LOGINNang sumunod na araw, matapos ang gabi na magkasama sina Antonette at Gabby. Maaga pa lamang ay abala na si Antonette sa front desk ng Ong Grand Hotel.Sanay na siya sa mabilis na galaw ng trabaho. Mga guest na nagche-check in, mga tumatawag para sa reservation, at mga empleyadong lumalapit para sa iba't ibang concern.Ngunit sa araw na iyon, may kakaibang saya sa kanyang mukha.Matapos ang ilang araw na pag-iisip, tuluyan na niyang napagpasyahang umuwi muna sa Pilipinas.Matagal na rin mula nang huli niyang makita ang pamilya niya. At higit sa lahat, gusto niyang muling makabalik sa Isabela—sa lugar kung saan siya lumaki at kung saan naroon ang mga alaala ng kanyang mga magulang.Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap si Gabby, agad niyang ipinaalam ang plano.“Sir Gabby, gusto ko sanang mag-leave.”Napatingin si Gabby Ong mula sa hawak niyang dokumento.“Leave?”Tumango si Antonette.“Opo. Uuwi sana ako ng Pilipinas.”Ilang segundo siyang tinitigan ni Gabby bago ito ngu
Habang nagkukwento si Gabby tungkol sa lupa ng kanyang lola, biglang naalala niya ang isang lumang litrato na laging dala-dala sa kanyang wallet. Kinuha niya ito at inilapag sa harapan ni Antonette. "Ito ang lupa noon, bago pa ito maging bahagi ng resort namin ngayon." Kinuha ni Antonette ang larawan. Sa unang tingin, normal lang ito sa kanya… puno, ilog, at isang maliit na kubo sa gilid. Ngunit habang mas tinititigan niya ito, may kakaibang kirot na biglang dumaloy sa kanyang dibdib. "Bakit... parang kilala ko ito?" Napakunot-noo si Gabby. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ko alam. Pero ang hugis ng puno... at ang kubo sa likod..." Napahawak siya sa gilid ng larawan, tila hinahanap ang isang alaalang matagal ng nakatago. "Parang nakapunta na ako rito noon." "Posible bang nagkataon lang na magkahawig?" "Hindi ko rin sigurado." Napayuko si Antonette, sinusubukang alalahanin ang mga detalye. "Pero noong bata ako, may lugar kaming pinupuntahan tuwing bakasyon kasama ang mga magula
Pagkatapos ng lunch date, bumalik sina Gabby at Antonette sa hotel. Naiiba ang pakiramdam ng dalaga habang naglalakad papasok sa lobby, parang may bagong kulay ang bawat sulok ng gusaling araw-araw niyang nadadaanan. "Salamat sa lunch," sabi niya habang huminto sila sa may reception. "Ako dapat ang magpasalamat," sagot ni Gabby. "Ilang buwan na rin akong hindi nakakakain ng ganito kaginhawa." Napangiti si Antonette. "Kahit family restaurant lang?" "Lalo na dahil family restaurant lang." Sagot nito. "Minsan, ang mga simpleng bagay ang pinakamasarap." Patuloy ni Gabby. Bago pa man nakasagot ang dalaga, may nagmamadaling nagsabi sa kanilang harapan. "Sir Gabby, kailangan na po kayo sa conference room. Dumating na po ang mga delegates mula Singapore." Napalingon si Gabby sa kanyang wristwatch. "Sige, pupunta na na ako." Tumingin siya ulit kay Antonette. "Mauna na ako. Ingat ka." "Opo. Ingat din po kayo." Habang pinapanood niya itong naglalakad papalayo, hindi niya mapigilang map
Bumukas ang p***o ng elevator sa executive floor. Lumabas si Gabby habang hawak ang ilang dokumentong kailangan niyang repasuhin bago ang susunod na pagpupulong. Diretso sana siyang tutungo sa opisina nang mapansin niyang may isang empleyadong nagmamadaling lumapit sa reception habang may dalang makapal na folder. Napangiti siya nang makilala ang dalaga. Si Antonette. Maingat nitong inilapag ang mga papeles sa counter bago kinausap ang isa sa mga kasamahan. "Roselle, pakibantayan muna ang reception. Ihahatid ko lang ito sa accounting." "Go lang," nakangiting sagot ni Roselle. Tumango si Antonette at tinahak ang pasilyo. Mula sa kinatatayuan ni Gabby, kitang-kita niya ang pagod na bakas sa mukha ng dalaga. Kahit ganoon, hindi nawawala ang magiliw nitong pagtrato sa bawat empleyadong nakakasalubong. Napailing siya habang napapangiti. "Talagang hindi marunong magpahinga." Hindi na niya namalayang sumunod na pala ang mga hakbang niya. Habang naglalakad si Antonette, narini
Ang nakaraan....Nagkape sina Gabby at Antonette, masaya hanggang may naalala siyang eksena mula pagkabata. Habang kinukunan sila ng litrato ng misteryosong lalaki, natuklasan ni Jiha ang classified na "Project ORION" — sila pala ang "Subject 1" at "Subject 2." Inutusan ang mga tauhan na protektahan si Antonette kapag nagising ang alaala ni Gabby.----------Pagpasok pa lamang niya sa lobby ng hotel kinabukasan, sinalubong na siya ng pamilyar na sigla ng umaga. May mga bisitang nagche-check in, may mga staff na abala sa kani-kanilang tungkulin, at may mga concierge na maagap na umaalalay sa mga bagong dating.Suot niya ang maayos na uniporme habang inaayos ang nameplate sa dibdib. Nang matapos iyon, huminga siya nang malalim bago ngumiti sa unang guest na lumapit sa reception."Good morning, Ma'am. Welcome to Grand Ong Hotel."Habang inaasikaso ang reservation ng bisita, hindi niya namalayang may isang pares ng matang nakatingin sa kanya mula sa ikalawang palapag.Si Gabby.Nakasandal
Sunod-sunod ng nagsisilabasan ang mga empleyado ng Ong Grand Hotel matapos ang kanilang shift. May ilan na nagtatawanan habang naglalakad patungo sa parking area, samantalang ang iba ay abala sa pagtawag sa kanilang pamilya.Sa lobby...Inayos ni Antonette ang nameplate sa kanyang uniporme bago isinara ang logbook."Finally..." bulong niya habang iniunat ang mga balikat."Pwede na ba kitang hiramin?"Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses. Nakatayo si Gabby ilang metro ang layo, nakasuot ng simpleng puting polo na nakatiklop ang manggas at itim na pantalon. Wala na ang pormal nitong coat, kaya mas bata at mas magaan itong tingnan.Napakurap si Antonette."Sir... kayo po?"Napangiti ang binata."Ilang beses ko bang sasabihin? Kapag wala tayo sa opisina, Gabby lang."Hindi napigilan ni Antonette ang mapangiti."Hindi pa rin ako sanay.""Masasanay ka rin."Lumapit si Roselle na kanina pa pala nanonood."Naku, Antonette. Mukhang may naghihintay sa'yo."Namula ang pisngi ng dal
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n
Lumapit pa si Carlo. “At ngayon?” mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makasagot. - Bigla siyang nagising. Hinihingal. Pawis. Kumakabog ang dibdib. “Ano ba yon?…” tanong niya sa sarili at napahawak siya sa dibdib. Parang hindi pa rin nawala an
Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,
“Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit







