Akmang tutungo na ako sa sink para sana maghugas ng kamay at mag-retouch nang bigla na lamang may humila sa aking braso. Gulat na gulat akong napatingin kung sino iyon at mabilis na kumunot ang noo ko nang makita na ang babaeng payat na kakapasok lang ang humawak sa akin."Excuse me?" inis kong sambit habang pilit na binabawi ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak.Pero lalo niya pa iyong hinigpitan at hinila ako sa mas sulok na bahagi malapit sa pintuan ng mga cubicle. At ang sunod niyang sinabi ang nagpaawang nang husto sa bibig ko."Sophia, it's me. Si Mariel ito," bulong niyang sabi habang nanginginig ang mga labi.Namilog ang mga mata ko sa matinding pagkabigla bago ko siya mabilis na pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Tama nga si Tori. Kahit sinong makakakita kay Mariel ngayon at ihahambing sa Mariel noon, hinding-hindi na siya makikilala. Sobrang laki ng ipinayat niya. Ang mga pisngi niya ay hukot na hukot, at ang katawan niya ay parang binalot lamang ng ba
اقرأ المزيد