Share

Chapter 17

Penulis: PILOSOPOTASYO
last update Tanggal publikasi: 2026-05-03 09:53:20

“S-Seryoso ka ba, Marcus?” natatawang tanong ni Claire sa asawa niya.

Nakangiting tumango si Marcus. “Mukha ba ‘kong nagbibiro? Tutal at para naman kayong mga manok, bakit hindi na lang kayo magsabong? With a twist, of course.”

“Hindi sa harap ng anak ko!” iritadong usal ni Claire bago ibinato sa malayo ang hawak na espada, kapagkuwa'y nilapitan ang anak. “Let's go, Harry, kailangan mo pang gumayak para sa school.”

Nang mawala ang mag-ina, naiiling na ipinatong ni Nimfa ang katana sa lamesa. Na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 30

    Ngumiti si Bryes. “Nandito ako para bisitahin ka, Marcus. I'm glad your wife is here.”“Really? You should’ve called me. I was in an important meeting. Want a drink?” sambit ng asawa niya bago sinalinan ng alak ang basong nasa lamesa nito.Palihim siyang sinulyapan ni Bryes bago bumaling sa asawa niya. “Sure, Marcus.”“Alam kong hindi mo ‘ko mahihindian.” Ngisi ni Marcus bago sinalinan ang isang pang baso bago nito ibinigay sa kaibigan. “Kampay?”Tumango si Bryes kaya pinag-umpog nila ang mga baso nila. Napailing na lang si Nimfa bago sila iwan. Tumungo siya sa terrace, kung saan siya tahimik at malalim na nag-isip.Bagama’t kalmado siya sa panlabas, waring kakawala naman ang puso niya sa dibdib dahil sa matinding kaba. Hindi magandang ideya na mag-inom silang dalawa, lalo na si Bryes. Kapag nalasing ito, baka kung ano ang masabi nito sa asawa niya—lalo pa’t galit na galit ito nang malaman na maayos na sila ni Marcus.Nababahala siya sa maaaring mangyari mamaya. Kung puwede nga lang n

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 29

    “A-Ano’ng sabi mo, Marcus? S-Si Manang Ruby… pátay na?” nanginginig ang boses na tanong ni Nimfa sa asawa, tila hindi maiproseso ang narinig.Tumango si Marcus. “A friend from the forensic team called me. He confirmed the body was Manang Ruby’s.”Napatigil si Nimfa sa rebelasyong binitawan ng asawa. Ilang segundo siyang natigilan, tila hindi maiproseso ang lahat, bago tuluyang rumagasa ang luha sa kaniyang mga mata. At kasabay nang pagguho ng emosyon niya ay ang panghihina ng kaniyang katawan, kaya napaupo siya sa upuang malapit sa kanila.“P-Pa'no ‘yon mangyayari, Marcus? Kasama lang natin si Manang Ruby kahapon. P-Pa'nong pátay na siya ngayon?” gulong-gulo at hindi makapaniwala niyang tanong sa asawa.Umupo si Marcus sa harap niya bago nilagok ang laman ng basong hawak. “Hindi rin ako makapaniwala, Nimfa. Sabi niya, natagpuan si Manang Ruby na nakahandusay sa isang bakanteng lote. Akala ng nag-report sa mga pulis ay natutulog lang siya, pero nang lapitan at tingnan nang mabuti… pát

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 28

    “Hoy, bess, ayos ka lang ba? Kanina ka pang nakatulala riyan,” untag ni Janice na ikinabalik ni Nimfa sa reyalidad.“A-Ano?” tugon niya. Humalakhak ang kaibigan. “May bumabagabag ba riyan sa isip mo? Kanina ka pa kasing parang wala sa sarili. Tingnan mo nga ‘yang ice cream na hawak mo, natutunaw na.”Mabilis siyang nagbaba ng tingin sa ice cream niyang hawak, at tama nga ang kaibigan. Tumutulo na iyon sa kaniyang kamay kaya kinain na niya lahat bago pinunasan ang kamay gamit ang tissue.“Wala naman, bess.”“Wala? ‘Wag mo nga ‘kong lokohin, Nimfa. Nandito si Zachary, hindi mo ‘ko puwedeng lokohin.”Napailing siya bago sinulyapan si Zachary, na kasalukuyang nakaupo sa tabi ni Janice habang abala sa pagkain ng cotton candy. Nasa parke silang tatlo. Tinawagan niya ang dalawa dahil hindi siya mapakali sa bahay ni Marcus, lalo na ngayong mag-isa lang siya roon.Simula pa kahapon, hindi pa rin bumabalik si Manang Ruby. Labis na ang pag-aalala niya para sa matanda. Inakala pa nga niyang uuwi

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 27

    “Ang babaeng may respeto sa sarili, hindi nakikisiksik sa buhay ng may iba nang kinabibilangan.”Natigilan si Claire. Dahan-dahan niyang inangat ang mukha at doon lamang napansing nakatayo na sa harap niya si Manang Ruby, nakapamaywang at matalim ang matang tila kayang butasin ang kaniyang pagkatao.Umismid siya. “Ano'ng sinasabi mo, tanda?”“Pagod na ‘kong magpanggap na walang nakita, Claire. Hindi ko na kayang itago kay Ma'am Nimfa ang relasyon niyong dalawa ni Sir. Marcus. Naaawa na ‘ko sa kaniya.”Natawa agad siya nang mapagtanto niya ang ibig-sabihin ng matanda. “Oh, tapos? Magsusumbong ka sa amo mo? Go on, magsumbong ka. Sa tingin mo masusurpresa siya? Nagkakamali ka, tanda. ‘Wag ka nang mag-aksaya ng panahon na sabihin ang namamagitan sa ‘min ni Marcus dahil alam na niya!”Bumakas ang gulat sa mukha nito. “Alam na ni Ma'am Nimfa na kabit ka ng asawa niya?”“Oo, at alam mo kung ano'ng nangyari? Nagpauto lang naman siya kay Marcus. Sa ‘ming dalawa ni Nimfa, ako pa rin ang mahal

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 26

    “What are you talking about, Nimfa?” naiiling na tanong ni Marcus sa kaniya habang naglalakad palapit. Nang isang dangkal na lang ang layo nito, huminto ito. “I don't have relationship with Cl—”“At talagang magsisinungaling ka sa ‘kin, Marcus? ‘Wag ka nang magpanggap na hindi mo ‘ko niloloko, ‘wag ka nang magpanggap na malinis. Niloloko mo ‘ko, Marcus, ‘yon ang totoo…” lumuluha niyang sambit.“Wala kang ebidensya, Nimfa. Stop accusing me. I am faithful to you, hindi ko magagawang lokohin ka.”Natawa siya. “Talaga? ‘Wag mo ngang baliktarin ang sitwasyon, Marcus. Hindi ako aakto ng ganito kung wala kang ginagawa sa ‘kin. Napakasakit ng ginawa mo, sa araw pa talaga ng third year anniversary natin bilang mag-asawa, nalaman ko ang totoo. Narinig ko mismo sa ‘yo na si Claire ang kabit mo. Kasama mo ang mga kaibigan mo nang araw na ‘yon sa paborito niyong club. Kaya hindi mo na ‘ko maloloko, Marcus. Hindi na ‘ko para magpakatanga pa sa ‘yo. Tanggapin mo na lang ang gusto ko!”Sa huling pagk

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 25

    “Who are you talking to?” seryosong tanong ni Marcus sa kaniya nang makalapit siya sa mga ito.Lumunok siya bago bahagyang ngumiti. “Kapitbahay namin no'n. Nagkausap lang kami tungkol sa mga buhay namin. K-Kayo, sa’n kayo galing?”Umiling ang asawa niya. “Mag-usap tayo mamaya, Nimfa!” madiin nitong asik bago pumasok sa loob.Napakunot-noo siya. Seryoso ang tinig nito. Nakaramdam tuloy siya ng takot. At nang susundan na niya ito sa loob, bigla siyang pinigilan ni Claire sa pamamagitan nang pagharang nito sa daan niya.“Napakadesperada mo talaga, Nimfa. Pati ako, nagawa mong ipàpatay?”“H-Hindi ko alam ang tinutukoy mo, Claire. Wala akong—”“Nagmamaang-maangan ka pa? Akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang taong nasa likod nang pagdukot sa ‘kin kahapon? Inutusan mo ‘yong mga lalaking ‘yon para pahirapan at pagsámantalahan ako. Gan'yan ka na ba talaga kadesperada? Inggit na inggit ka na ba sa ‘kin kaya—”“Wala akong alam sa sinasabi mo, Claire!” depensa niya sa sarili.“Wala? Bakit kilal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status