Mula sa malaking glass sliding door sa teresa ng ikalawang palapag ng mansyon, nakatayo si Michael.Nakasuot siya ng casual grey sweater at slacks. Ang kaniyang mukha ay mas mature na ngayon, may kaunting linya ng karanasan at edad sa paligid ng kaniyang mga mata, ngunit naroon pa rin ang kaniyang maunawain at napakagwapong kaanyuan.Karga-karga niya sa kaniyang kaliwang braso ang isang apat na taong gulang na batang babae.Ang batang babae ay may mahabang, kulot na itim na buhok, may napakaputing balat, at may malalaking, nagniningning na mga mata na eksaktong kapareho ng kay Loisa.Nakasuot ito ng munting pink floral dress.Si Hope. Ang anak na babae na isinilang ni Loisa sa gitna ng laban sa pagitan ng buhay at kamatayan.“Daddy, why is Dad Gabriel crying?” tanong ng munting si Hope habang nakatingin sa lawn kung saan nakayakap si Gabriel kay Lloyd. “Is he sad? Did he and kuya fight?’Hinalikan ni Michael ang malambot na pisngi ng kaniyang anak na babae. Isang napakapayapa at malam
Read more