LOGINWalang balak na magsalita; kahit nakikita ko naman sa mga mata nila na hindi nila gusto ang sinabi nang matanda. Ngunit ang batas nang mayayaman, ang pinakamatanda sa pamilya ang siyang may hawak nang control. At walang sinoman ang pwedeng tumanggi sa gusto niya."Juliet," mariing tawag ni Rage sa matandang mayordoma ng mansyon.Mabilis na lumapit si Aling Juliet na kanina pa nakatayo malapit sa hagdan, bakas ang kaba at pag-aalangan sa kanyang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Gale. "Ano po iyon, Sir Rage?""Mula sa araw na ito, alisin mo na si Nicole sa lahat ng kanyang mga tungkulin bilang kasambahay," utos ng matanda, pormal at walang anomang bakas ng pag-aalinlangan.Bigla akong napatingin sa matanda, nagtataka at nagugulohan. Ano ang ibig niyang sabihin?"Ipag-utos mo sa ibang mga katulong na ilipat ang lahat ng kanyang mga gamit. Ilagay ninyo siya sa isa sa mga marangyang guest room sa ikalawang palapag. At siguraduhin ninyong maayos, malinis, at kumpleto ang
Matapos bitawan ni Glenda ang mga mapang-insultong salita, mas lalo akong nanliit sa aking sarili. Masyadong matalim ang mga salita niyang diretso sa puso ko, bawat kataga ay tila ba may lasing na humihiwa sa aking natitirang halaga. Ramdam ko ang bawat tingin ng pamilya Salazar na nakatutok sa akin—mga tinging puno ng pandidiri, pagpapasya, at pagsubaybay sa aking reaksyon na parang isa akong maruming insekto na nakapasok sa kanilang marangyang tahanan.Tahimik akong nagdasal, humihiling na sana, kahit kunti lang ay ipagtanggol ako ni Gale. Ngunit ang patuloy na pananahimik niya sa tabi ko ang nagpapatunay na wala nga talaga siyang pakialam sa akin.𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎, 𝐺𝑎𝑙𝑒? Sigaw ng aking isipan habang mas tumitindi ang panginginig ng aking buong katawan.Naikuyom ko nang mariin ang aking mga palad.Magmula nang pumasok ako sa mansyong ito, wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod sa bawat utos ni Gale, ang tiisin ang ugali niya... Kahit wala siyang ip
"Oh, Nicole. Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang sabi ni Aling Juliet nang mamataan ako nitong papasok sa mansion.Ni hindi ko magawang itaas ang aking paningin. Pakiramdam ko, bawat sulok ng aking katawan ay nadungisan na, at ang natitira kong lakas ay unti-unti nang nauubos. "P-Pasensya na po... Ayaw ko na po rito..." nasasaktang sabi ko bago nagpatuloy sa paghakbang papasok. Lumabas ang boses ko na tila isang pira-pirasong bulong—basa sa luha at durog ang dignidad.Ramdam ko ang matinding bigat ng bawat hakbang, habang ang aking mga kamay ay nanginginig na pilit pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi upang hindi mahalata ang labis na pinsala."T-Teka, Nicole..." tila nag-aalalang sambit muli ni Aling Juliet. Sa pagkakataong ito, may kakaiba at mabigat na babala na humalo sa kaba ng kanyang boses.Pagtapak ko mismo sa makintab at malamig na sahig ng sala ay biglang napatigil ang buong mundo ko. Nanigas ang aking mga paa, hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat nang nadatnan ko."Nar
Nanatili akong bingi sa marahang katok na iyon ni Gale sa pinto ng banyo. Ipinikit ko ang aking mga mata, hinahayaang lamunin ako ng dilim at ng katotohanang kailanman, hindi ako magiging sapat. Ang mga huling salita niya at ang sarkastikong boses ng kanyang ina ay tila nag-iwan ng sugat sa puso ko na hindi na kailanman maghihilom. "Nicole... Mag-usap tayo." Muling bumasag ang boses ni Gale mula sa labas. May kaunting diin na sa pagkakataong ito, bakas ang pagmamadali at tila naiipit na tono. "Open this... Pag-usapan natin ang nangyari sa atin kagabi." Napahikbi ako nang mahina, pilit na tinakpan ang aking bibig gamit ang nanginginig kong kamay upang hindi niya marinig ang aking pagkasira. 𝑃𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑝𝑎? "S-Sir... Nagbibihis pa po ako!" dahilan ko. Ayaw kong lumabas. Natatakot ako na baka paglabas ko ay muli lang akong matupok ng nagbabagang emosyon ni Gale. Paano ko haharapin ang pamilya niya ngayon? Sa dinami-dami ng araw na makita nila kami, bakit sa ganitong pagkakata
Ang malakas at sunod-sunod na katok na iyon ay muling umalingawngaw sa buong silid, tila ba mas nagpatindi sa katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Gale. Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang hawak pa rin ang door knob ng banyo. Ang puso ko ay mabilis na dinaluhong ng matinding kaba at takot. Sino ang kakatok sa suite niya sa ganitong oras ng umaga? Nanatili ang mga mata ko kay Gale. Ang kanyang mukha na kanina lang ay puno ng gulat at umuusbong na konsensya dahil sa mantsa ng dugo sa kama ay biglang seryosong pinalitan ng pagkadismaya. Mabilis niyang hinila ang comforter para takpan ang mantsa bago siya tuluyang bumaba sa kama. "Pumasok ka," mababa, mariin, at tila nagmamadaling utos niya sa akin habang mabilis na isinusuot ang kanyang bath robe. Habol ko ang aking hininga sa matinding kaba at takot na tuluyang bumabalot sa buong loob ko. Kahit nagpupumilit ang matinding hapdi sa pagitan ng aking mga hita sa bawat galaw ko, pilit ko pa rin prinotektahan ang aking sarili at nag
Ang unang naramdaman ko paggising ko ay ang matinding lamig ng aircon na dumadampi sa aking hubad na balat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, ngunit agad din akong napapikit nang salubungin ako ng maliwanag at nakakasilaw na sinag ng araw na nanggagaling sa malaking balkonahe. Mabigat ang ulo ko, at ang bawat bahagi ng aking katawan ay may naiiwan pang matinding kirot—mga bakas ng marahas at mapusok na gabi na pinagsaluhan namin. Unti-unti kong nilingon ang tabi ko. Doon ko nakita si Gale. Mahimbing pa rin siyang natutulog, nakadapa habang ang kalahati ng kanyang mukha ay nakabaon sa unan. Ang magulo niyang buhok ay bumagsak sa kanyang noo, at ang kanyang mga labi ay bahagyang nakabukas. Sa ganitong posisyon, mukha siyang tahimik at walang malay—malayo sa galit at mapanghusgang lalaki na humila sa akin kagabi. Tinitigan ko ang kanyang natutulog na mukha, at kasabay niyon ay ang muling pag-alingawngaw sa aking isip ng huling salitang binitawan niya bago siya tuluyang naka
Hindi natuloy ang paglabas namin dahil sa aksidenteng nangyari.Nakita ni Crystal Salazar ang nangyari, asawa siya ni Rage na unang Salazar ng bahay. May nag-iisa silang anak, si Rayjee Salazar, asawa naman ni Glenda Salazar. Mga magulang ni Gale Rey Salazar, na nag-iisang tagapagmana ng ari-arian
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m
“I don’t want a toy anymore.” Sigaw ng bata. Gamit ang maliit na kamao ay pinagsusuntok niya ang ama sa mukha. Sinangga naman ni Gale ang suntok ng anak. “Stop it kiddo.” Malumanay na utos niya sa anak. Never niyang sinigawan o pinagalitan ang bata. Kaya lumaki itong walang kinakatakutan kung hin
Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak







