登入D A R K R O M A N C ELove that bleeds.Desire that destroys.Hearts that break beautifully.This is not your safe fairy tale.You've been warned."FINAL WARNING"This story contains darkness wrapped in romance.If you can't handle obsession, blood, broken souls,and love that hurts more than it heals...Close this now.No one forced you to enter.You chose thisPagkarating nila sa mansion, diretso silang pumasok ni Asmodues, para bang may pagmamadali siyang hindi maipaliwanag. Habang naglalakad sila sa hallway, nasalubong nila si Mia, at nagulat ito nang makita siya. Napansin ni Zamara ang pasa sa pisngi ni Mia, at agad niyang naramdaman ang bigat ng guilt sa dibdib.Sinisisi ang sarili dahil sa pasa ni Mia naisip niya, baka nasaktan na naman ni Asmodues si Mia.Nagpasya siyang kakausapin ito mamaya.Pagdating sa kwarto, isinara agad ni Asmodues ang pinto at isinandal siya sa likod nito. Hinalikan siya nang mariin, at tila wala nang ibang iniisip kundi ang sandaling iyon.Napahawak s
Hawak ko ngayon ang cellphone ni Asmodeus—iniabot niya sa’kin kanina bago siya lumabas ng opisina.Habang nag-i-scroll ako, napangiwi ako. Wala man lang Facebook o kahit tiktok apps… o kahit anong apps na ginagamit ng mga kabataan. Sabagay, ano bang aasahan mo sa lalaking workaholic at trenta’y dos na?At may asawang kakalabingwalo pa lang, bulong ko pa sa sarili habang nagda-download ng Facebook at nagla-log in gamit ang phone niya.Biglang bumukas ang pinto—pumasok si Miss Jossie. Pabagsak niyang inilapag ang pagkain ko sa mesa, nakabalot pa iyon ng paper bag na tingin ko binili pa sa Mamahaling restaurant , inutusan kasi ito ni asmodues na bilhan ako ng makakain, masama ang titig na ipinupukol niya sakin..Nagulat ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang braso ko.“Malandi ka talagang babae ka!” gigil na bulong niya.Napuno ako. Sa tagal ng lihim niyang pag aalipusta sakin, ngayon lang ako tuluyang uminit ang ulo.“Bitaw, Miss Jossie,” sabi ko, kalmado ang boses.Pero mas la
D A R K R O M A N C ELove that bleeds.Desire that destroys.Hearts that break beautifully.This is not your safe fairy tale.You've been warned."FINAL WARNING"This story contains darkness wrapped in romance.If you can't handle obsession, blood, broken souls,and love that hurts more than it heals...Close this now.No one forced you to enter.You chose this.Sumakay kami sa kotse niya. Akala ko diretso kami sa mansion.Pero ngayon, nandito kami sa opisina niya. Nakatayo ako sa harap ng glass wall, tulala habang pinagmamasdan ang tanawin sa baba.Ramdam ko ang marahan niyang paglapit at pagyakap mula sa likod.Dahan-dahan akong humilig sa dibdib niya, ramdam ang tibok ng puso niya laban sa likod ko.Hindi pa man kami nagkakausap tungkol sa nangyari noon-noong nabaril siya-pero alam kong may pagkakaunawaan na kami.Ilang minuto lang kaming gano'n-tahimik, magkalapit, tila ayaw nang bumitaw.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Miss Jossie. Nagkatitigan kami."Master, r
Pagkapasok pa lang ni Asmodues sa opisina, marahas niyang sinipa ang upuan-umalingawngaw ang kalabog sa buong silid. Napakapit siya sa gilid ng mesa, malalim ang hinga, halatang pinipigil ang sarili na huwag sumabog.Dalawang linggo na.Dalawang linggo na walang balita kay Zamara.Sa bawat araw na lumilipas, parang may kumakain sa loob niya-galit, inis, at takot na ayaw niyang aminin. Ang mga mata niya ay puno ng dilim habang nakatingin sa sahig.Kuyom ang kanyang mga kamao habang siya’y tumalikod at lumapit sa glass wall ng opisina, matamang nakatitig sa labas. Tahimik siya, ngunit mabigat ang bawat hinga—parang may bagyong pinipigil sa loob. Sa ilalim ng mamahaling suit, ramdam ang nag-aalab na pwersa sa kanyang dibdib..Sa ibaba, tanaw niya ang siyudad. Bahagya siyang ngumisi nang maalala kung sino ang may kagagawan ng pagtatangkang iyon sa buhay niya—isang ngising malamig, walang halong takot, puro poot at mapanganib."They have no idea what kind of game they've started..." bulong
Bumaba ako ng kotse at agad kong inilibot ang paningin.Isang napakalaking mansyon ang bumungad sa akin-halos kasing engrande ng kay Asmodeus. Sa paligid, nagkalat ang mga tauhan ni Damien, mahigpit na nagbabantay."Dito ka muna," malamig pero seryosong sabi niya. "Mas ligtas ka rito. Siguradong ikaw ang pupuntiryahin ng grupo nina Axel at Hendrix habang mahina pa si Asmodeus." Mahaba at matigas ang tono ng kanyang paliwanag."S-salamat..." mahina kong tugon."Tsk." Napailing siya at umiwas ng tingin. "Hindi ko 'to ginagawa para sa'yo. May utang na loob lang ako kay Asmodeus. Quits na kami pagkatapos nito."Tumango na lang ako sa sinabi niya, Lumakad kami papasok sa loob ng mansyon at diretso sa sala. Tahimik akong naupo habang si Damien naman ay agad nilapitan ng isa sa mga tauhan niya, may ibinulong ito na agad nagpa-init ng ulo niya."Master... si young master Clyde po, nagkulong na naman sa kwarto.""Kumain na ba siya?" malamig pero halatang inis na tanong ni Damien."H-hindi pa
“H–Hendrix!!” sigaw ni Zamara sa gulat nang makita kung sino ang nasa harap niya.Mabilis siyang umatras, halos sumiksik sa dulo ng kama habang nanginginig.“L–lumayo ka!” pasigaw niya, ngunit imbes na sumunod, dahan-dahan itong lumapit.Umupo si Hendrix sa gilid ng kama, ang tingin ay malamig ngunit may bahid ng ngiti.“Kumusta, Zamara?” tanong niya sa mababang tinig.Hindi na nakasagot si Zamara.Umiiyak na lang siya, tinatakpan ang sarili, para bang kahit anong sandali ay pwedeng mangyari ang kinatatakutan niya.“H–Hendrix… p–pakiusap… huwag…” halos pabulong ang sabi ni Zamara nang hawakan siya nito sa hita.Ngumiti lang si Hendrix—’yung ngiting nakakapangilabot, walang emosyon.“Ang sabi nila, patay na raw si Asmodues…” bulong niya habang nakatitig sa kanya.Mas lalo lang napaiyak si Zamara, napahawak sa dibdib habang nanginginig.“Handa akong saluhin ka, Zamara,” dagdag ni Hendrix, dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya.“Basta… maging masunurin ka lang sa akin.”Ang ngiti nito







