Share

Kabanata 49

Author: MaoMao
last update publish date: 2026-04-25 17:08:59

Nagtuyo na ng buhok si Zach dahil medyo gabi na ng mga oras na iyon. Pagkatapos niyang tuyuin ang buhok ay naglakad na siya patungo sa kama at humiga. Kailangan na niyang magpahinga dahil maaga pa siya bukas at marami pa siyang kailangang gawin.

Nakatayo naman sa isang gilid si Ruby at tahimik lang na nakatingin sa lalaki. Ni hindi man lang siya nito sinulyapan kaya wala siyang ideya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Nakakunot ang kanyang noo na nakatingin dito. “Gusto niyo bang tabihan ko na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 52

    Kinabukasan, nang magising si Ruby ay wala na sa tabi niya si Zachary. Pasuray-suray siyang naglakad patungo sa banyo at halos mapasigaw siya nang makita niya ang mga labi niyang namamaga! Anong ginawa niya?Dali-dali siyang nagbihis ay umalis. Gusto niya sanang makausap ang lalaki ngunit wala siyang numero nito kaya hindi niya ito matawagan. Dahil nga namamaga ang kanyang mga labi ay kinailangan pa niyang bumili ng facemask para lang itago ang kanyang mga labi para makapasok sa kumpanya. Habang nasa daan siya patungo sa kumpanya ay bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone at nakita niyang si Missy ang tumatawag kaya dali-dali niya itong sinagot ng walang pag-aalinlangan. “Ruby!” kaagad na bulalas nito at puno ng excitement ang boses. “Siguro naman ay hindi mo pa nakakalimutan ang usapan natin kagabi hindi ba? Ikwento mo na sa akin kung anong nangyari kagabi.” sabi nito sa kaniya. “O gusto mong puntahan kita para mas maganda ang maging kwentuhan natin? Ano, okay ba siya? Magaling

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 51

    Makalipas lang ang halos bente minutos ay bumalik na ang lalaki sa silid at may dala na nga itong napkin at bukod pa doon ay bumili din ito ng ilang pirasong underwear. Hindi niya lubos akalian na maiisip iyon ng lalaki dahil hindi niya naman sinabi rito na kailangan niya ng underwear. Naisip niya tuloy ay may pagka maalalahanin pala ito. Bukod pa doon ay ano kaya ang reaksyon ng mga pinagbilhan nito ng mga iyon?Muling namula ang kanyang mukha sa kahihiyan at dali-daling pumasok sa banyo at bago tuluyang isara ang pinto ay kaagad muna siyang nagpasalamat dito. Mabilis siyang nagbihis. Pagkatapos niya ay lumabas na siya kaagad ngunit napakunot ang kanyang noo nang makita niya ang lalaki sa may pinto mismo ng banyo. “Tito?” nagtatakang tanong niya rito.Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay kaagad niyang napansin ang pamumungay ng mga ito. Bukod pa doon ay bahagyang namumula ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Ilang sandali itong hindi nagsalita at napuno ng pag-aalinlanga

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 50

    Sinubukang kumalma ni Ruby. “hindi naman iyon ang ibig kong sabihin Tito.” sabi niya at pilit itong itinutulak. “Dahil gusto niyo ng matulog ay bakit hindi na lang tayo matulog? Hmm?” ang malapad nitong dibdib ay napakainit at halos mapaso siya sa totoo lang. Bukod pa doon ay napakatigas nito at halos hindi man lang niya ito maitulak.“Sorry ka na lang pero nagbago na ang isip ko.” paos na bulong nito sa kaniya at yumuko, hinalikan ang kanyang leeg at bahagyang kinagat. Hindi siya nito binigyan ng pagkakataon para makapagpumiglas. Namungay ang mga mata ni Zach. wala siyang kasalanan kung anuman ang mangyari sa kanilang dalawa ngayon ng babae dahil hindi naman siya ang nagsimula nun kundi ito. Patulog na siya kanina ng guluhin siya nito at isa pa, wala naman talaga siyang interes sa mga babae noon at mas lalo na sa s3x dahil wala siyang oras. Pakiramdam niya ay istorbo lang iyon sa buhay niya kaya maging ang mga babaeng lumalapit sa kaniya ay hindi niya pinapansin pero ang babaeng ito

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 49

    Nagtuyo na ng buhok si Zach dahil medyo gabi na ng mga oras na iyon. Pagkatapos niyang tuyuin ang buhok ay naglakad na siya patungo sa kama at humiga. Kailangan na niyang magpahinga dahil maaga pa siya bukas at marami pa siyang kailangang gawin.Nakatayo naman sa isang gilid si Ruby at tahimik lang na nakatingin sa lalaki. Ni hindi man lang siya nito sinulyapan kaya wala siyang ideya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Nakakunot ang kanyang noo na nakatingin dito. “Gusto niyo bang tabihan ko na kayo Tito?” tanong niya rito na may halong pagtataka.Wala siyang malaking hopes sa mga lalaki dahil alam niya na pare-pareho lang ang mga ito na kapag napagod o nagsawa sa kanilang mga nobya ay maghahanap at maghahanap ang mga ito ng ibang babae. Idagdag pa na ganun din ang kanyang ama at mas lalo na si Ethan na hindi makuntento sa isa. Ngunit ang lalaking nasa harap niya ay masasabi niyang ibang-iba sa mga ito, walang itong interes sa mga babae ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 48

    Natigilan si Ruby ng marinig niya ang sinabi nito. So kumain lang sila bago siya naman ang kainin nito ganun ba? Hindi niya akalain na may ganitong pag-iisip ang lalaki. Iba rin talaga ito. Dahil dito ay hindi na siya nagsalita pa at pumunta na lang sa banyo. Bago pumasok sa loob ay inabutan siya ng lalaki ng isang bag at nang buksan niya ito ay agad niyang nakita sa loob ang laman nito na isang damit pantulog. Napataas na lang ng kanyang kilay ng wala sa oras. Hindi niya naman ito nakitang umalis kaya paano itong nagkaroon ng damit pambabae? Hindi kaya naplano na nito ang pangyayaring iyon ng mas maaga? Hindi na lang siya nagsalita pa at pumasok sa banyo. Sa takot niya na baka mabura ang kanyang makeup ay nag half bath lang siya. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya ng banyo at kaagad niyang nakita ang lalaking nakatayo sa may bintana habang may kausap pa dahil nasa tenga nito ang cellphone. Masasabi niyang napakalakas talaga ng dating nito kahit na kailan.Mukha yatang na

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 47

    Ilang oras ang makalipas ay muling kumatok si Ruby sa pinto ng silid ng lalaki. “Pasok.” sabi nito kaya binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob.Tumaas ang kilay niya. “Uhm, tapos ka na ba Tito sa ginagawa mo?” tanong niya rito.Sandali namang natigilan si Zach nang marinig niya ang sinabi nito. Tumango siya. “Gusto niyo bang kumain? Nagluto ako e. Pasensya na rin po pala kung pinakialaman ko ang kusina niyo.” sabi nito sa kaniya.Ang totoo, kaya naisipan ni Ruby na magluto ay dahil nakita niya kanina ang lalaki sa loob ng kotse na hinihimas nito ang tiyan at halatang gutom pa ito. Baka hindi ito nakakain ng maayos sa party. Walang mga ingredient sa suite nito kaya ang ginawa niya ay nagpabili na lang siya sa online. Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Zach. sa totoo lang dahil sa sobrang busy niya nitong mga nakaraang taon ay wala sa oras palagi ang kanyang kain at madalas pa ay nakakalimutan niyang kumain kaya ang naging resulta ay nagkaroon siya ng sakit sa tiyan ngunit hindi

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 22

    Nang humapon ay muling sinubukan ni Ruby na tawagan si Mr. Lozano at nang mga oras na iyon sa wakas ay nag-ring na ang cellphone nito at sa sumunod na sandali ay sinagot na nito ang tawag. “Yes?” iyon ang kaagad na bumungad sa kaniya. “Oh, it's you Ruby. Bakit ka napatawag? Ayaw mo pa rin bang sumu

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 21

    “Hindi mo na nga nagawang papirmahin si Mr. Lozano ay may gana ka pa talagang iganyan ang kapatid mo!” muling sigaw nito sa kaniya. Kung tutuusin ay wala talaga silang pinagkaiba ni Missy kaya nga magkaibigan silang dalawa e.“Wala kayong dapat alalahanin tungkol diyan. Akong bahala, papipirmahin k

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 19

    Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay lumabas siya ng banyo at doon pa lang sa labas nito ay nakita na niya kaagad ang isang lalaking nakatayo doon at mukhang hinihintay siya. Ilang sandali pa ay inabot nito sa kaniya ang isang mainit na kape para daw sa hangover niya. Kaagad na napakunot an

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 10

    Naging malamig ang mukha nito, kitang-kita niya rin kung paano gumalaw ang mukha nito. “Sinasadya mong akitin ako diba? At tyaka, sinadya mong tanggalin ang pagkakabuhol ng tuwalya sa beywang ko diba?” puno ng pang-uuyam na tanong nito sa kaniya.Napuno ng pagkalito ang mukha ni Ruby nang marinig a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status