Chapter 34 Napakurap ako sabay iwas ng tingin nang mabilis. “Sus, kung di ka lang pamangkin ng asawa ko… kinabit na kita,” bulong ko sa sarili habang nakasimangot, parang inaaway ang hangin. Tahimik. Biglang nagsalita si David. “I heard that.” Nanlaki mata ko. “Wala akong sinabi!” depensa ko agad, mabilis pa sa blink. Tumikhim siya, halatang pinipigilan ang tawa. “You literally whispered it.” “Hindi ‘yon totoo!” sabay turo ko sa sarili kong bibig. “Auto-sarcasm lang ‘yon!” “Auto what?” “Wala kang pake!” pairap kong sagot. Huminga siya nang malalim, tapos tumingin sa akin na parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. “Pamangkin?” ulit niya, mababa ang boses. “Oo!” proud kong sagot, kahit obvious na kinakabahan na ako. “Pamangkin ng asawa ko!” Tumigil siya. Sandaling katahimikan. Tapos— “Interesting,” bulong niya. Napakunot noo ako. “Anong interesting dyan?” Dahan-dahan siyang lumapit ulit, pero ngayon mas controlled, mas mabigat yung presensya niya. At nakakainis… m
最終更新日 : 2026-05-09 続きを読む