na chandelier, mamahaling wine, at mga taong ang suot ay katumbas na ng halaga ng isang bahay. Ito ang mundo na tinalikuran ko, at ngayon, heto ako, nagbabalik nang mas matapang. Huminto ang itim na Rolls Royce sa harap ng red carpet. Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. “Relax,” bulong ni Lucas habang inaayos ang cufflinks niya. “You look like a Queen. Act like one.” Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kamay niya. Pagbaba ko, halos nakatingin saakin ang lahat. Ang lahat ng mga photographer ay nagsimulang kumuha ng litrato. Ang suot kong gown na kulay emerald green ay kumikinang sa ilalim ng mga flash. “Stay close to me,” sabi ni Lucas habang isinusukbit ko ang kamay ko sa braso niya. Pagpasok namin sa loob, naramdaman ko agad ang mga tingin at bulungan. Pero hindi ako nagpaapekto. Hanggang sa makita ko sila sa gitna ng crowd. Si Marcus, na nakasuot ng tuxedo na halatang pilit ang
Ariana Wayne POV "Hindi ko kailangan ng ganito karaming gown, Lucas," reklamo ko habang nakatingin sa sampung rack ng mga damit na dinala ng mga sikat na designers sa loob ng penthouse. Kagagaling lang namin sa Wayne Group, at imbes na pagpahingahin ako, sinalubong ako ng isang army ng stylists. Si Lucas ay nakaupo sa sofa, may hawak na baso ng scotch kahit hapon pa lang. "The Gala tomorrow is the biggest event in the business circle. Hindi ka lang basta a-attend bilang si Ariana Wayne. You are attending as my wife. Everything about you must be perfect." "Perfect? O kailangan lang magmukhang mahal?" biro ko sa kanya. Hindi siya ngumiti. Ibinaling niya ang tingin sa isang stylist. "Bring out the midnight blue one." Inilabas ng stylist ang isang gown na parang tinahi mula sa mga bituin. Silk, backless, at may subtle na kislap sa tuwing tinatamaan ng ilaw. "Isukat mo 'yan," utos niya. Wala akong nagawa kundi pumasok sa dressing room. Paglabas ko, medyo naiilang ako. Masya
Ariana Wayne POV Ang main building ng Wayne Group ay isang 60-story glass skyscraper sa gitna ng Makati. Sa loob ng tatlong taon, hindi ako tumapak dito. Para sa mga empleyado, isa lang akong alamat—ang nawawalang anak ni Mr. Wayne na ayon sa sabi-sabi ay nag-aaral sa abroad. Pumasok ako sa lobby. Suot ko ang isang emerald green silk dress na binili namin kanina lang sa isang boutique. Simple pero sumisigaw ng karangyaan. Nakasunod sa akin si Jayson na may dalang brief case. “Miss, bawal po dito ang walang appointment,” harang sa amin ng receptionist. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “I don’t need an appointment to enter my father’s building.” “Po? Sino po ba sila?” Hindi ko siya sinagot. Naglakad ako dire-diretso sa elevator na para lang sa mga executives. “Hoy, Miss! Guard!” sigaw ng receptionist. Hinarangan kami ng dalawang security guard. Pero bago pa nila ako mahawakan, humarang si Jayson. “Move,” malamig na sabi ni Jayson. “Unless you want to lose your
Ariana Wayne POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa malaking glass wall ng master’s bedroom. Saglit akong nalito kung nasaan ako. Hindi ito ang apartment na tinuluyan ko kasama si Marcus. Ang kisame ay mataas, ang amoy ay napakabango, at ang kama—parang nakalubog ako sa ulap. “Gising ka na pala.” Napabalikwas ako ng bangon. Si Lucas, nakatayo sa may paanan ng kama, nakasuot na ng white shirt pero bukas ang unang tatlong butones. May hawak siyang tasa ng kape. “Anong oras na?” tanong ko habang inaayos ang gulo-gulo kong buhok. “Seven-thirty. Breakfast is ready. Sumunod ka na lang sa dining area.” Tinalikuran niya ako, pero huminto siya sa may pinto. “And Ariana?” “Hmm?” “You look better in the morning than you did last night. Less crying, more life.” Bago pa ako makasagot, tuluyan na siyang lumabas. Napahawak ako sa dibdib ko. Kalma puso, kontrata lang ito. Pagdating ko sa dining hall, nakalatag ang isang buffet-style na almusal. May pancakes, bacon
Ariana Wayne POV Ang loob ng Rolls Royce ay balot ng katahimikan habang binabaybay namin ang daan palayo sa hotel. Pero hindi ito ang nakabibinging katahimikan na nakasanayan ko kay Marcus—ito ay isang katahimikang puno ng tensyon. Nakasandal si Lucas sa leather seat, maluwag na ang kanyang kurbata at ang dalawang butones ng kanyang polo ay bukas na. Tumingin siya sa akin, ang kanyang mga mata ay nanatiling mapanuri sa ilalim ng madilim na ilaw ng sasakyan. "You handled yourself well back there," basag niya sa katahimikan. "Hindi ko inakalang ganoon ka kabilis kumilos para makuha ang North Star land." Napangisi ako habang tinitingnan ang aking mga kuko. "Sabi ko naman sa iyo, Lucas. Hindi lang ako basta magandang mukha na palamuti lang sa tabi mo." I am a Wayne. We don't just participate in the game; we own the board." Bahagyang gumalaw ang sulok ng labi ni Lucas—isang tipid na ngiti. "But you took a risk. Marcus Valdez is a desperate man. At ang taong desperado ay madalas g
Ariana Wayne POV Ang ballroom ng Grand Hyatt ay puno ng mga pinakamalalaking pangalan sa industriya ng real estate. Ngayong gabi gaganapin ang bidding para sa "North Star Project"—isang multi-billion development na pangarap makuha ng bawat developer sa bansa. Kasama na roon ang kumpanya ni Marcus, ang Valdez Innovations. Nakatingin ako sa aking repleksyon sa malaking salamin ng VIP lounge. Nakasuot ako ng isang emerald green backless gown na hapit sa aking katawan. Ang bawat dyamanteng nakapalibot sa aking leeg ay sapat na para sabihing hindi na ako ang dating Ariana. "Handa ka na ba, Mrs. Reyes?" Lumingon ako at nakita ko si Lucas. Napakaguwapo niya sa kanyang charcoal grey suit. Lumapit siya sa akin at ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang. Ang haplos niya ay mapang-angkin—isang babala sa sinumang titingin sa akin. "More than ready," sagot ko na may matamis na ngiti. "Gusto kong makita kung paano guguho ang mundo niya sa isang iglap." "Then let’s give them a show







