Chapter 23 “Tahimik ka nga, John. Kanina ka pa sa meeting,” irap kong sabi habang dumidiretso sa mini bar. Ang kapal ng mukha at tinawagan pa ako para lang mag-commentary sa buhay ko. “Relax,” sagot niya, walang ka-effort-effort. “Pero bakit hindi mo siya paaralin ulit? Sayang ang potential niya.” Napahinto ako sa kanyang tanong at hndi agad sumagot. Tahimik lang akong nakatayo, hawak ang baso saka tumingin sa sahig. Oo nga, bakit hindi ? Yung mga sinabi niya kanina, confidence niya niyang pahayag at paraan niya mag-isip na hindi pangkaraniwan. Dahan-dahan akong naglakad na pabalik saka umupo sa sofa, katapat ni John. “Kung sabagay…” bulong ko, napapaisip, “may punto ka, bro.” Ngumisi siya. “Of course I do.” Pero hindi pa ako tapos mag-isip. Law school kung babalik siya lalong lalakas ito at mas lalong magiging delikado sa buhay ko. Napangisi ako ng bahagya. “Interesting…” “By the way,” biglang dagdag ni John, sumeryoso ang tono. Napatingin ako sa kanya. “May nak
最終更新日 : 2026-04-25 続きを読む