LOGIN“Dianne… saan mo nga ulit binili ‘yung pagkain kagabi?”
Napalingon si Dianne mula sa kinakain niyang tinapay, saka ngumiti nang may halong panunukso. “Bakit… iniisip mo pa rin? Hindi ka talaga maka move on..” “Hindi ah,” mabilis na sagot ni Sol habang kunwari’y abala sa pag-aayos ng buhok, “gusto ko lang i-check kung consistent.” “Consistent?” natawa si Dianne, “food critic ka na ngayon?” “ Baka nakalimutan may ari ng hotel at restaurants pamilya namin…Syempre alam mo na dapat maging curious ako when it comes to foods.. " " OO na.. hindi na ako makikipagtalo sa'yo. Nakalimutan ko na Miss Heiress ka pala.. " sagot ni Dianne " So ano.. sasama ka ba o hindi?” “Tara na nga,” sagot ni Dianne habang tumatayo, “pero aminin mo… nagustuhan mo talaga.” “Hindi ko pa sinasabing babalik ako dahil masarap,” sagot ni Sol, pero nauna na siyang lumabas ng pinto. Ngumiti si Dianne at sumunod. Ilang minuto lang ang lumipas ay narating nila ang isang kanto na mas buhay kaysa inaasahan ni Sol. “Dito?” tanong niya habang nakatingin sa karatulang nakasabit. Karinderya sa Kanto. Hindi engrande, hindi sosyal, pero puno. Literal na punong puno, dinadagsa ng mga tao ano mang estado sa buhay. May pila sa labas, may usok na sumisingaw mula sa kusina, at may halo-halong amoy ng bawang, sibuyas, at sabaw na parang may sariling buhay. “Grabe…” bulong ni Sol habang nakatingin sa paligid. May mga professionals, naka-uniform na estudyante, may naka-tsinelas, at may ilang kotse na naka-park sa gilid. “Dianne… bakit parang hindi lang basta karinderya ‘to?” “Sabi ko sa’yo sikat ‘to dito,” sagot ni Dianne habang pumipila. Biglang may sumingit sa harap nila. “Excuse me, nauna ako,” reklamo agad ng isang lalaki. “Hoy, walang reserved dito!” sigaw ng isa pang customer mula sa likod. Napatingin si Sol sa eksena, bahagyang nanlaki ang mga mata. “Grabe… ganito sila dito?” “Totoong buhay ‘to, wala to sa mundo mo” natatawang sagot ni Dianne. Habang unti-unting umaabante ang pila ay napapatingin si Sol sa loob. Hindi niya makita nang maayos ang kusina, pero rinig niya ang tuloy-tuloy na galaw. May kumakalansing na sandok, may sumisitsit na mantika, at may boses na nagbibigay ng utos. “Manang Hilda, bantayan mo ‘yung sabaw!” Napahinto si Sol. Parang… pamilyar ang boses na kanyang narinig. “Gemma, may na-miss ba tayong order?” muling tanong ng boses. “Ayos na po lahat, bossing!” sagot ng isang babae mula sa loob. “Kuya, alis na kami!” sigaw ng isang dalagitang palabas ng karinderya. “Sandali,” sagot ng parehong boses, “ingat kayo… uwi agad pagkatapos ng klase, walang lakwatsa.” “Noted yan, kuya… ewan ko lang dito kay Bella,” sagot ng isang binata na may halong biro. “Hoy!” reklamo ng babaeng tinawag na Bella. Napakurap si Sol. “Dianne…” mahina niyang sabi, “parang narinig ko na ‘yung boses na ‘yon.” “Baka gutom ka lang,” sagot ni Dianne habang inaabot ang tray. Nang sila na ang oorder ay halos hindi na makapag-isip si Sol. “Ano po?” tanong ng tindera. “Uh… same na lang sa kanya,” sagot niya habang itinuturo si Dianne. Kinuha niya ang tray at naupo sila sa isang bakanteng mesa. Masinsinan niyang tinitigan ang pagkain. Simple, walang plating. Walang arte. Pero may amoy na parang hinihila siya pabalik. Kumuha siya ng unang subo. At doon siya napahinto. Napatingin siya sa kutsara… saka muling sumubo. “Hindi pwede…” bulong niya, “bakit ganito kasarap ‘to?” Ngumiti si Dianne habang kumakain. “Sabi ko sa’yo eh.” “Hindi ito normal,” dagdag ni Sol habang muling sumusubo, “hindi ito pang-karinderya.” Habang abala siya sa pagkain ay muling narinig ang boses mula sa kusina. “Nilo, bantayan mo ‘yung apoy… huwag mong sunugin ‘yan.” Muling napatingin si Sol sa direksyon ng kusina. Parang mas malinaw ngayon. Parang mas malapit. Biglang may isang customer na nagreklamo. “Boss! Mali ‘yung order ko!” Nagkaroon ng kaunting ingay. “Sandali lang po,” sagot ng isang staff. “Hindi, hindi… hindi ito ‘yung inorder ko,” dagdag ng customer na medyo mataas ang boses. Maya-maya ay may lumabas mula sa kusina. “Anong problema?” tanong ng lalaki habang papalapit. Napalingon si Sol. At sa sandaling iyon… Nagtama ang mga mata nila. Biglang paramg tumigil ang oras. “...Ikaw?” sabay nilang nasabi. Nanlaki ang mga mata ni Sol habang nakatitig kay Cris. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cris, halatang hindi makapaniwala. “Ano bang ginagawa mo dito?” balik ni Sol, mabilis pero halatang nagulat. “Trabaho ko ‘to,” sagot ni Cris habang nakataas ang kilay. “Trabaho mo…?” napatingin si Sol sa paligid, saka bumalik ang tingin sa kanya, “ikaw… ang nagluluto dito?” “Bakit, may problema ba?” sagot ni Cris, bahagyang lumapit. Napatingin si Sol sa hawak niyang pagkain… saka muli kay Cris. Parang may biglang nag-connect. Parang may biglang nagbago. “Hindi…” mahina niyang sabi, “imposible…” “Anong imposible?” tanong ni Cris. Hindi agad sumagot si Sol. Sa halip ay napalunok siya, saka muling tumingin sa pagkain… at sa lalaki sa harap niya. At sa unang pagkakataon… Hindi niya alam kung alin ang mas nakakagulo sa kanya… Yung lasa ng pagkain… O yung binatang may hawak na sandok na kaharap at nakatitig sa kanya ngayon.“Ate Sol… seryoso ka ba talaga dito?” Nasa loob na ngayon ng karinderya si Sol habang kaharap ang kambal sa isang mesa malapit sa counter. Katatapos lang ng lunch hour kaya hindi na ganoon kaabala ang paligid. Nakapatong sa mesa ang dala niyang paper bag na puno ng chocolates at pasalubong para sa lahat. Samantala, si Brownie paikot ikot sa paanan niya habang kinakagat ang laylayan ng floral dress niya. “Brownie… behave…” natatawang sabi ni Sol habang sinusubukang hilahin ang bestida niya. “Hindi mo kami madadaan sa chocolate ha,” taas kilay na sabi ni Bella habang naka cross arms. “Explain yourself first.” “Ano ka ba Bella…” singit ni Anton habang binubuksan na agad ang isang imported chocolate bar. “May pasalubong na nga sa atin oh.” “Prosecutor ako dito ngayon, kaya tumahimik ka.” Napabuntong hininga si Sol saka tumingin isa isa kina Nilo, Gemma, Tim, at Manang Hilda na tila audience sa isang barangay hearing. “Sorry…” Natahimik silang lahat. “Kailangan kong magk
Pagkauwi ni Cris galing Maynila, deretso siya sa kwarto niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang bag sa gilid ng kama bago umupo sa gilid nito..Napatingin siya sa suot niyang red string bracelet sa pulso. Yung twinning bracelet nila ni Sol..Matagal niya iyong tinitigan habang bumabalik ang masasayang alaala nila ni Sol. Naalala niya kung gaano kasaya si Sol sa beach nung ipinilit nitong isuot iyon sa kanya habang nagtatago sila sa likod ng souvenir shop. “Huwag mong iwawala ’yan ha… lagi mong isusuot. Meron din ako…” “Ang sweet mo naman…” Napapikit siya sandali saka marahang hinubad iyon mula sa braso niya. Pagkatapos, binuksan niya ang bedside drawer. Kasama ng bracelet, inilagay rin niya doon ang mga folders at calling card na bigay ni Eugene. Marahan niyang isinara ang drawer. At sa unang pagkakataon matapos ang magulong araw na iyon sa Manila, napahiga siya sa kanyang kama at tumitig sa kisame. Pero kahit anong pilit niyang huwag isipin si Sol… Mukha pa rin nito ang laman ng is
“Paanong nangyaring natuklasan nila…?” tulirong tanong ni Sol habang ka-video call si Dianne. Nakaupo siya sa gilid ng kama. “Hindi ko pa alam,” sagot ni Dianne. “May nag-iwan daw ng brown envelope na may lamang pictures ninyo ni Eugene at impormasyon tungkol sa’yo. Pero kung sino man ’yon, makakaasa kang aalamin ko. Siguradong may inggit sa’yo ang taong ’yon.” “Sa tono mo Dianne… parang may naiisip ka kung sino?” dugtong agad ni Sol. Napakagat labi si Dianne saka napaisip. “Hmmmm… hindi ko lang sure paano niya nagawa, pero hindi malabo. Kasi marami siyang kilalang elite noon at dati rin siyang nagtrabaho sa hotel ni Eugene…” Napahinto siya. Biglang may parehong pumasok na pangalan sa isip nilang dalawa. “Si Grace…” Halos sabay nilang nasabi. “Besh… siya rin kutob mo?” tanong ni Dianne. Tumango si Sol. “Nakwento sa’kin ni Bella na naging empleyado siya dati sa Hotel D’Lusso. Hindi malayong kilala niya si Eugene.” “Hay naku talaga…” napapamewang na sabi ni Dianne kahit nasa
Dahil ayaw ni Sol na nakabuntot na naman sa kanya ang mga bodyguards buong araw dahil hindi siya sinundo ni Eugene, hindi na siya pumasok sa office ng kumpanya nila sa Manila sa araw na iyon. “Dianne… sobra na ’ko nag-aalala, hindi pa rin nagpaparamdam si Cris?” hinaing ni Sol sa kaibigan sa video call habang nasa loob siya ng workout room niya sa mansion sa San Andres. “Girl, kung may alam ako sinabi ko na sana agad…” sagot ni Dianne mula sa video call. “Pero kanina pumunta si Nanay sa karinderya para bumili sana ng ulam… sarado daw.” Huminto si Sol sa treadmill at agad pinunasan ang pawis sa noo. “Sarado…?” “Oo… tapos wala rin daw yung kambal kasi mukhang pumasok na sa school. Mukhang umalis din si Cris.” Napabuntong-hininga si Sol, bumaba sa treadmill at naupo sa yoga mat. Buong araw na siyang balisa at bagot na bagot. Mula umaga hanggang tanghali, wala ni isang message si Cris. Hindi rin niya ma-contact at offline din ito. Una inisip niyang baka lowbat lang, pero habang tum
“Oh..Bakit parang gulat na gulat kayo… ano ba ’yan…” tanong ni Cris nang mapansin na tila may tinago agad ang tatlo. “Ah wala ’to bossing… naiwan yata ng customer,” agad na sagot ni Gemma. “Ano pala yung hinahanap mo boss?” tanong ni Nilo. “Yung extra blade ng meat grinder natin?” “Ah… sa cabinet sa stock room boss… teka lang po kukunin ko.” “Sige… ikaw na lang din magpalit nun sa grinder.” “No problem po.” Bumalik agad si Cris sa kusina at naghiwa-hiwalay na rin ang tatlo, nagsibalikan sa kani-kanilang gawain. Samantala, tinapon ni Gemma sa basurahan yung brown envelope kasama ang laman nito. As usual, abala ang araw sa karinderya, ngunit kapansin-pansin ang tila katahimikan nila Nilo at Gemma, at tila hindi sila mapagbiro kay Cris sa araw na ’yun. Kinagabihan, nagsasara na si Cris sa karinderya habang sweet silang nagvi-video call ni Sol. “Sige na, magpahinga ka na d’yan babe… I know pagod ka na at gigising ka pa madaling araw para pumunta sa palengke…” “Ikaw naman, ingat
“Sol… gising ka pa ba…?” pabulong na tanong ni Cris. Hindi na siya nasagot ni Sol. Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan si Sol na tuluyan nang nakatulog sa tabi niya at nakasandal pa rin sa braso niyang nangangawit na. Mahimbing at payapa na nakatulog si Sol sa ilalim ng malamig na hangin sa rooftop katabi ng kanyang minamahal. “Napagod ka siguro sa biyahe…” bulong niya habang marahang inaayos ang buhok ni Sol na tumatama sa mukha nito. Maingat niya itong binuhat. “Ang gaan mo lang…” mahina niyang biro habang dahan-dahang bumababa ng hagdan, iniiwasang magising si Sol. Pagdating sa kwarto, inilapag niya si Sol sa kama, inayos ang pagkakahiga nito at marahang kinumutan. Saglit siyang napatingin dito at hinalikan niya sa noo. Bahagyang gumalaw si Sol. “Dito ka muna matulog… doon na ako sa sala. Goodmornight… babe…” bulong niya bago siya tumalikod, pinatay ang ilaw at lumabas ng kwarto. … “Arf… arf… arf…” “Hmm…” napakunot ang noo ni Sol habang nararamdaman niya na may hum







