Tiningnan ko siya sa salamin, at kahit nanlalamig at takot na takot, nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya."Gaya ng sinabi ko, hindi sa'yo ang dinadala ko," matigas kong sagot. "Sinabi ko na sa inyo, 'di ba? Si Zeron ang ama nitong dinadala ko."Naramdaman ko ang paglamig ng paligid. Iyong lambot na nakita ko sa kanyang mga mata kanina, biglang naglaho, napalitan ng matinding galit. Humakbang siya palapit, sapat para maramdaman ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib."You really are a good actress, Dasha," bulong niya sa malamig na boses. "But you're a terrible liar."“I’m not,” tugon ko. “Sinasabi ko lang sayo ang totoo para tigilan muna ako at hindi na umasa.”"I'll let you play this game for now. Kung gusto mong panindigan ang lalakeng 'yon, sige. Let's see how far your loyalty will take you."“Lasing ako no’n, Cameron,” pahabol ko nang akmang lalabas siya. Gusto kong maniwala siya, na hindi niya anak itong dinadala ko, but at what cost? “Isang pagkakamali ang gabing ‘yo
Last Updated : 2026-05-02 Read more