Chapter 43 Pagkatapos ng mahabang oras ng kwentuhan, kainan, at pakikipaglaro sa mga bata at oras na para umuwi. “Awwww…” sabay-sabay na reklamo ng mga bata nang sabihin kong aalis na kami. Napatawa ako habang isa-isang niyayakap ang mga ito. “Babalik ulit ako,” lambing kong sabi. “Promise.” “Talaga po?!” tanong agad ni Baby James. Tumango ako. “Oo naman.” Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. “Miss ka po namin lagi.” At ayun na naman. Parang may humihila sa puso ko. Napangiti ako saka ginulo buhok niya nang marahan. “Miss ko rin kayo.” Lumapit naman si Nay Clara habang may mainit na ngiti sa labi. “Salamat ulit, iha,” mahinahon nitong sabi habang hawak kamay ko. “Hindi mo alam kung gaano kasaya ang mga batang ito kapag nandito ka.” Napailing ako. “Masaya rin po ako kapag kasama sila.” Tumingin siya sa akin nang malambot bago napatingin kay David na tahimik lang na nakatayo sa gilid habang may batang nakakapit pa sa binti niya. At surprisingly ay hindi niy
最終更新日 : 2026-05-14 続きを読む