Mahigpit man noon ang lipunan kaysa sa ngayon ay nananatili pa ring pinakamahalaga ang reputasyon para sa mga makapangyarihang pamilya. At sa ayos nilang dalawa ngayon na basang-basa, magkalapit, at nasa gitna ng tahimik na lawa at isang maling tingin lamang mula sa ibang tao ay sapat na upang maging sentro sila ng usapan kinabukasan. Ang manipis na dress ni Beatrice ay halos dumikit na sa kaniyang balat dahil sa tubig. Ang mahabang buhok niya ay basa at nakadikit sa kaniyang leeg at balikat, habang ang maputlang kutis niya ay tila mas luminaw pa sa ilalim ng malamlam na sinag ng araw. Samantalang si Ezekiel ay kahit nabasa rin ang puting kamiseta at itim na pantalon ay nanatiling kalmado at elegante. Parang walang anumang nangyari. Parang hindi siya lalaki na kasalukuyang nakahawak sa isang babae sa loob ng maliit na bangkang iyon. Bahagyang umangat ang sulok ng kaniyang labi habang pinagmamasdan si Beatrice. “So…” mababa niyang saad, puno ng kahulugang mahirap basahin, “you r
Last Updated : 2026-05-09 Read more