Share

Chapter 50 - Ride Home

Author: Lirp49
last update publish date: 2026-09-15 20:21:17

PAGPASOK ni Alaric sa bar ay agad niyang hinanap sa paligid si Clara, pero hindi niya ito makita sa dami ng customer. Nang tatawagan na niya ang tauhan ay nakita na niya ito sa wakas, natatakpan ng isang matangkad na lalake.

Humigpit ang hawak niya sa phone at agad na naglakad palapit. Hinawi niya ang lalakeng nakikipag-usap kay Janice.

Nainis ang lalake sabay tingin sa kanya nang masama. "Anong problema mo?!"

"Sorry, may tumulak sa'kin," palusot niya sabay tingin kay Clara. Nanlaki ang mata ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update .....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 80 - Make Love

    HINILA ni Clara ang damit ni Alaric upang sunggaban ito ng halik sa labi. Naramdaman niyang natawa ang binata pero wala na siyang pakialam, malakas ang loob niya ng mga sandaling iyon.Bahagyang umungol si Alaric nang kagatin nito ang ibaba niyang labi, nabibigla siya sa ginagawa ni Clara. Malakas ang loob nito nang mga sandaling iyon at naguguluhan siya kung dapat niya ba iyong ikatuwa o ikabahala?Masiyado silang agresibo sa isa't isa, walang kontrol at ayaw magdahan-dahan.Hindi ganoon ang gusto niyang maalala ni Clara sa 'unang beses' nila.Kaya pinigilan niya ang kamay nitong kulang na lang ay punitin ang damit niya. "Calm down first," aniya habang hinihingal, saka pinagdikit ang noo nilang dalawa. "We need to take it slow, hmm?"Napakunot-noo si Clara, hindi man sang-ayon ay tumango siya. Aminadong medyo agresibo nga siya ng mga sandaling iyon, tila uhaw na uhaw. "Okay."Pareho silang huminga nang malalim at nang magmulat ay muling nagtagpo ang mga mata. Puno ng emosyon at pagna

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 79 - I Want This

    PANAKA-NAKA ang tingin ni Alaric kay Clara, tuluyan na itong nakatulog dahil sa kalasingan. Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang condominium building.Diniretso lang niya ang kotse sa ground floor at matapos maiparada ang sasakyan ay binuhat na niya si Clara, na tinangka niya pang gisingin pero tulog na tulog.Habang nasa elevator ay may nakasabay sila, tila mag-asawa dahil magkahawak kamay at parehong may suot na singsing.Ang babae ay napatitig sa kanila ni Clara kaya tumango siya bilang response. Pagkatapos ay binulungan ng babae ang kasama, "Ang sweet nila, 'di mo na 'ko binuhat ng ganyan. Last pa no'ng honeymoon natin."Lumingon ang lalake at pinagmasdan din sila saka sinagot ang asawa. "Mukha kasing magaan 'yung babae."Hampas sa balikat ang natamo nito mula sa babae. "Sinasabi mo bang mataba ako?!""Hindi 'yun gano'n," saad ng lalake sabay yakap bilang panunuyo.Nagpumiglas ang babae hanggang sa bumukas ang elevator saka lumabas. Kakamot-kamot sa ulo na sumunod an

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 78 - Drunk Confession

    HINDI maitago ni Clara ang tuwa sa mukha, palinga-linga siya sa paligid. Pinagmamasdan ang lugar dahil sa dami niyang napuntahan ay tila iyon ang pinakaunang beses niyang mararanasang kumain sa high-end restaurant na sila lang ang customer.Bagama't masaya ay inaalala niya ang halagang ginastos ni Alaric. "Sobrang mahal siguro rito? Ano bang pwede kong bayaran? Kahit isang dish lang." Nahihiya siyang magpalibre.Ngumiti lang si Alaric, pero sa halip na sabihing huwag na itong mag-abala. Sa ugali pa lang ni Clara, tiyak na mahihiya ito at mag-aabot pa rin ng bayad. "'Yung appetizer na lang," aniya, kahit nabayaran naman na niya lahat-lahat.Nakangiting tumango si Clara, sabay kuha sa phone. "Pwede naman sigurong mag-selfie rito, tama?" Dumukwang pa siya sabay bulong, "Ang ganda kasi ng lugar.""Yes."Tila bumalik sa pagkabata si Clara na tuwang-tuwa sa kahit maliliit na bagay. Tumayo siya sa kinauupuan at pumwesto sa isang magandang display. Hindi pa siya nakontento at makailang ulit s

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 77 - Our Own Celebration

    NAPANGITI si Alaric sabay lingon sa convertible car na gamit nila. Mabuti na lang talaga at iyon ang gusto niyang gamitin nila sa gabing iyon."I'll go with you," ani Clara saka bumaba sa sasakyan. Naglakad sila patungo sa kotse kung saan naghihintay ang assistant nito.Tumango si Dennis sabay lahad ng kamay para maibigay ang susi ng kotse."Ihatid mo na lang pabalik at ako nang bahala kay Clara," utos ni Alaric."Yes, Sir." Matapos ay naglakad na si Dennis palayo.Nang ang dalawa na lamang ang naiwan ay pinagbuksan ng binata si Clara ng pinto ng sasakyan. Pagkatapos makasakay ay umikot si Alaric patungo sa driver seat.Pagkatapos na makapag-seatbelt ay nagkatinginan ang dalawa at parehong nangiti sa isa't isa. Binuhay ni Alaric ang makina ng sasakyan saka nagmaneho paalis sa lugar.Sa mga naunang minuto ay nagmaneho lang ang binata. Lihim na nag-iisip kung saan niya muna dadalhin si Clara bago puntahan ang pina-book niyang high-end restaurant, twenty minutes away lang ang layo mula s

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 76 - His Priority

    DAHIL pasikot-sikot ang daan ay nagtanong-tanong pa si Clara sa mga nakakasalubong na naka-uniporme gaya ng staff and crew sa loob at makalipas ang ilang minuto ay nakalabas na siya.Naramdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin saka siya napangiti at nakahinga nang maluwag. She felt out place sa lugar at ngayon ay malaya na siya, iyon nga lang ay nakakapanghinayang ang effort nilang dalawa ni Janice.Napabuntong-hininga siya, napapaisip kung saan kaya siya posibleng pumunta? Ayaw niyang umuwi nang maaga at paniguradong tatanungin siya ng kaibigan. Ang ending manggagalaiti lang ito sa galit kapag kinuwento niyang pinaalis siya ni Ethan.Bago tuluyang umalis ay nilingon niya pa ang entrance ng building, iniisip na malulungkot si Helen at Ysabelle kapag nalaman na umalis siya.Padadalhan niya na lamang ng mensahe ang hipag mamaya at baka bigla siyang habulin at pabalikin sa loob kapag nabasa nito agad ang text message niya.Naglakad na siya patungo sa kotse nang mapansin sa gilid ng mata

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 75 - Unwanted Guest

    BANDANG alas-sais dumating si Clara sa lugar at marami siyang nakakasabay. Ang iba ay halatang nasa alta-sociadad dahil na rin sa mamahaling damit at alahas. Pinagpapasalamat niya talagang tinulungan siya ni Janice sa damit at alahas para hindi siya magmukhang naiiba sa lahat.Sa entrata ay may nagtsi-check na staff kaya nilabag niya sa handbag ang invitation card. Pinadala sa kanya iyon ng biyenan noong isang araw kaya hindi na talaga siya nakahindi at last minute nang naghanda."Mrs. Clara Villareal," sambit ng staff at matapos makita ang pangalan ni Clara sa VIP list ay ngumiti. "Good evening po, Ma'am." Pagkatapos ay sinenyasan ang isang kasamahan na nasa gilid na lumapit at binulungan na samahan si Clara sa loob hanggang sa table nito.Ngumiti siya at pagkatapos ay sinundan na ito at dinala siya sa vacant table na malapit sa mini stage."Are you sure, dito ako?" tanong niya sa staff. Naiiba kasi ang table kumpara sa karamihan.Ang malapit sa stage ay mas elegante tingnan, halatan

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 6 - The Choice He Couldn't Make

    HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 5 - Torn Memories

    MABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo."Anong nangyari?" anito.Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan.""Ha?" react ni Ethan. "Ba't kay

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 4 - Not Welcome

    DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 3 - A Home No Longer Mine

    NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status