FAZER LOGIN“Sol… gising ka pa ba…?” pabulong na tanong ni Cris. Hindi na siya nasagot ni Sol. Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan si Sol na tuluyan nang nakatulog sa tabi niya at nakasandal pa rin sa braso niyang nangangawit na. Mahimbing at payapa na nakatulog si Sol sa ilalim ng malamig na hangin sa rooftop katabi ng kanyang minamahal. “Napagod ka siguro sa biyahe…” bulong niya habang marahang inaayos ang buhok ni Sol na tumatama sa mukha nito. Maingat niya itong binuhat. “Ang gaan mo lang…” mahina niyang biro habang dahan-dahang bumababa ng hagdan, iniiwasang magising si Sol. Pagdating sa kwarto, inilapag niya si Sol sa kama, inayos ang pagkakahiga nito at marahang kinumutan. Saglit siyang napatingin dito at hinalikan niya sa noo. Bahagyang gumalaw si Sol. “Dito ka muna matulog… doon na ako sa sala. Goodmornight… babe…” bulong niya bago siya tumalikod, pinatay ang ilaw at lumabas ng kwarto. … “Arf… arf… arf…” “Hmm…” napakunot ang noo ni Sol habang nararamdaman niya na may hum
“Kuya… may orders pa? Sarado na tayo ah…” tanong ni Bella habang pababa ng hagdan, kasunod si Anton na napakunot ang noo. “Pwede n’yo ba akong tulungan… darating si Sol, kasama niya ang kapatid niyang manager ng isang hotel,” sagot ni Cris habang abalang-abala sa kusina. “Hala… talaga kuya, dadalaw si Ate Sol?” napangiting tanong ni Bella, halatang excited. “Sabi ko nga… kaya ano pa hinihintay n’yo diyan, dali tulungan na ninyo ako.” “Alright, kuya…” sagot ni Anton habang agad kumilos. Hindi na sila nag-aksaya ng oras, mabilis silang nagtrabaho hanggang sa matapos ang lahat ng putahe. Inayos ni Cris ang plating bago inilapag sa hapag-kainan ang mga pagkain. Rice at mashed potato… Soup na tinolang halaan na umuusok pa… Appetizer na ensaladang talong na may salted egg… Main dish na chicken ala pobre na kumikintab sa sarsa… At dessert na broiled banana at ripe mango slices na parang sa isang sosyal na restaurant ang dating. Natapos nila ang lahat at may sampung minuto pa si Cr
“Cris… okay lang ako. Nag-worry ka ba masyado? Sorry kung biglaan pag-alis ko ha… message lang muna tayo, I can’t call, baka marinig ako ni erpats ko… grounded nila ako…” Napahinto si Cris sa pag-aayos ng sirang mesa sa likod ng bodega. Mabilis siyang nag-type ng reply. “Syempre naman nag-worry ako… pero salamat at nag-reply ka na. I understand… sana maayos mo na yung misunderstandings mo sa parents mo kung ano man ‘yan…” Hindi siya umalis sa screen. Nakatitig lang siya, naghihintay. Pagkatapos ng ilang segundo… may reply. “Hindi ba masyado abala diyan… nawalan ka pa naman ng magandang cashier… hay… ano ba ‘yan… wala pa nga 24 hours, miss na kita…” Napangiti si Cris, napailing habang napapakamot sa ulo. “Miss din kita… kulang ang araw dito sa karinderya kung wala ka. Pero hindi kami nagbukas ngayon… may hangover din kasi ang lahat kaya pinagpahinga ko na lang muna sila…” Mabilis ang reply ni Sol.
“Uy… relax lang… hinga ka muna…” agad na sabi ni Cris nang makita si Dianne na halos hingalin sa pagdating sa karinderya. “Naku… wait lang…” hingal na sagot ni Dianne habang hawak ang dibdib niya, saka sumandal sa dingding. “Anong meron… may hinahabol ka ba o may humahabol sa’yo…” biro ni Cris pero halatang nag-aalala ang tono. “Bakit naparito ka, may naiwan ka sa van?” Umiling si Dianne at tumingin diretso sa kanya. “Si Sol…” Napahinto si Cris sa ginagawa. “Anong nangyari kay Sol…” Huminga muna ng malalim si Dianne bago nagsalita. “Hindi na siya makakapasok simula bukas…” “Ha… bakit…” agad na tanong ni Cris, napakunot ang noo. “Sinundo na siya ng dad niya pagtalikod lang ninyo, dumating ang daddy niya… pinauwi na siya sa kanila…” Parang biglang huminto ang oras. Napatitig si Cris sa sahig bago siya napangiti ng pilit. “Ganun ba… hindi niya rin siguro in-expect na masusundan siya dito
Nag hahanda na sila umuwi.. Before they left the resort, namili muna sila sa souvenir shop. Habang abala ang lahat sa pamimili ng mga souvenir items, pasimpleng lumapit si Cris kay Sol. Tahimik niyang hinila palabas, pumunta sila sa likod ng shop. “Bakit ba… ano ginagawa natin dito..?” tanong ni Sol habang kinakabahan, pasulyap-sulyap sa paligid habang hawak pa siya ni Cris sa kanyang kamay. “So ano na?” tanong ni Cris habang huminto sila sa likod ng shop. “Ang alin?” sagot ni Sol. Napahawak si Cris sa batok niya. “Yung about kagabi…” Namula ang pisngi ni Sol. “Ha… kasi…” napakagat siya sa labi niya. “So… tayo na ba?” “Hala.. ang bilis naman… hindi ka naman nanligaw ah.” pabebeng sagot ni Sol habang napangatngat sa kanyang kuko sa hinlalaki. “Kailangan pa ba yun.. naghalikan na tayo, diba..” “Hoy… ano ka ba… baka may makarinig sa’yo.” Napangiti si Cris.
“ Oh… saan ka galing… bakit ang tagal mo nakabalik? ” nagtatakang tanong ni Dianne. “ Sorry… biglang sumama kasi ang tiyan ko… ” Bago pa siya makaupo, nasulyapan niya si Cris na papalapit na rin sa table… bigla siyang nagpaalam. “ Guys… masama pa rin talaga… ” “ Baka nausog ka, ija… ” singit ni Nanay Delia. “ Ewan ko po, Nay… baka po… ” “ Mas mabuti siguro magpahinga ka muna, Sol… ” dugtong ni Manang Hilda. “ Pagod lang din ako siguro… mabuti siguro mauna na lang ako sa inyo… pero stay lang kayo dito, enjoy lang kayo, huwag ninyo akong isipin… ” “ Sige na… mabuti pa nga ipahinga mo muna ‘yan… nanibago ka siguro… ” dugtong ni Dianne. “ Ate, samahan na kita… medyo masakit na rin ulo ko… ” dagdag ni Bella. Saka dumating si Cris sa mesa. “ Oh… ikaw naman, saan ka galing? ” biglang tanong ni Dianne kay Cris. Saglit nagkasalubong muli ang tingin nila ni Sol… sabay din silang umiwas agad. “ Nag-CR lang… bakit ba? ” “ Wala lang… ” “ Kuya, mauna na muna kami ni Ate Sol, balik sa







