Chapter Eighty-SixDahan-dahan kong naramdaman ang pagbaba ng kaniyang mga palad patungo sa aking likod, marahang hinahaplos ang bawat bahagi ng aking gulugod na tila ba binibilang niya ang bawat buto, sinisiguradong narito nga ako sa kaniyang piling. Ang kaniyang halik ay nanatiling mabagal, banayad, at may dalang lalim na unt-unting nagpapabura sa ingay ng labas ng mundo. Walang nagmamadali. Sa unang pagkakataon, hinayaan ni Alexander na ang oras ang sumunod sa amin, hindi ang kaniyang mga utos.Nang ihiwalay niya ang kaniyang mga labi, hindi siya lumayo. Nanatiling magkadikit ang aming mga ilong, at ang kaniyang malalalim na paghinga ay dumarampi sa aking mukha."I missed you, Rosita," pabulong niyang pag-amin, ang kaniyang boses ay may dalang gasgas ng emosyong matagal niyang itinago sa ilalim ng kaniyang pagiging bilyonaryo. "More than I care to admit. The penthouse was freezing without you. Every room felt like an empty tomb.""Kasalanan mo rin naman," mahina kong sagot, may bah
Read more