Share

Kabanata 36.3

Penulis: Rhea mae
last update Tanggal publikasi: 2026-04-24 00:03:20

Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe. Hindi na rin kinausap ni Kian si Ayesha dahil hindi naman ito interesado na kausapin siya. Siguro nga ay kailangan niya na lang tanggapin na wala talagang nararamdaman si Ayesha para sa kaniya. Ayaw niya namang pilitin itong mahalin din siya pabalik.

Makalipas ang halos isang oras na byahe nila ay nakarating na rin sila sa isang chef ng hotel. Nauna nang lumabas si Ayesha at pumasok

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
dawen
hai nku Ayesha schn mna ky kian n buntis k more update
goodnovel comment avatar
buj gqab
tnx po sa update..very nice..more to expect po
goodnovel comment avatar
Pham Mae ✨🫶
nakaka excite ang kwento ganda. ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 36.3

    Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe. Hindi na rin kinausap ni Kian si Ayesha dahil hindi naman ito interesado na kausapin siya. Siguro nga ay kailangan niya na lang tanggapin na wala talagang nararamdaman si Ayesha para sa kaniya. Ayaw niya namang pilitin itong mahalin din siya pabalik.Makalipas ang halos isang oras na byahe nila ay nakarating na rin sila sa isang chef ng hotel. Nauna nang lumabas si Ayesha at pumasok ng lobby. Nakasunod naman si Kian sa likod niya.Tahimik lang silang dalawa habang nasa loob ng elevator dahil may mga kasabay din silang iba. Ngayon pa lang pinagsisisihan ni Ayesha na pumayag siyang samahan si Kian. Hindi sana niya mararamdaman ang ganito, masyadong awkward sa pagitan nila ni Kian. Mapapanis na rin ang laway niya dahil hindi siya nagsasalita. Ayaw niya namang kausapin si Kian dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya.

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 36.2

    Tulalang nakatingin sa kawalan si Ayesha. Maingay ang paligid niya pero para bang nasa loob ng tubig ang boses ng mga ito.“Ayesha, Ayesha,” bahagyang niyugyog ni Arianne ang balikat ni Ayesha kaya nagising ito sa pagde-daydream niya.“Ha?” tanong niya dahil wala siyang narinig sa sinasabi ni Arianne. Ngumiti naman si Arianne.“I’m asking you what you think would look best for my wedding gown?” ulit ni Arianne sa tanong niya. Napapatikhim na lang si Ayesha saka niya pinulot ang isang magazine sa center table nila. Isa-isa niyang tiningnan ang mga sample gown dun pero hindi rin niya alam ang sasabihin niya.“Kung ano sa tingin mo ang pakiramdam mo ay ikaw ang pinakamaganda.” Sagot ni Ayesha.“Are you okay?” n

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 36.1

    Ayaw sanang pumasok ni Ayesha sa kompanya dahil ayaw niyang makita si Kian pero kailangan. Isang linggo siyang hindi pumasok dahil sa paghahanap niya sa ama ng anak niya. Nasa loob na ng elevator si Ayesha at paulit-ulit na hinihiling na sana ay nasa labas ng kompanya si Kian ngayon, na sana ay wala itong gagawin sa office niya.Nang bumukas ang pintuan ay napabuntong hininga siya. Hindi pa niya nakikita ang office ni Kian pero malakas na ang kabog ng dibdib niya. Bigla rin siyang nilamig sa sobrang kaba. Nanginginig na rin ang mga kamay niya.Habang naglalakad siya papuntang office niya ay para bang nakaibabaw ang mga paa niya sa ere. Hindi niya maramdaman ang bawat hakbang niya. Nang makapasok siya ng office niya ay saka lang siya nakahinga ng maluwag.Ano na lang ang magiging buhay niya sa araw-araw lalo na ngayong alam na nilang dalawa ni Ki

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 35.3

    Bumalik si Ayesha sa hotel room nila. Tulala pa rin siya. Sa dami ng nangyayari para bang blangko na rin ang isip niya. Marami siyang iniisip pero para bang wala na siyang naiisip. Hindi naman siya nilapitan ng mga kaibigan niya. Hinayaan nilang mapag-isa si Ayesha sa balcony ng hotel room nila.Naihatid na rin nila si Arianne sa hotel nila ni Kian.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kaye nang makaupo siya sa sofa.“Kahit na hindi ako ang nasa sitwasyon ni Ayesha parang nahihirapan din ako. Isipin mo, they like each other pero wala silang magawa sa mga nararamdaman nila dahil magkapatid sila, ikakasal na rin si Kian pero tingnan mo kung paano guluhin ng langit ang mga buhay nila.” Nai-stress na saad ni Kaye saka siya napapailing.Tiningnan naman ni Lalaine si Ayesha na nasa balcon

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 35.2

    Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Ayesha kay Kian. Nagulat naman si Kian pero pakiramdam niya deserve niya ang sampal na yun. Kulang pa sa mga panahon na pinabayaan niya si Ayesha at si Zayn kung siya nga ang ama ni Zayn.Hindi pa nakontento si Ayesha sa isang sampal kay Kian. Sinampal niya pa ito sa kabilang pisngi dahil sa galit niya hanggang sa hinampas-hampas niya na si Kian sa dibdib habang umiiyak.Hindi naman siya pinigilan ni Kian. Buong pusong tinanggap ni Kian ang bawat hampas ni Ayesha sa kaniya.“I’m sorry,” mahina nang saad ni Kian. Humahagulgol naman si Ayesha dahil all this time, nasa harap niya na pala ang lalaking hinahanap niya. Ang lalaking pinagkamalan ng anak niya na daddy nito, ay siya naman pala.“Tang ina mo, Kian. Napakagago mo. Bakit ba pilit mong ginugu

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 35.1

    Napatayo na rin si Kaye at Lalaine ng marinig nila ang boses ng kaibigan nila. Hindi pa man sila nakakalapit kay Kian at Ayesha ng marinig din nila ang sinabi ng babaeng nasa front desk. Maging sila ay nagulat at hindi makapaniwala sa narinig habang si Kian naman ay naguguluhan pa rin.Anong kinalaman niya sa paghahanap ni Ayesha?Hindi na makapagsalita si Ayesha dahil para bang nagkaroon ng pagbabara sa lalamunan niya. Mahigpit na hinawakan ni Ayesha ang papel na ibinigay sa kaniya.“Ano bang nangyayari, Ayesha? Ano bang sinasabi ng babaeng yun?” tanong ni Kian. Itinago ni Ayesha ang papel na hawak niya sa likod niya. Gusto na rin sanang hilain ni Kaye si Ayesha para makaalis na sila pero pinigilan siya ni Lalaine.“Huwag ka ng mangialam sa kanila. Kung tama man ang hinala natin, sila na an

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 15.3

    Makalipas naman ang halos isang oras ay nakarating na si Kian sa bahay ng kaniyang ama. Bababa pa lang sana siya para kausapin ang guard ng makita niya na si Ayesha. Hindi na siya bumaba ng sasakyan niya dahil binuksan na ng guard ang gate. Ipinasok niya naman na ang sasakyan niya saka niya ito ipi

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 14.3

    Pumasok na si Ayesha sa kompanya. Nasa lobby pa lang siya ay pansin niya ng may hindi normal sa ikinikilos ng mga empleyado. Nagbubulungan din ang mga ito kaya nagtataka siya kung ano bang nangyayari.May mga empleyado siyang nakasabay sa elevator pero tahimik naman ang mga ito. Paglabas nila ng el

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 14.2

    Itinakbo nila si Zayn sa hospital dahil bigla na lang itong nawalan ng malay. Kinakagat ni Ayesha ang kuko niya habang naghihintay ng balita sa doctor. Hindi niya na rin maiwasang hindi maiyak sa pag-aalala para sa anak niya.“Stop crying. This is all my fault. I’m really sorry.” Nakokonsensyang sa

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 14.1

    Nagtungo silang dalawa sa hardin. Ibinaba ni Ayesha ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina para makapagmeryenda sila ni Kian habang nag-uusap. Gustong malaman ni Ayesha kung anong mahika ang nangyari sa kanila sa loob ng hotel na yun.“Sabihin mo sa akin, anong nalaman mo?” tanong ni Ayesha. Hind

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status