LOGINNapatigil ako sa paglalakad bago dahan-dahang umikot paharap sa kanila.Doon ay nakita ko si Nate, isang dangkal na lang ang layo sa akin. Puno ng determinasyon at kakaibang ningas ang mga mata niya.Nasa likuran niya si Gale, pulang-pula ang mukha at tila handang makipagpatayan sa tindi ng pagkakatitig sa kapatid niya. Umigting ang panga nito habang mabilis na tumataas-baba ang dibdib dahil, marahil, sa matinding selos.Bumigat ang paghinga ko nang ibalik ko kay Nate ang tingin ko. Nagsimula ring manlamig ang mga palad ko.Hindi ko siya maintindihan kung bakit kailangan pa niyang makisali rito, gayong hindi na nga maganda ang relasyon nila ni Gale.Bumilis ang tibok ng puso ko nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin.Para bang lumayo ang lahat sa paligid ko dahil sa biglang pagbagal ng oras.Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang may kakaiba?Napakagat-labi ako nang mariin habang nanginginig ang mga daliri ko. Kung ano man itong bwisit na nararamdaman ko, sigurado akong d
Diretso akong nakatingin sa harap habang umaandar ang sasakyan.Napakalakas ng kabog ng puso ko, para bang nagwawala ito sa loob ng dibdib ko."Mommy..." tawag ng anak ko kasabay ng marahas na paghatak sa suot kong bestida.Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya, pilit na pinapalambot ang mga mata ko para sa kaniya kahit naninikip ang lalamunan ko.Namumungay ang mga mata niya dahil pilit niyang nilalabanan ang antok.Inalalayan ko siya habang lumilipat sa mga hita ko, saka siya sumiksik sa akin."What's wrong, honey?" malambing na tanong ko habang nanginginig ang mga daliri ko sa pag-ayos ng buhok niya."Is it true that Daddy is going to have another child?" tanong niya, basag ang boses at puno ng lungkot.Napayuko ako para salubongin ang nag-aalalang mukha ng anak ko, habang unti-unting nanlalamig ang mga kamay ko."A-Anak—""Narinig ko po, Mommy... Nakabuntis si Daddy ng iba, sabi mo."Kumuyom nang husto ang mga kamao ko hanggang sa bumaon ang mga kuko ko sa palad ko. Ano bang katang
Hindi ko namalayang ganoon kabilis lumipas ang oras.Parang kahapon lang nang isugod si Rage sa ospital, ngunit narito na kami ngayon sa loob ng malamig na simbahan.Nakahimlay ang kulay-gintong kabaong sa harap ng altar, pinaliligiran ng matataas at mamahaling flower arrangements mula sa mga business partner, kamag-anak, kaibigan, at iba pang taong naging bahagi ng buhay niya.Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.Hindi ko alam na ganoon pala karami ang kaibigan at kakilala ng matanda. Halos mapuno ang buong simbahan sa dami ng mga taong dumalo upang magbigay-galang sa kaniya sa huling pagkakataon.Sa unahan, kasama ko ang buong pamilya Salazar. Lahat sila ay mugto ang mga mata sa kaiiyak. Ang iba ay nakayuko at tahimik na nagdadasal, may mga nagpipigil ng hikbi, at may mangilan-ngilan ding hindi na napigilan ang paghagulgol sa kalagitnaan ng misa habang nagdadasal ang pari.Hindi ko maiwasang mapatitig sa asawa ko. Kanina pa siya tulala habang nakatingin sa kabaong ng lolo niya. N
Suot ko ang isang simpleng itim na midi dress na may mahabang manggas at square neckline. Maayos ang pagkakayakap nito sa aking baywang bago bahagyang lumuwag pababa, na nagbibigay-diin sa mga kurba ng katawan ko nang hindi nagmumukhang masikip. Ang matte na tela nito ay walang anumang palamuti, maliban sa malinis at pinong mga tahi na lalong nagbigay rito ng elegante at disenteng anyo.Ipinares ko iyon sa itim na closed-toe heels at isang maliit na handbag. Nakapusod nang mababa ang buhok ko, habang kaunting makeup lang ang inilagay ko sa mukha ko. Tanging ang infinity necklace na bigay ni Gale ang suot kong alahas.Sa harap ng salamin, nakita ko ang isang babaeng maayos ang pananamit at tila walang anumang problemang dinadala. Ngunit sa likod ng mahinahon kong anyo ay ang panginginig ng mga daliri ko at ang pagkakagulo ng sikmura ko sa sobrang kaba. Naroon ang bigat ng mga pangyayaring hindi ko na kayang baguhin—at ang matinding sakit ng nalalapit na pamamaalam sa isang taong naging
Naramdaman kong marahan niya akong ibinaba sa malambot na higaan.Hindi pa ako tulog. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko dahil wala akong lakas ng loob na salubungin ang mukha niya sa tindi ng kahihiyan.He fucking rejected me.Paano ko pa siya niyan haharapin?Hihintayin ko na lang siguro nalqqqp umalis siya. Dahil kasi sa sinabi niya, parang hinigop niyon ang natitirang kalasingan at lakas sa loob ko.Ewan ko ba kung bakit ko naisip iyon. Bakit ko inakalang maaari akong mahulog sa kaniya at kaya niya akong saluhin?I'm just overwhelmed by everything that's happening between me and my husband. He's cheating on me, and I was looking for someone who could hurt him the way he hurt me.Pero imposible ang iniisip ko. Si Gale, sasakit kaya ang dibdib kapag nalaman na may iba na akong pinagbuhuntunan ng atensyon? Busy siya masyado kay Samantha para magselos sa kung sino man ang mahalin ko. Dahil wala naman siyang pakialam sa akin ni katiting.Akala ko ay aalis na siya pagkatapos niya akon
"Fuck them all!" I shouted.Nasa loob ako ng pribadong bar na nakatago sa loob mismo ng malaking Mansion.Sumisikip nang husto ang dibdib ko. Parang tuluyan nang gumuho ang mundong matagal kong inalagaan at pinagpuyatan kasama sina Gale at Niko. Lalo na nang tuluyang lumapag sa isip ko ang katotohanan.Buntis si Samantha.Maling-mali na isipin kong maaari ko pang baguhin ang sarili ko o maging sunud-sunuran noon para lang maging perpekto. Kung sana noong una pa lang ay nagpakatotoo na ako sa sarili ko, hindi na sana ako muling naloko sa ikalawang pagkakataon.Si Xavier noon, ikinasal kay Mia nang patago. Inilihim niya ang lahat dahil ako naman daw talaga ang mahal niya; ginamit lamang niya ang katawan ni Mia, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabuntis ito.Ayaw niyang malaman kong may iba siyang pananagutan para lang hindi ko siya iwan.At ngayon, hindi ko akalain na sa sarili kong buhay ay mauulit ang bangungot na iyon.Pinakasalan ako dahil sa anak, dahil sa sitwasyon. Pero
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit
I never expect na mapapagod din pala ako sa kanya, na susukuan ko rin pala siya sa huli. “Thank you Mike.” Saad ko sa kaibigan. “Are you really sure about this?” May lungkot sa mga mata niya. “Yes, sure na ako!” Nakangiting sagot ko. Tumango siya. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang sadya ko ay
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m
“I don’t want a toy anymore.” Sigaw ng bata. Gamit ang maliit na kamao ay pinagsusuntok niya ang ama sa mukha. Sinangga naman ni Gale ang suntok ng anak. “Stop it kiddo.” Malumanay na utos niya sa anak. Never niyang sinigawan o pinagalitan ang bata. Kaya lumaki itong walang kinakatakutan kung hin







