Share

Chapter 032

Author: LostInWell
last update publish date: 2026-07-09 14:02:15

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng asul na kwarto, nakangiti habang hinahaplos ang isang maliit na teddy bear na nakapatong sa kuna. Subalit ang init sa puso ko ay parang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang marinig ang marahas at malakas na pagbukas ng pinto sa aking likuran.

"Masyado mo yata itong kinakarir, Nicole."

Awtomatikong nangatal ang buong katawan ko sa lamig ng boses na iyon. Paglingon ko, nakatayo roon ang aking biyenan—si Crystal. Madilim ang kaniyang mukha at puno ng poot ang kaniy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The wife he never loved   Chapter 032

    Naiwan akong nakatayo sa gitna ng asul na kwarto, nakangiti habang hinahaplos ang isang maliit na teddy bear na nakapatong sa kuna. Subalit ang init sa puso ko ay parang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang marinig ang marahas at malakas na pagbukas ng pinto sa aking likuran."Masyado mo yata itong kinakarir, Nicole."Awtomatikong nangatal ang buong katawan ko sa lamig ng boses na iyon. Paglingon ko, nakatayo roon ang aking biyenan—si Crystal. Madilim ang kaniyang mukha at puno ng poot ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin at sa aking tiyan."M-Ma'am Crystal..." nauutal na bati ko. Bahagya akong umatras nang isang hakbang habang pilit na pinoprotektahan ng aking dalawang kamay ang aking pitong buwang tiyan."Huwag mo akong matatawag sa pangalan ko na tila ba magka-level tayo! Akala mo ba ay nakuha mo na ang anak ko dahil lang sa dinadala mo?" Lumapit siya sa akin nang mabilis, mamalditahan at puno ng insulto ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang labi. "Isang hamak na kasam

  • The wife he never loved   Chapter 031

    Akala ko, hindi na darating ang araw na lalambot din si Gale.Pero saksi ang dalawa kong mata. Walang kasinsidlan ang tuwang nararamdaman ko habang pinagsisilbihan ako ng asawa ko. Tahimik kong pinanood ang bawat galaw niya."Kumain ka ng marami, Nicole," usal niya habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.Masaya akong tumango bago sinimulan ang pagsubo.Tahimik lamang na nanonood si Gale. Tuwing susulyapan ko siya, hahaplusin niya ang buhok ko at bibigyan ako ng maliit na ngiti sa labi. Sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin, mas lumulundag sa tuwa ang puso ko.Kahit ang anak ko ay mukhang natutuwa sa pagbabago ni Gale, dahil nararamdaman ko ang paggalaw niya sa loob ng aking tiyan."Gale, gumagalaw si baby..." masayang sabi ko bago nilingon ang asawa ko.Lumawak ang ngiti sa kaniyang mga labi.Nagulat ako nang iurong niya ang kaniyang upuan at lumuhod sa tapat ko upang mapantayan ang tiyan ko. May pag-iingat niyang hinaplos ang aking sinapupunan bago humawak sa may sandalan ng aking

  • The wife he never loved   Chapter 030

    Ito na siguro ang gabing makakatulog ako nang payapa. Dahil sa wakas, nararamdaman ko na ang unti-unting paglambot ni Gale sa akin.Hinaplos ko ang aking tiyan habang nakaupo sa malambot na kama."Salamat, anak, dahil sa iyo..." marahang pagkausap ko sa kaniya. "Unti-unti ko nang nakikita ang kabutihan ng iyong ama."Marahan akong ngumiti.Hindi na kasingsama noon ang ugali ni Gale. Pero siyempre, alam kong hindi pa rin niya lubos na matatanggap na ako ang babaeng kaniyang naasawa.At kahit ilang buwan na kaming nakatira sa iisang bubong bilang mag-asawa, nanatili pa rin kaming natutulog sa magkaibang silid—dahil na rin sa kagustuhan niya. Sa sobrang sama ng kaniyang loob sa akin, kahit ang katabihin ako sa iisang kama ay tila hindi niya maatim.Bakit naman kasi sa bilyun-bilyong katao sa mundo, ako pa ang naging kamukha ng dati niyang kasintahan?Nahiga na ako sa malaking kama. Sa sobrang lawak niyon, ramdam ko agad ang gapang ng lamig ng gabi. Balak ko sanang matulog nang maaga suba

  • The wife he never loved   Chapter 029

    Hindi ako makagalaw nang hawakan ko ang malapot at mainit na dugong umagos sa pagitan ng aking mga hita.Napahikbi ako sa matinding takot.𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑎𝑎𝑎𝑟𝑖... 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑘𝑜!𝐺𝑎𝑙𝑒, 𝑖𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑚𝑜? 𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑘𝑎 𝑛𝑔𝑎 𝑏𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛? 𝐾𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛..."Nicole!"Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Aling Juliet na mabilis na dinaluhong ang kinaroroonan ko. Nanginginig ang aking mga kamay, pilit na pinatitigil ang walang humpay na pag-agos ng dugo na tila ba doon din nauubos ang huling lakas ko."Aling Juliet... ang anak ko," nahihirapang wika ko, halos maghabol ng hininga.Muli akong napahikbi nang lumuhod siya sa tapat ko at yakapin ako nang mahigpit. Bakas ang purong pag-aalala sa kaniyang mga mata."Tulong... Tulungan niyo kami..."Unti-unti nang nanlabo ang aking paningin habang ang ingay sa paligid ay unti-unti ring nagiging malabo sa aking pandini

  • The wife he never loved   Chapter 028

    Ang boses ni Gale ay yumanig sa buong sulok ng kusina, tila isang kulog na nagdala ng matinding bagyo. Halos mapatalon ako sa takot at awtomatikong nabitiwan ko ang basong hawak ko. Lumikha iyon ng matalim na tunog nang mabasag sa sahig, kasabay ng pagsabog ng tubig sa paligid ng aming mga paa.Mabilis na bumaba ang mga kamay ni Mike mula sa aking balikat. Hinarap niya si Gale na ngayon ay mabibigat ang hakbang na lumalapit sa amin. Nanlilisik ang mga mata ng aking asawa, umigting ang panga, at ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit na tila ba handang pumatay anumang oras."G-Gale..." kinakabahang untag ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin. Halos magbuhol ang aking dila sa tindi ng kaba habang nakatitig sa nagbabago niyang anyo.Sininghap ko ang natitirang hangin sa aking baga nang bigla niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang—isang marahas at biglang pagkabig na walang kahit anong bahid ng lambing. Pagmamay-ari. Iyon ang isinisigaw ng kaniyang hawak. Halos

  • The wife he never loved   Chapter 027

    Halos hindi ako makahinga. Ang bawat salitang binitawan ni Gale ay parang patalim na isa-isang tumutusok sa aking puso—bawat talas ay may hatid na mas malalim at mas gumigiit na sakit. Wala na talagang lugar o hangganan ang pamamahiya niya sa akin; handa niya akong tapakan kahit sa harap ng ibang tao.Napasulyap ako kay Mike. Hindi na ngayon maipinta ang kaniyang mukha dahil sa narinig mula sa kaniyang pinsan. Tumingin siya sa akin nang diretso, tila may inaasahan siyang reaksyon o depensa mula sa aking mga labi, ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ni hindi ko magawang itaas ang aking ulo, tila ba isang pusang takot na takot sa kaniyang amo.Dahil doon, malinaw kong nakita ang panandaliang pagkadismaya na dumaan sa mga mata ni Mike. Umigting ang kaniyang panga sa matinding pagtitimpi. Ngunit bago pa muling bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, mabilis nang sumabat si Rayjee na kanina pa tahimik na nagmamasid."Magsiupo na kayo. It's time to eat," pinal at maawtoridad na utos ni

  • The wife he never loved   Chapter 005

    Hindi natuloy ang paglabas namin dahil sa aksidenteng nangyari.Nakita ni Crystal Salazar ang nangyari, asawa siya ni Rage na unang Salazar ng bahay. May nag-iisa silang anak, si Rayjee Salazar, asawa naman ni Glenda Salazar. Mga magulang ni Gale Rey Salazar, na nag-iisang tagapagmana ng ari-arian

  • The wife he never loved   Chapter 004

    I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m

  • The wife he never loved   Chapter 003

    “I don’t want a toy anymore.” Sigaw ng bata. Gamit ang maliit na kamao ay pinagsusuntok niya ang ama sa mukha. Sinangga naman ni Gale ang suntok ng anak. “Stop it kiddo.” Malumanay na utos niya sa anak. Never niyang sinigawan o pinagalitan ang bata. Kaya lumaki itong walang kinakatakutan kung hin

  • The wife he never loved   Chapter 002

    Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status