KINABUKASAN, pagsikat ng araw, maaga siyang nag-check out sa hotel. Magaan ang kanyang mga hakbang habang bitbit ang maleta, tila walang bigat ang nagdaang gabi. Marami pa siyang kailangang asikasuhin pagbalik sa Pilipinas, mga bagay na mas mahalaga kaysa sa anumang nangyari sa banyagang lungsod na iyon.Bago siya tuluyang umalis, may lumapit sa kanya na isang staff ng hotel at magalang na iniabot ang isang velvet gift box.“Miss Zamora,” sabi nito, “this is from Mr. Villareal. He left early and didn’t want to disturb you, so he asked me to give this to you.”Bahagyang napatingin si Yumi sa kahon. Isang maliit ngunit eleganteng kahon na gawa sa dark wood, may ukit na maselang disenyo sa paligid. Maingat niya itong binuksan. At sa loob, isang imperial green jade ring ang nakapatong sa velvet cushion. Makintab, matingkad, at halatang napakamahal.Napasinghap si Gabriel nang makita iyon. “Yumi, that jade is top-grade.”Kahit hindi eksperto si Yumi sa alahas, alam niyang hindi ordinaryo a
Read more