Share

Chapter 062

Penulis: Michellara
last update Tanggal publikasi: 2026-04-28 23:38:28

Evorie Eve

“Mama, hindi ko alam kung anong nagustuhan niyo sa babaeng iyan. Ano bang maipagmamalaki ng isang tulad niyang babae?” ayaw paawat na pangmamaliit sa akin ni Rita.

Muling hinarap ng matanda ang kanyang daughter-in-law nang may paninindigan.

“Busilak na puso,” ani Sarah. “Kita ko at dama ko ang kabutihan niya. Ang katangiang iyon ay madalang na lang sa mundong puno ng mga makasarili at gahamang tao. Mas higit pa sa mamahaling bagay ang isang taong may ganoon, Rita. At alam mong wala
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 178

    Huminga siya nang malalim, hinubad ang kaniyang mamahaling coat, bago tuluyang ibinagsak ang sarili sa kama. Napatitig siya sa kisame habang nakahiga, tila may malalim na iniisip bago nagpatuloy sa pagsasalita.“I threatened a lot of women in the past. Lahat ng naging ex-girlfriends ni Uncle, tinakot ko. Pinagbantaan ko ang mga buhay nila. Pero sa lahat ng naging babae niya... ikaw lang ang hindi ko nakitaan ng takot sa akin—maliban na lang noong tinulak kita sa yate. Takot na takot ka noon,” sabay baling ng kaniyang tingin sa akin. “Bakit parang kampante kang hindi kita papatayin ngayon?”Mali siya. Natatakot talaga ako sa kaniya—sa kanila, pero nilalabanan ko lang. Hindi kasi natin hawak ang takbo ng isip ng isang tao. Sumasabay lang ako sa ipinapakita nilang kilos dahil kailangan ko. I don't want to die, not at a time na buntis ako. Gusto ko pang isilang ang unang anak namin ni Alistair.Napabuntong-hininga ako, muling humugot ng lakas ng loob bago baha

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 177

    Inabot ko ang baso ng tubig at marahang uminom. Pagkatapos ay kinuha ko ang table napkin para punasan ang gilid ng labi ko.“Alam mo, Yshmael... alam ko naman na hindi ka masamang tao.”Kahit hindi ko pa nakukumpirma kung sino nga talaga ang taong nasa likod ng maskara, nararamdaman kong hindi siya tunay na kidnapper kung umasta. Kahit sabihin pa niyang may layunin siyang mabawi ang kompanya mula sa mga kamay ng tiyuhin niya, hindi iyon sapat para paniwalaan kong masama siyang tao.Napaayos siya ng tayo sa sinabi ko at bahagyang natawa, ngunit bakas ang pait sa kaniyang mukha.“Nagkakamali ka. Napakasama kong tao. Hindi mo ba alam na makailang ulit ko nang pinagtangkaan ang buhay ni Uncle?”Muli kong sinalubong ang kaniyang paningin.“Mga ilang beses na?” tanong ko sa kalmadong tinig.“Hindi ko na mabilang.”Naisipan ko siyang ngitian, bagay na ikinakunot naman ng noo niya.“Mga ilang beses na... pero h

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 176

    EVORIE EVENakatulala pa rin akong nakatitig sa tray na nasa harapan ko. Hindi pa rin nanunumbalik ang gana ko sa pagkain dahil sa kakaisip kay Alistair.‘Kumusta kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya?’Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto. Napatitig ako kay Yshmael na pumasok sa silid. Mula sa suot niyang itim na hoodie kanina, ngayon ay pormal na kasuotan na ang suot niya.“Hindi ka pa rin kumakain?” may bigat sa tonong sabi niya habang nakatitig sa tray na hindi man lang nabawasan kahit isang kutsara ng kanin.“Hindi ko gusto ang nakahain. Gusto ko ng Korean spicy soup. Yung may maanghang na sabaw... mainit-init pa at may malinamnam na karne ng baka,” nakatulala kong wika. Napalunok pa ako bago sinalubong ang kaniyang mga mata. “Yshmael, pwede mo ba akong bilhan ng ganoon? Hindi talaga matanggap ng panlasa ko ang inihain mo.”Naparolyo ang mga mata niya sa narinig.“Ayoko. Huwag mo

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 175

    Third Person POV“Ang inutos ko sa iyo ay huwag siyang patayin pero pinatay mo pa rin siya! So, anong laban natin ngayon kay Ydrael? Wala tayong gagamitin para pasunurin siya sa gusto natin!” galit na sigaw ng babae sa kabilang linya.Napahigpit ang kapit ng lalaking nakamaskara sa hawak niyang cellphone habang pinakikinggan ang walang tigil na pagngangalit nito.“Napakabobo mo talaga! Napakatanga mong hayop ka—”Hindi na niya hinayaang matapos pa ang litanya nito. Sa isang marahas na galaw, pinutol niya ang tawag.Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone at ibinaling ang tingin sa babaeng nakaratay sa kama.Nakatali ang mga kamay nito sa headboard. Namumutla ang mukha at bakas ang pagod sa bawat galaw.Marahan nitong iminulat ang mga mata. Saglit itong napatitig sa kisame bago napako ang tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng kama.“Finally, you're awake. You should eat. Hindi ka pa kumakain mula kaninang tanghali,” saad nito sa kalmadong tinig.“Just let me go. Pakawalan mo na lang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 174

    Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong bulwagan, kasabay ng mga sigaw at paghiyaw ng mga tao.Sa mismong sandaling iyon, marahas na bumukas ang dambuhalang pinto ng bulwagan.Agad na nagsipasukan ang mga elite operatives mula sa Federal Intelligence and Security Agency at ang International Financial Crime Coalition, kasama ang kanilang mga armadong Tactical Strike Units na nakasuot ng itim na full tactical gear. Malamig at mekanikal ang bawat kilos nila habang hawak ang mga legal na dokumentong may opisyal na selyo ng pinakamataas na hukuman.“FISA at IFCC! Walang gagalaw!” malakas na anunsyo ng tumatayong Special Agent-in-Charge habang mabilis nilang pinalilibutan sina Aunt Shiela at ang buong mesa, kasama ang mga korap na politiko.Naglabas ang pinuno ng mga operatiba ng makakapal na folder.“Mula sa direktiba ng High Federal Court at ng Ministry of Justice, ipinapatupad namin ang malawakang Federal Seizure Orders, Freeze Orders, at

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 173

    “Bakit parang hindi kayo masaya na makitang nakakakita na ako? Dahil ba... may mga ginagawa kayo na ayaw ninyong malaman at makita ng dalawa kong mata?”Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod sa mga huling salita ko.Karamihan sa kanila ay pilit na nag-iwas ng tingin, lalo na ang mga politikong nakaupo sa unahan, habang ang ina ko ay napahawak sa gilid ng mesa dahil sa emosyong pilit niyang pinipigilan.Si Aunt Shiela naman ay pilit na nagtaas ng mukha para bawiin ang kaniyang awtoridad. Matalim niya akong tinitigan bago marahas na ibinaba ang hawak niyang wine glass.“Masyado ka nang nawawalan ng galang, Ydrael. Akala mo ba ay natatakot kami sa mga patutsada mo?” mariin niyang asik habang pilit na pinananatili ang tindig. “Nakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo. Ako ang Matriarch. Ako ang humahawak sa pamilyang ito ngayon. Isang salita ko lang sa media at sa mga board members, pwedeng-pwede kitang patalsikin bilang CEO.”Isang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 101

    EVORIE EVENagmamadali kaming bumaba ni Alistair mula sa van. Balak niya sanang hilahin ako para agad kaming makapasok sa mansiyon pero pinigilan ko siya.“You're blind, Alistair,” paalala ko sa kaniya kaya agad siyang natauhan at natigilan.“Mukhang nasa loob na silang lahat, gusto mo bang malaman

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 099

    THIRD PERSON “Aagawin ko siya mula kay Violet, pero uunahin ko muna na mabawi ang asawa ko,” may inis na saad ni Rafael sa kaniyang ina. “Wala ka nang asawa. Naghiwalay na kayo at ngayon ay may asawa na siyang iba,” pagtatama ni Yvette na siyang mas lalong nagpapakulo sa dugo ng anak. “Tumigil

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 098

    THIRD PERSONTuluyan nang pumasok si Matthias at umupo para magpantay ang kanilang mga mukha. Inilapag nito ang isang mabigat na palad sa balikat ni Rafael, isang haplos na tila may nakatagong banta at matinding paalala sa kaniyang pagkalalaki.“Napakahina mo talaga, Rafael. Paa

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 097

    THIRD PERSONMarahan niyang naimulat ang kaniyang mga mata habang makailang ulit na pumipikit-pikit dahil nasisilaw siya sa liwanag na bumabalot sa buong silid. Nang tuluyan nang makapag-adjust ang kaniyang paningin ay agad siyang napatingin sa direksyon ng pintuan nang bumukas ito at in

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status