Compartilhar

TRAPPED 9

Autor: Sunmaru
last update Data de publicação: 2026-04-02 18:04:05

Pagkatapos ng vacant hour namin, deretso na kami sa susunod na subject. Nakaramdam ako ng bahagyang pagsisisi—si Mika kasi ay walang tigil sa pagtatanong tungkol kay Asmodeus. At ang mga tanong niya ay tila masyadong personal… mga bagay na hindi na dapat itanong pa.

Pilit kong pinipigilan ang sarili na maipakita ang inis o pagka-irita sa harap niya.

Ang mga tanong niya kasi eh… “Malaki ba? Magaling ba? Masarap ba? Mahilig ba?”

Nagulat ako. Alam kong kaedad ko lang si Mika, pero bakit parang sob
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 11

    Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng resthouse ni Asmodues, habang si Asmodues ay nasa loob pa rin at kinakausap ang katiwala ng lugar. Dumating naman ang kanyang secretary na si Miss jossie kani Kanina lamang dahil inutusan ito ni Asmodues.Lumapit Ito sakin, at may inipit sa kamay ko saka bumulong.."Yan ang address ng bahay kung nasaan ang mga magulang mo. Nasa sa'yo na kung pupuntahan mo,' Mataray na pabulong na sabi sa akin ng secretary ni Asmodues.Na si Miss jossie, Alam kong hindi niya ako gusto, at nagtataka ako Ngayon kung bakit niya ako tinutulungan.'Basta pag nagkabistuhan, 'wag mo akong ituturo!' pabulong pa niyang sabi.Alam ko din may gusto siya kay Asmodues at siguro Ito ang naisip niyang paraan para mawala ako sa landas niya - kaya niya ako tinutulungan. Pero wala na akong pakialam pa. Muli kong tinitigan ang maliit na papel na nakatupi sa kamay ko at isiniksik ko sa bulsa ng suot kong maong pants."Si Jossie rin ang nagdala ng suot ko ngayon, dahil pumunta kami r

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 10 (WARNING) R18

    D A R K R O M A N C ELove that bleeds.Desire that destroys.Hearts that break beautifully.This is not your safe fairy tale.You've been warned."FINAL WARNING"Dumating kami sa resthouse ni Asmodues bandang ala siete na ng gabi. Pagbukas pa lang ng pinto ng sasakyan, agad kong naramdaman ang malamig na hangin ng Tagaytay. Tahimik ang paligid, tanging mga ilaw ng malaking bahay ang kumikislap mula sa loob.Pagkababa niya, hindi na siya naghintay pa ng matagal sa labas, hinila agad ako papasok, halos bumilis ang tibok ng puso ko sa biglaang kilos niya..Pagkapasok, bumungad ang maluwang na sala-maliwanag ngunit may kakaibang lamig.Agad kong napansin ang lamesa—puno na ng pagkain. Mukhang may inutusan siyang maghanda habang wala pa kami.Kumakalam man ang sikmura ko, mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko… kapag naiisip kong kaming dalawa lamang dito sa loob ng resthouse niya.Umupo siya, ako naman ay umupo na rin at nanatiling tahimik habang kami ay kumakain.Matapos naming kumain,

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 9

    Pagkatapos ng vacant hour namin, deretso na kami sa susunod na subject. Nakaramdam ako ng bahagyang pagsisisi—si Mika kasi ay walang tigil sa pagtatanong tungkol kay Asmodeus. At ang mga tanong niya ay tila masyadong personal… mga bagay na hindi na dapat itanong pa.Pilit kong pinipigilan ang sarili na maipakita ang inis o pagka-irita sa harap niya.Ang mga tanong niya kasi eh… “Malaki ba? Magaling ba? Masarap ba? Mahilig ba?”Nagulat ako. Alam kong kaedad ko lang si Mika, pero bakit parang sobra na ang alam niya sa ganitong mga bagay…?Ramdam ko ang halo ng pagka-inis at pagka-curious, at hindi ko maiwasang magtaka kung saan niya nakuha ang ganoong mga salita.Tumabi siya sa akin, at nangulit na naman. Wala pa ang prof namin, kaya nagdadaldalan ang mga katulad naming estudyante."Ano ba, Mika…" inis kong sambit, ramdam ang init ng mukha ko.Sumimangot siya. Maya-maya, hindi na kumibo. Sa isip ko, “Baka hindi na naman niya ako pansinin… Pero nakatingin siya sa akin…”Kaya sinagot ko s

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 8

    Itinabi niya sa gilid ng plato ang kubyertos at dahan-dahang uminom ng tubig, pinipilit pawiin ang kaba sa dibdib.Marahan siyang tumayo, isinukbit ang bag sa balikat, at mahina ang tinig nang magpaalam kay Asmodeus."A-aalis na ako…" nauutal niyang sambit, halos hindi makatingin nang diretso sa lalaki.Hindi kumibo si Asmodeus. Malamig ang kanyang mga mata, at iyon ang lalong nagpalunod sa kaba ni Zamara.Nag-alangan siyang lumapit, ngunit alam niyang iyon ang inaasahan sa kanya ng lalaki. Kaya’t pinilit niyang lumakad pa ng kaunti at bahagyang yumuko.Bahagya niyang idinampi ang mga labi sa kanya—isang halik na puno ng pag-aalinlangan, hindi pagmamahal.Sandali siyang nanatili roon, naghihintay sa pagtango ng lalaki, bago siya nakahinga nang maluwag at tumalikod.Lumabas siya ng mansion.."Tara na po, Kuya Roberto..." mahina niyang wika pagkasakay sa kotse.Tahimik lamang na sumunod si Roberto, at saka sila umalis. Ang katahimikan ng biyahe ay lalo lamang nagpalakas ng ingay ng kany

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 7

    Lumaki akong alagang-alaga ng aking ina. Ayaw na ayaw niyang nasusugatan ako, at ni minsan ay hindi niya hinayaang maranasan ko ang hirap.Hindi naman talaga kami kapos sa buhay-may flower shop si Mommy, at bukod pa roon ay may dalawa pa kaming restaurant na pinapatakbo ng pamilya.Ako ang nag-iisang anak, at hindi na siya muling nagbuntis dahil sa sobrang abala sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.Pero si Daddy... unti-unti siyang nagbago. Nalulong siya sa sugal, at halos hindi na umuuwi dahil sa casino. Unti-unting naglaho ang maayos naming buhay. Ang dalawang restaurant na ipinundar nila ay napilitan nilang ibenta, pambayad lamang sa sindikatong pinagkakautangan niya.Madalas silang mag-away ni Mommy, at dumating pa sa puntong gusto na niya itong palayasin. Pero sa huli, pinili pa rin ni Mommy na patawarin siya.Muling bumalik ang katahimikan sa bahay-at akala ko, tuluyan na kaming magiging maayos.Hanggang sa tumungtong ako sa edad na labing-anim. Doon namin muling nadiskubre a

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 6

    "Andito na tayo, Ma'am Zamara."Napatingin ako sa labas ng bintana-andito na pala ako sa university. Hindi ko man lang napansin dahil lutang pa rin ang isip ko.Binitbit ko ang bag at agad na nagpasalamat kay Kuya Roberto bago lumabas ng kotse.Huminga ako nang malalim at inayos ang buhok, pilit tinatakpan ang leeg,at pumasok na sa loob.Dire-direcho lang ang lakad ko, iniiwasan ang ibang estudyante na maaaring masalubong at titig sa mata ko.Pakiramdam ko kasi nakikita nila ang totoong nangyayari sa akin kapag tinititigan ako sa mata.Pagkapasok ko sa room, agad kong nakita si Mika..Umupo ako sa tabi niya.Si Mika, nakakatuwang kasama. Nakakalimutan ko ang lahat ng nangyayari sa mansion kapag nandito ako sa university at kasama siya...Sandali kong nalilimutan si Asmodeus at kung paano niya ulit akong inangkin kagabi.Sandali kaming nag-usap ni Mika, at hindi rin nagtagal, dumating ang professor namin at nagsimula nang magturo.Lumipas ang ilang oras ng lecture, at kasalukuyan na k

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status