Teilen

Chapter 067

last update Veröffentlichungsdatum: 30.04.2026 23:32:03

Evorie Eve

365 days. Iyon lang ang itatagal ng pagsasama namin sa harap ng batas. Sa loob ng isang taon ay dapat na mabigyan ko siya ng anak dahil pagkatapos maisilang ang bata ay kailangan ko nang umalis at tuluyang maglaho sa buhay nila. Ang bata ang magiging kabayaran ko sa lahat ng tulong na ibinigay niya sa akin.

Ngayon pa lang, habang iniisip ko ang araw na iiwan ko ang sarili kong anak sa kanya ay naninikip na ang aking dibdib. Isang matinding kirot iyon na tila unti-unting dumudurog sa
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 086

    **Evorie Eve**“Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito?” tanong ni Alistair sabay turo sa mga putaheng nakahain sa mesa. Pinag-aralan ko kasing ipagluto siya ng mga Italian dishes dahil napansin ko na iyon ang madalas niyang hanapin.“Yeah. Ayos na ba ang pagkakaluto ko? Hindi pa siya perfect dahil kanina ko lang sinubukang pag-aralan ang mga recipes na iyan,” sabi ko habang hinihintay ang kaniyang hatol. Napatango-tango naman siya habang ninanamnam ang pagkain. “You can tell me what's lacking, Ali. Huwag ka nang mahiya dahil maluwag akong tumatanggap ng kritisismo,” dagdag ko pa. Isang matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin. “Masarap kang magluto, Eve, kaya wala akong dahilan para magreklamo kahit ito pa ang unang pagkakataon na niluto mo ang putaheng ito. Alam kong may natural talent ka pagdating sa kusina,” saad niya nang may paghanga at kitang-kita sa kaniyang mga mata na sadyang proud siya sa akin. Napakasarap sa pakiramdam na may nakaka-appreciate sa akin. Ipagpapatuloy k

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 085

    **Third Person**“Kayong tatlo—lumayas na kayo rito at magkalimutan na tayo. Simula ngayong araw ay hindi na namin kayo kakampi,” matigas na anunsiyo ni Yvette bago bumaling sa kaniyang mga tauhan. “Kaladkarin ang tatlong iyan palabas. Ayaw ko na silang makita sa mansiyong ito!”Agad na tumalima ang tatlong lalaki at akmang susunggaban ang tatlo pero mabilis na nagpumiglas sina Eduardo at Nora.“Hindi na kailangan na kaladkarin kami palabas. Lalabas kami nang kusa pero bago iyon ay kukunin muna namin ang aming mga gamit,” ani Nora habang inaayos ang kaniyang sarili. “Hindi na rin naman maganda pang manatili sa mansiyong ito. Palubog na ang pamilya ninyo at sigurado kaming ang mansiyong ito ay kasama sa mga ari-arian na mawawala sa inyo.”Inaya na ni Nora ang asawa at si Violet na pumanhik na para mag-impake. Pero bago pa man sila makahakbang ay muling sumigaw si Yvette.“Huwag ninyong isasama si Ginger! Sa amin ang batang iyon!”“Anak ni Violet ang batang iyon at apo ko siya kaya dada

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 084

    **Third Person**Hinawakan ni Rafael ang panga ng babae at tinitigan siya nang may nagniningas na mga mata. Mas lalong naluha si Violet dahil sa tindi ng sakit mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Rafael.“Masasaktan ka talaga dahil ikaw ang may kasalanan ng lahat!” Muli siyang sinampal ni Rafael at sa lakas ng impak niyon ay halos mawalan na ng ulirat si Violet.Hindi pa rin nababawasan ang pagkapoot sa dibdib ng lalaki. Balak pa sana niyang sugurin muli ang babae nang biglang bumukas ang pintuan ng mansiyon.“Anong ginagawa mo sa anak ko?!” Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa buong paligid. Si Eduardo iyon habang nakasunod si Nora. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagod mula sa biyahe galing Spain pero mas nangingibabaw ang galit nang makita ang kanilang anak na nakahandusay at humahagulgol.“D-Dad! M-Mom!” tawag ni Violet at nang makatayo ay diretso na siyang tumakbo sa kaniyang mga magulang. “Sinasaktan niya ako!” umiiyak na sumbong nito.Agad namang sumugod si Ed

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 083

    **Third Person**Pagpasok pa lamang ni Rafael sa loob ng mansiyon ay agad nang sumambulat ang kaniyang kinikimkim na poot. Bawat gamit na madaanan niya ay kaniyang pinagbubuntunan ng galit habang ang kaniyang dibdib ay tila sasabog sa labis na yamot. Inis niyang ipinagbabagsak ang mga mamahaling vase na kaniyang nakikita hanggang sa mahagip ng kaniyang paningin ang malaking flat screen TV. Walang pag-aalinlangan niya itong hinagisan ng isang display na nagresulta sa pagkabasag niyon.“Ahhhh!” Isang malakas na hiyaw ang kaniyang pinakawalan, tila sinusubukang ilabas ang lahat ng frustration na nakakulong sa kaniyang sistema.“Hayop ka, Uncle!” sigaw niya habang muling humahablot ng isa pang gamit at malakas na ibinabalibag sa pader. Ang tunog ng pagkabasag niyon ay tila musika sa kaniyang pandinig pero hindi pa rin sapat para pawiin ang apoy ng galit sa kaniyang puso.“Gusto mo talaga akong pahirapan, hayop ka! Bakit hindi ka pa natuluyan nang maaksidente ka! Sana pala... sana pala ay

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 082

    Hindi ako maniniwala sa pagmamakaawa niya. He is a narcissist like Violet. Tingnan mo naman kung paano niya sisihin ang kapatid ko. Si Violet lamang ang kaniyang itinuturo samantalang dapat ay isama niya rin ang kaniyang sarili. What a fvcking narcissist. Nagmamakaawa siya sa akin ngayon sa pag-aakala niyang mauuto pa niya ako. “No, Rafael. Hindi ko susundin ang gusto mo,” tanggi ko na walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan sa boses ko. Napasinghap siya at sandaling natigil sa paghikbi habang nananatiling nakaluhod sa semento. “When I decided to file for a divorce, I had no hesitation to do it. When I asked your uncle to marry me and he said yes, I knew there was no turning back. Kaya huwag ka nang magmakaawa pa sa akin, Rafael, dahil hindi mo ako makukumbinsi kahit lumuha ka pa ng dugo sa harapan ko.” “Kahit maglakad ka pa mula rito hanggang sa marangyang tahanang tinitirhan ko nang nakaluhod, hinding-hindi mo na maku

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 081

    Agad na hinanap ng aking paningin ang kasama kong mga bodyguard at nang makitang nasa gilid-gilid lamang sila, tahimik na nagbabantay, ay bahagyang nabawasan ang kaba ko. “Sa hitsura niya parang gusto ka niyang kausapin,” wika ni Brittany habang nakatutok pa rin ang kaniyang paningin kay Rafael. “Halatang stressed na ang ex-husband mo. Tingnan mo nga ang itsura, gulong-gulo ang buhok, halatang pagod, at tila wala pang tulog,” tuloy pa niya. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkaawa sa kalagayan niya. Bakas ang gusot sa suot niyang damit at ang kaniyang mga mata ay puno ng lumbay habang nakatitig sa akin mula sa labas. Napatayo na ako mula sa kinauupuan ko. “Kakausapin ko lang siya,” ani ko. “Sige. Magpasama ka sa bodyguard mo. Baka ano pang gawin sa iyo ng taong iyan dahil mukhang wala siya sa sarili,” pahabol niya. Malimit akong napangiti sa kaniya at marahan na napatango bilang pagsang-ayon. Nakasunod sa aki

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status