Masuk7 YEARS LATER…“May hawak akong alas—malaking alas.”Paulit-ulit na umuukit sa isipan ni Nimfa ang sinabi ni Claire. Pitong taon na ang lumipas, ngunit hanggang ngayon, tangan pa rin niya ang mga salitang iyon na parang kailanma’y hindi kumukupas.“Handa ka na ba?”Mabilis siyang bumalik sa reyalidad nang marinig ang tinig ng asawa. Nakalabas na pala ito ng sasakyan at nakabukas na ang pinto sa gilid niya.Marahas siyang bumuntong-hininga bago tumango. Inalalayan pa siya ng asawa na makababa ng sasakyan “Ano raw ba'ng nangyari kay ‘Nay Sylvia?” tanong niya sa asawa kapagkuwan.“Hindi ko pa alam, wifey. Hindi ko na natanong si Tonette dahil sa kaba. Halika na at para masagot na ang katanungan mo.”Tanging tango lang ang itinugon ni Nimfa sa asawa. Ipinagsalikop pa nito ang kanilang mga kamay bago sila naglakad papasok sa ospital na nasa harap nila.Dumiretso sila sa nurses’ station at inalam kung nasaan ang nanay-nanayan nila. Nang ipaalam sa kanila ang numero ng kuwarto nito, agad si
“Galit ka pa rin ba sa akin, wifey?” Mabilis na napalingon si Nimfa sa asawa. Kasalukuyan silang nakahiga sa kama habang nakatabon ang kumot sa kanilang mga hubad na katawan.Marahas na bumuntong-hininga si Nimfa bago bahagyang umupo sa kinalalagyan. “Hindi naman ako magagalit sa iyo kung hindi ganoon ang reaksyon mo. Tama ka, nanghihinayang ako sa ibinigay ni mamá. Kasi saan ka makakapulot ng isang milyon? Iyon lang ang ikinatatampo ko, hubby. Masyado kang nagpadala sa sitwasyon, nauwi tuloy sa hindi pagkakaunawaan,” pahayag niya kay Zachary habang nakatitig sa kisame.Sandaling walang imik ang asawa bago niya naramdaman ang masuyo nitong paglapit sa kaniya. Bahagya nitong inayos ang buhok niya, sinigurado nitong walang matitira sa mukha niya.Lumunok siya bago ito binalingan. At mula sa mukha nito, wala siyang ibang makita kundi ang pagsisisi.“Nagkamali ako, wifey. Tama ka nga, nagpadala ako sa sitwasyon kaya ganoon agad ang reaksyon ko. Nagalit ako, na sana'y kalmado lang dapat
“‘Wag mong hayaang matapos ang araw na ito na hindi kayo nagkakaayos ng asawa mo. Please Zachary, fix that matter immediately.”Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Zachary bago umiling. “Para rin naman sa kaniya ang sinasabi ko, ‘nay. Ano po ba'ng mali sa sinabi ko na ‘wag na siyang tumanggap ng kahit anong regalo sa may koneksyon sa kaaway namin? ‘Yon lang naman po ang sinabi ko,” sambit niya habang unti-unting namamasa ang mga mata.“Tell me what happened, Zachary.”“Binigyan po ng cheke ng ina ni Marcus si Nimfa. P-Para po kay Zacharias. Kinuha ko po ‘yon tapos… tapos pinunit ko. ‘Nay, naintindihan mo ba ako? Mali ba ang ginawa ko?” At tumulo ang ilang butil ng mga luha sa magkabila niyang pisngi.“No, Zachary. What you did wasn't wrong. You're just being protective to your wife, and I understood you. Bilang asawa, ang gusto mo lang ay kaligtasan ng mahal mo. Wala kang mali na ginawa.”Tumango siya. “S-Salamat po, ‘nay. Sinubukan ko pong ipaintindi ‘yan sa kaniya, pero… pe
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Unti-unti ring nakatagpo ng katahimikan ang kanilang mga buhay, kahit nananatili pa ring malapit sa kanila ang mga taong nais silang saktan.Si Nimfa, mas pinili na lamang na umiwas sa anumang gulo. Samantala, si Zachary ay walang ibang ginawa kundi ang bantayan at paulit-ulit na paalalahanan siya na mag-ingat. Wala naman siyang ibang magawa kundi sundin ang asawa, lalo pa't kung iyon ang ikakabuti niya.“Sasama ka sa akin?” nangingiting tanong ni Sylvia kay Zacharias habang karga niya ito.Tumawa lang ang anak at nang subukan itong kunin ng nanay-nanayan niya, walang pag-aalangan itong sumama. “Oh my God! You're so sweet. Nimfa, ako na muna ang bahala kay Zacharias. Go greet your guests.”Malapad niyang nginitian ang matanda. “Salamat po, ‘nay. Kapag pagod na po kayo, tawagin niyo lang po ako.”“Hindi ako mapapagod kay Zacharias, I swear.”Natawa na lamang si Nimfa sa sinabi ng matanda. Mayamaya'y nagpaalam na siya rito upang batiin at asikasu
“Of course not,” mabilis na depensa ni Marcus sa asawa. “Hindi? Binanggit mo ang pangalan niya, Marcus. ‘Wag mo nga akong gawing—”“Baka imahinasyon mo lang ‘yon,” aniya bago nagsimulang magbihis kahit bahagyang kumikirot ang katawan niya dahil sa pagbagsak niya kanina.Pero tila hindi nakampante ang asawa. Bumaba ito sa lamesa bago siya sinampal ng ilang beses sa mukha at sunod-sunod na pinaghahampas sa kaniyang dibdib.Hindi kumibo si Marcus, hinayaan niya lang ang asawang saktan siya habang wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. Nang mapagod, nanghihina itong bumagsak sa lapag.“Niloloko mo ako, Marcus. Paano mo nagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan kita tapos ito ang gagawin mo?”Umiling siya bago lumuhod sa harap nito. “I didn't cheat on you, baby. Wala akong binabanggit na pangalan ni Everly. It… it could be your imagination. I was shouting your name, not Everly’s.”“Hindi ako bingi, Marcus.” Iling ng asawa. “Sa bibig mo na mismo nanggaling, Marcus. Umamin ka na lang sa akin, nilo
Natatawang umiling si Marcus bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.“What… what did you say?” tanong niya sa asawa, natatawa pa rin.“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Marcus? Naamoy ko sa inyo ni Marco ang bruhildang Nimfa na ‘yon. Ano'ng ginawa mo, Marcus? Nakikipaglandian ka ba sa dati mong asawa, ha?!” Natawa na naman si Marcus. “A-Ako, nakikipaglandian sa kaniya? Are you out of your mind, Claire? Pinakasalan pa kita kung—”“Sabihin mo na lang ang totoo!” hiyaw ng asawa.Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan na ikinatigil ni Marcus. Halos isang minuto siyang walang kibo bago marahas na bumuntong-hininga.“Nakasabay ko sina Nimfa at Zachary sa ospital. Si Dr. Salazar din ang pediatrician ng anak nila.” Huminto siya, sandaling tinitigan ang asawa sa mga mata nito bago ikinuwento ang lahat-lahat ng nangyari.“Ano'ng pakiramdam na muli mong nakausap at nakatabi ang dati mong asawa?” nakangising tanong ni Claire sa kaniya.Napa-amang siya. “Ano? Anong klas







