DAHAN dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin, ay ang maputing kisame, kasunod ang nakakasunok na amoy ng disinfectant sa paligid.Lumingon ako sa bandang kanan, walang tao doon. Tanging pinto lang ang naroroon.Pagsilip ko sa kaliwa, may lalaking nakaupo doon. Nakatagilid siya, may hawak na phone.Marahil, naramdaman niyang gising na ako, kaya nagmamadali siyang tumayo."Kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos ka na ba?" tanong niya sa akin."Jansen?"Hindi ako namamalikmata kanina bago ako mawalan ng malay. Si Jansen nga talaga!"Oo, ako ito..""Ba-bakit ka nandito?""Kanina, habang nasa parking ako, nakita kong may kausap ka sa bintana ng fire exit, at mukhang nag aaway kayo. Nagmamadali akong pumasok, hindi ko naman inakalang madadatnan kitang gumugulong na sa hagdanan. Sino ba sila?"Hindi ko alam, kung kailangan ko pa siyang sagutin, pero wala naman sigurong masama. Iniligtas naman niya ako ngayon."Isang kakilala..""Kung kakilala mo lang sila, bakit par
Dernière mise à jour : 2026-04-20 Read More